CHAPTER 3

2.8K 181 2
                                    

"You might think I'm crazy, the way I've been cravin'... can we stay up all night, fuck me 'til the daylight, 34, 35, yeah, yeah, yeah, yeah..." Cameron sang with enthusiasm. She was banging her head and swaying her hips in the rhythm of Ariana Grande's song.

"Baby, you might need a seatbelt when I ride it, I'ma leave it open like a door come inside it... Aray...!" hiyaw niya nang matinik ng alaga niyang cactus.

Inilapag niya ang watering pot at sinipat ang daliring may munting dugong lumalabas. Sinamaan ni Cameron ng tingin si Lerry—ang isa sa mga cactus niya—na bigay sa kanya ng ex-boyfriend na si Oliver. "Walang puso! Ihulog kita riyan, makikita mo!"

Inirapan niya ang halaman bago pumasok sa loob ng kanyang munting bahay. Maliit lang iyon ngunit sapat na sa kanya, iyon ang naging kanlungan niya sa nakalipas na labing isang taon.

Mas gusto niyang manatili sa maliit na silid na nasa rooftop ng bahay ni Pauleen, kahit na may sarili siyang silid sa ibaba na mas malaki at malawak. Isa pa ay halos sa bahay na ni Pauleen nakatira si Cristopher, hindi naman niya itinatago ang kanyang disgusto sa lalaki.

Simula nang kupkopin siya nito ay roon na siya nanunuluyan. Noong una ay tambakan lang iyon ng kung anu-anong kagamitan, ngunit ipinaayos iyon ni Pauleen para sa kanya at ginawang kumportableng tirahan. She had a lot of things to be thankful to Pauleen, he was a friend, a mother and a father rolled in one.

Hinugasan ni Cameron ang mga kamay sa sink, napatalon siya sa gulat nang marinig ang matinis na ngiyaw ng isang pusa. Pinandilatan niya ito ng mga mata, nilakihan pa niyang lalo ang mga mata upang sindakin ito. Ngunit hanggang sa sumakit ang mga iyon sa pagkakadilat ay hindi natinag ang pusa at nakipaglaban ng titigan sa kanya, puno ng determinasyon ang malalaking mga mata.

"Shoo!" taboy niya rito. She dislikes cats. Minsan na siyang nakagat ng pusa noong kabataan niya at tumatak iyon sa kanyang isipan hanggang sa pagtanda. Masama bang matakot? "Shoo, alis!" muling taboy ni Cameron at dinampot ang walis tambo at ginamit iyon upang mapaalis ang hayop. Siyempre hindi naman niya ito sinaktan, ayaw niyang mademanda ng animal abuse.

Nang makaalis ang pusa ay tinuyo niya ang kamay at tinungo ang kanyang study table upang ligpitin ang mga papeles na nakakalat sa ibabaw niyon. Pagkatapos ay inayos ni Cameron ang kanyang kama at pinulot ang mga nakakalat na kinuyumos na papel sa sahig.

Nang masiyahan sa naging resulta ng kanyang paglilinis ay muling lumabas ng bahay si Cameron at nag-unat ng katawan. Ipinikit niya ang mga mata at nilanghap ang hangin sa lungsod, ngunit agad ding napaubo nang sunod-sunod dahil sa nalanghap na usok galing sa mga sasakyan.

Pati utak niya ay napopollute narin, tinatamad siyang lumabas ng bahay at gumala. Off niya ngayong araw at mas gusto niyang manatili roon at manood ng kahit anong puwedeng panoorin. O kaya ay kausapin ang kanyang mga alaga na mas malulusog pa yata kaysa sa kanya?

Masakit na sa balat ang sikat ng araw kaya dinampot ni Cameron ang kanyang cellphone na nasa tabi ng mga paso at pinatay ang kantang tumutugtog sa kanyang playlist. Tumalikod na ang dalaga upang pumasok sa loob nang aksidenteng masagi niya si Terry—ang isa pa niyang alagang cactus na bigay naman ng baklang si George.

"No! Terry!" sigaw ni Cameron dahil sa pagkasindak. Dinungaw niya ang ibaba upang matingnan ang kalagayan ng kanyang pinaka-iingatang halaman.

Napakunot noo si Cameron nang makita ang nangyari sa ibaba, basag ang paso ng kanyang cactus ngunit hindi iyon ang dahilan nang pagkakakunot ng kanyang noo. Mabilis siyang bumaba upang makita sa malapitan ang pinangyarihan ng crash site.

Napatuptop sa bibig ang dalaga nang masilayan ang isang nakahandusay na lalaki sa semento. Wala itong malay at may dugong tumulo sa gilid ng noo.

"Nakapatay ako, my god, Terry! Anong ginawa mo?!" bulalas ni Cameron na nataranta. Tatawagin niya sana si Pauleen nang maalalang nasa bakasyon ito kasama ang boyfriend.

Loving Him Is Red (Sanford Series #3) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon