CHAPTER 21

2.9K 171 8
                                    

HE was staring at the blank canvas in front of him for a while now. His chest was tightening as her face keep on flashing in his mind.

He missed her. He wanted to see her face again, but he can't. She left him.

Dinampot niya ang paint brush at nagsimulang guhitan ang puting canvas na nasa harapan. He was not as good as his sister but he knew how to draw and paint. Noong bata pa si Tara ay palagi niya itong sinasamahan sa mga art workshop nito kaya natuto siya kung paano magpinta.

Red was oblivious on his surrounding as he was sitting on the floor and her hand moved in a fine stroke.

Tapik sa balikat at umagaw ng pansin ni Red mula sa ginagawa.

"Let's drink," ani Ashton na nakatunghay sa panganay na anak.

Tumango ang binata at itinabi ang mga kagamitan sa pagpipinta. Kinuha niya ang kanyang damit na nakasampay sa sandalan ng sofa at isinuot, kapagkuwan ay sumunod sa ama palabas ng work area ni Tara. Isang silid ang okupado nito para sa propesiyon sa bahay ng kanilang mga magulang.

Sa labas ng bahay sila dinala ng kanilang mga paa. Nandoon ang kanyang kapatid na si Tyler at ang pinsang si Apollo at Lucas.

Umupo siya sa katabing upuan ng kapatid at agad na dinampot ang isang bote ng beer. Sunod sunod niya iyong tinungga at hindi pinansin ang nakapaligid sa kanya.

Cameron. Hindi ito mawala-wala sa kanyang isipan. Ilang linggo na niya itong hindi mahanap at sa mga araw na nagdaan ay lalong tumitindi ang kahungkangan sa kanyang damdamin.

He's getting crazier every passing moment, she can see her in the office, in his house, in the court or even in his parent's house. Why can't he take her off his brain? Why does he have to think of her every second as if she was an unforgettable memory? Was it because he likes her all this time?

Unang kita palang niya kay Cameron sa loob ng sementeryo ay ilang gabi nitong binagabag ang kanyang isipan. Halos tatlong taon ang nakalipas mula noon ay muli niya itong nakita sa loob ng café. He didn't know what struck him at that moment, he was astounded when he saw her again sitting in the café after almost three years.

Naglalakad si Red sa kahabaan ng highway na iyon patungo sa pagkikitaan nila ng kanyang kliyente. Malapit lang iyon sa firm nila kaya napagdesisyonan niyang lakarin ang patungo roon.

Nang mapatingin sa kanyang kaliwa kung saan nakatayo ang paborito niyang café ay biglang natigilan si Red. Hindi niya namalayang napatigil siya sa paghakbang at tinitigan ang pamilyar na mukha ng babaeng nasa loob. Malaya niya itong napagmamasdan dahil salamin ang pinakadingding ng café.

Nagsalubong ang kanyang kilay at kinilala ang babae. Hinahagilap sa isipan kung saan niya ito nakita.

She was beautiful. Hindi iyong ordinaryong ganda. There was something in her that he can't take his eyes off, as if she was telling him to look at her. She was frowning and talking as if she was complaining about something.

He can clearly see her sharp nose and her auburn hair that flows on her fair and creamy skin perfectly.

Parang may sariling isip ang kanyang mga paa na humakbang papasok sa Agapi Café. Nang muli niyang ibaling ang paningin sa dalaga ay nakatingin na ito sa kanyang direksiyon.

Red thought that he was lost at that moment. He got lost on the eyes that stared at him. The world stopped spinning and he could only see her. Tila ba isa itong magnet at hinihila siya papalapit.

Parang may umilaw na bombilya sa kanyang isipan nang maalala kung saan niya ito nakita. It was her! The girl he saw at the memorial park. The one who owned those sinful red shoes.

Loving Him Is Red (Sanford Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon