"Bakit hindi mo magawang maniwala na isa akong genie pero naniniwala kayo ng Mamita mo sa tarot cards, crystals, at potions?"
Natahimik ako. Nakaupo kami nitong nagpakilalang "genie" sa may bubong. Medyo kalmado na ako nang mga sandaling iyon.
"You have a point." Saad ko na nagkibit-balikat. "Pero sa panahon kasi ngayon, parang imposibleng magkaroon ng genie."
Pinagmasdan ko siya. Nagtatanong. Nagtataka sa kanyang pinagmulan.
"You wished for me, remember?" sabi niya na mistulang nabasa ang tumatakbo sa isip ko "Nakaupo ka sa mismong puwesto na ito at nag-wish ka sa shooting star."
"No, I did not! Apat lang ang wish ko. And definitely, wala sa apat na iyon ang maka-meet ako ng isang weird na genie na walang fashion sense."
Umismid ako at pinagkunutan niya naman ako ng noo.
"Ilan ang wish mo?"
"Apat." Nakairap ko pang tugon.
"Exactly. Apat ang wishes mo. Sa tingin mo ba ay kayang i-grant ng isang shooting star ang apat na wishes?"
Natahimik ako. Hindi ko pa rin gets. Nagbuga siya ng hangin na mistulang nabasa uli ang tumatakbo sa isip ko.
"Hindi ko alam kung nagbabasa ka ng fairytales noong bata ka pa. Higit sa isa ang wish na kayang i-grant ng isang genie. Hindi alam ng isang shooting star ang value ng wishes mo. Hindi niya alam kung alin doon ang pinakagusto mong matupad. Kaya isang genie na lang ang kanyang ipinadala sa'yo nang sa gayon ay mas maraming wishes mo ang ma-grant."
Gets ko na. Niyakap ko si genie. He frozed in between my embrace.
"A-anong ginagawa mo?"
"Masaya lang ako." Tiningala ko siya. Nakita kong nagniningning ang kanyang buhok. "Wait, anong nangyari sa buhok mo?"
Tinabig niya ako.
"You're only allowed to say your wishes. You're not allowed to show any affection towards me. Maliwanag?"
"OK, OK!" itinaas ko ang dalawa kong kamay bilang pagsuko. "Ang sungit naman!"
Katahimikan. Hindi nagtagal at may kung ano akong naalala. Kinalabit ko siya.
"Wait, noong gabing nag-abang ako ng shooting star, hindi ko naman nabigkas 'yung wish ko eh. Sobrang bilis nawala ng shooting star kaya sigurado akong hindi ko talaga nabigkas. So, anong ginagawa mo rito?"
"The shooting star can read your thoughts." Balewalang sagot niya. "Hindi mo na kailangang bigkasin pa ang wish mo."
Amazed, napatango-tango ako. I was satisfied for a few minutes. Maya-maya ay may naisip uli ako.
"Pa'no pala 'yun eh apat 'yung wishes ko?" saad ko. "Hindi ba hanggang tatlo lang ang puwedeng i-wish sa isang genie?"
Matagal bago siya sumagot.
"Pag naging mabait ka, I'll give you one bonus wish."
Nagningning ang mga mata ko. "Damn, genie, mahal na ata kita!"
Hindi siya sumagot pero muling nagningning ang kanyang buhok.
BINABASA MO ANG
OPPOSITE WISHES
FantasyElla is a free-spirited, hopeless romantic, twenty-year-old girl na gustong gumanda, gustong paibigin si Paul, gustong yumaman, at gustong makita ang tatay niya. She was given a chance to fulfill her wishes sa pamamagitan ng isang shooting star. But...