NAGNGINGITNGIT ang loob na ipinasok ni Cameron sa washing machine ang mga puting damit. Sinamaan niya ng tingin ang polo na nadampot bago padabog na ipinasok doon.
Lumiban siya sa trabaho para lang maglaba ng mga damit at maglinis ng malaking bahay.
"You'll pay me with your body," she muttered, mimicking Red's voice. Inikot niya ang mga mata at muling itinuon ang pansin sa mga nilalabhan.
Dalawang araw na ginulo ng mga salitang iyon ang kanyang isipan. Kung anu-ano na ang pumasok sa kanyang maduming utak dahil sa mga binitawang salita ng antipatikong abogadong iyon.
Nakahanda na siyang pumasok sa trabaho kanina nang makatanggap ng tawag mula kay Red. Nagdalawang-isip siya kung sasagutin ang tawag nito, ngunit sa huli ay wala siyang magawa kundi sagutin iyon. Pinangangambahan niyang i-report siya nito sa mga pulis.
Puno ng kaba ang kanyang dibdib nang papuntahin siya ni Red sa address na ibinigay nito sa kanya. Hinanda niya ang sarili sa akala niyang gusto nitong mangyari. Matanda na naman siya para gawin ang bagay na iyon. Her biological clock is ticking and it's not bad to give her innocence to Attorney Red Sanford. Hindi na siya lugi sa abogado.
Halos hindi siya humihinga sa harapan ni Red kanina, akala niya ay mahihimatay siya sa lakas ng tibok ng kanyang puso.
Ngunit nagkamali siya ng pag-interpreta sa sinabi nitong babayaran niya ng kanyang katawan ang mga utang niya rito. Bumagsak ang panga niya ng sabihin nito ang mga kailangan niyang gawin. Hanggang sa makaalis si Red ay hindi parin rumehistro sa kanya ang sinabi nito.
She needs to clean the whole house, wash the dishes and do the laundry. Kahit hindi niya gustong gawin ang pinapagawa sa kanya ay wala siyang pagpipilian.
Habang naghihintay sa mga labahing nakasalang sa washing machine ay inilabas niya ang cellphone mula sa kanyang bag. Bumuga siya ng hangin nang mabasa ang mga mensaheng mula sa kanyang mga katrabaho. Hinanap siya sa firm, siguro'y may ipapagawa na naman ang mga ito sa kanya.
She wanted to loathe the world for being so unfair, the rich took all the privileges and the credits that others worked hard for. Halos ang mga kasamahan niyang abogado sa firm na pinagtatrabahuan ay nagmula sa mayayamang pamilya, ang iba palagi ang napupuri sa mga bagay na ginawa niya. Siya ang napapagalitan sa mga kapalpakan ng mga ito at palagi nalang siyang inuutusan kahit pantay lang ang kanilang posisyon.
Makahanap lang siya ng pagkakataon ay aalis talaga siya roon. Marami namang mga law firm na nangangailangan ng abogado, maaari rin siyang magtayo ng sarili niyang opisina.
Binuksan niya ang mensaheng mula sa kanyang kliyente. Sarado na ang kaso nito at ipinapahayag ang pasasalamat sa mensahe. Nakumbinsi niya ang dating kasintahan ni Justin na hindi sinadya ang pagtatagpo ng dalawa, handa namang magbayad ng danyos ang kanyang kliyente kaya napapayag niya ang kabilang panig na makipag-areglo.
Pagkatapos sagutin ang mensahe ay pinatay niya ang cellphone upang hindi makatanggap ng anumang tawag mula kanino.
Halos tanghali na ng matapos siya sa paglalaba sa mga damit ni Red. Ipinagpasalamat niyang wala iyong mga undergarments, may hiya pa ito sa katawan. Kung meron man ay baka natapon na niya iyon sa pinakamalapit na basurahan.
Ibinagsak niya ang sarili sa mahabang sofa sa loob ng living room. Sandaling inilatag ang nahahapong katawan.
Paano niya lilinisin ang bahay nito na pagkalaki-laki? "Ang daming pera walang katulong," palatak niya.
Kanina pa siya nakatitig sa kisameng pagkataas-taas habang nakalaylay ang kamay sa sahig na para bang may makikita siya roong butiki. Tinatamad siyang bumangon at maglinis.
BINABASA MO ANG
Loving Him Is Red (Sanford Series #3) [COMPLETED]
RomanceRain Cameron Montgomery personifies an independent and modern woman. She's easy to get along with and is a friend to Oliver and George. She was kicked out by her stepmother when she was barely eighteen. No matter what she accomplished, she's nothing...