PINAGMASDAN ko ang aking sarili mula sa full-length mirror. Pinagmasdan ko ang tutyang kong buhok, makapal na kilay, pati na rin ang mga pangil at nunal ko. And as I do that, hindi naiwasang biglang manariwa sa alaala ko ang mga sinabi sa akin ni Millie.
"Why are you so sad about your face? I think you're pretty. You just have to accept yourself first and believe that you are beautiful."
Napangiti ako. Tama si Millie. Hindi ko kailangang maging kasing-ganda ni Catriona Gray o kasing-seksi ni Kelsey Merritt. Ang kailangan ko lang ay tanggapin ang totoo kong sarili.
"Hey," pukaw sa akin ni Gin. "Nakapag-decide ka na ba?"
I smiled at him. "Yes."
"Alright," tumango si Gin. "Can I have your wish now, master?"
Bago sumagot ay huminga muna ako nang malalim. "I wish na sana... sana bumalik na ako sa dati kong anyo."
Natigilan si Gin. Napatitig siya sa akin. Nagtatanong ang kanyang mga mata.
"Wait, tama ba ang dinig ko?" aniya. "Gusto mong bumalik sa dati mong anyo?"
Sunod-sunod ang pagtango ko. "Ang sabi sa akin ni Millie, ang kailangan ko lang ay tanggapin ko ang sarili ko. I realized, she was right. Nang magbago ang anyo ko, that's when I realized how important it is. Lumaki ako sa anyong iyon. Minahal ako ni Mamita sa anyong iyon. Nakilala kita sa anyong iyon."
Hindi agad sumagot si Gin. Pero napansin ko ang kakaibang liwanag sa kanyang mga mata. Kahit hindi niya sabihin sa akin ay alam kong sang-ayon siya sa aking desisyon.
"I understand, master." Itinaas niya ang isa niyang kamay. "Whenever you're ready."
"I'm ready." Malawak ang ang ngiting anunsyo ko. "Gin, I wish na sana bumalik na ang dati kong anyo."
Tumango si Gin at ikinumpas ang kanyang kamay. Sa kumpas niyon ay mabilis na nagliwanag ang aking mukha. Suddenly, my world went spinning. Nagbilang ako sa aking isipan at pagdating ko ng sampu ay unti-unti nang nawala ang pag-ikot at bumalik na sa normal ang aking paningin.
Gin smiled at he stared at me. "Your wish is granted, master."
Napalunok ako nang marinig ang kanyang sinabi. Dahan-dahan kong sinulyapan ang full-length mirror sa harap ko. Mabilis na tumaas ang sulok ng mga labi ko nang makita kong totoo ang sinasabi niya. Tunay ngang nagbalik na ang dati kong anyo. My shoulder length, straight, black hair is back. My normal, a little crooked teeth are back. My morena, non-mole face is back. Hindi na rin makapal ang mga kilay ko. Nagtatalon ako sa sobrang saya.
"Gin! Omg! Bumalik na ako sa dati!" Wala sa sarili na lumapit ako sa kanya. I wrapped my arms around his shoulders. "Ang saya-saya ko!"
Biglang nagningning ang asul na buhok ni Gin nang yakapin ko siya. Natigilan siya. Natigilan rin ako nang mapagtanto ko kung anong ginawa ko. Biglang parang nawala sa lugar ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok.
"S-sorry," sabi ko na agad kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya. "Sobrang saya ko lang kasi."
"I-it's OK," tugon naman ni Gin. Nawala na ang pagniningning ng kanyang buhok. Pinagmasdan niya ako saka ngumiti. "Masaya rin ako para sa'yo."
My cheeks turned bright red. Ngumiti lang ako at agad na ring umiwas. Dinampot ko ang bag ko at isinukbit ko iyon.
"Um, sige na," saad ko. "Pumasok na tayo."
BINABASA MO ANG
OPPOSITE WISHES
FantasyElla is a free-spirited, hopeless romantic, twenty-year-old girl na gustong gumanda, gustong paibigin si Paul, gustong yumaman, at gustong makita ang tatay niya. She was given a chance to fulfill her wishes sa pamamagitan ng isang shooting star. But...