SHE sighed dreamily while staring at the handsome man behind the counter. She took the Frappuccino to her mouth and take a sip without breaking her eye contact with that handsome man who happened to be her ex-boyfriend.
Kumindat ito sa kanya at ngumisi bago hinarap ang mga orders dito.
"Stop ogling at my boyfriend," pabulong na sita sa kanya ng katabi sabay gawad ng pinong kurot sa kanyang tagiliran.
She sighed for the nth time and settled her chin above her knuckles. "How can someone be so hot and handsome? He's a walking sin."
"He's not yours anymore," nang-uuyam na paalala nito.
Marahas niya itong nilinga at kung nakakamatay lang ang tingin ay bumulagta na ito sa kinauupuan. "Whose fault is that? Kung hindi ka lang naman malandi, 'di sana kasal na kami ngayon!"
"Well, he loves you but wasn't really in love with you. Do you get what I mean?" Hindi siya sumagot at inirapan lang ang katabi. "He loves me, bitch, suck it up," bulong muli nito malapit sa kanyang tenga.
"Whatever, mas maganda naman ako sa 'yo."
"Mas masarap ako," anito na ikinapadyak ni Cameron. Kumislap sa pagkaaliw ang mga mata ng katabi niya at may ngiting naglalaro sa mga labi.
"Wala kang matris, hoy, bakla. Bak—" Natigil siya sa pagsasalita ng bigla nitong takpan ang kanyang bibig. She tried to speak but he held her mouth captive. Ang malaki nitong kamay ay pumipigil sa kanyang bunganga at ilong, at nahihirapan siyang huminga dahil do'n.
"Sige lakasan mo pa," bulong nito at muling kinurot ang kanyang tagiliran.
Mariing kinagat niya ang kamay ng kaibigan kaya nabitawan nito ang kanyang bibig at ilong. Napahiyaw naman ito ng malakas na siyang sanhi upang mapatingin sa kanilang direksiyon ang mga customers ng café.
Cameron cannot contain her giggles when her friend wrapped his arms around her immediately and pulled her closer to his body, then flash his boyish grin to everyone.
"Bitawan mo ako, bakla," bulong niya rito na may kasamang ngisi at panunudyo.
"Be still! Just play along."
She smirked and leaned closer to his broad shoulder. Muli niyang dinala ang inumin sa bibig at wala sa loob na nagawi ang kanyang tingin sa may counter.
Napangisi siya ng may ideyang pumasok sa kanyang isipan. Sinalubong niya ang tingin ni Oliver—ang kanyang ex-boyfriend. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa kanilang direksiyon. Isiniksik niyang lalo ang katawan sa kaibigan at iniyakap ang braso sa katawan nito.
"What are you doing?" tanong nito na halata ang pagkailang sa kanyang ginawa. They were usually this close, but not in a public place. He was her best friend since diaper days. Magkasama silang lumaki at isa ito sa mga taong naging karamay niya noong namatay ang kanyang ama at palayasin siya sa kanila.
He loves her just like how she loves him. Kaya hindi siya masyadong nagtanim ng sama ng loob dito nang agawin nito si Oliver sa kanya, inagaw nga ba? No, not really. Mahal siya ni Oliver gaya ng kung paano siya mahal ni George—her best friend. She already had settled on that fact and accepted them with open arms. They were her friends and she was more than blissful to have them in her life.
"Don't move, bakla. Can't you see, I'm helping you! Nakatingin sa atin ang mga tao, sa tili mo ba naman." Pinandilatan niya ng mata ang kaibigan na inilinga-linga ang paningin sa paligid.
Muli niyang ibinalik ang tingin sa counter at napasimangot nang makita si Oliver na nangingiti at umiiling-iling habang nakatutok ang mga mata sa kanila ni George. "Bitch," she mouthed at his direction. Lumapad ang pagkakangiti ng dating kasintahan na siyang nagpatanga sa ilang kababaihan na umu-order ng kape sa harapan nito. Poor hearts. Many hearts will be broken if they'll found out the true color of that macho man.
BINABASA MO ANG
Loving Him Is Red (Sanford Series #3) [COMPLETED]
RomanceRain Cameron Montgomery personifies an independent and modern woman. She's easy to get along with and is a friend to Oliver and George. She was kicked out by her stepmother when she was barely eighteen. No matter what she accomplished, she's nothing...