(WARNING: This part contains strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity that may be offensive or disturbing and is not suitable for young readers and sensitive individuals. You have been warned.)
TAHIMIK na pinagmasdan niya ang mga kasama na masayang nag-uusap at umiinom. Sina George at Oliver ay komportable na sa mga ito at nakikipagpalitan nang salita.Pito silang nakapalibot sa bonfire habang nagkukuwentuhan. Ipinakilala niya kanina ang mga kaibigan kina Tara at nagkayayaan ang mga itong uminom. Hindi niya gustong sumama sa mga ito, ang nais niyang gawin ay tumakbo pabalik sa kanyang hotel room ngunit wala siyang magawa kung 'di ang sumama.
Napakapit siya sa braso ng katabi nang magawi ang kanyang paningin kay Red. He was staring at her while drinking his beer and dear lord, he's taking her breath away. She watched his Adam's apple moved as he gulped and she never sees as sexy as his before.
Nang mapatingin sa mga labi nito ay agad niyang iniwas ang mga mata at ang namumulang mga pisngi nang maalala ang nangyari kanina. They kissed under the sea. She can still feel his lips and fingers on her skin.
Nakaramdaman siya ng lamig at nanayo ang kanyang balahibo kaya iniyakap niya ang mga braso sa katawan. Agad naman iyong napansin ni Oliver na nakaupo sa kanyang tabi kaya umikot ang braso nito sa kanyang balikat.
Inabot niya ang ibinigay nitong beer at humilig dito. "You good?"
"Hmm," she answered and gently tapped his arm on her shoulder. "It's chilly." Nakasuot siya ng shorts at bikini top kaya hindi nakakapagtatakang makaramdaman siya ng ginaw.
Dinala niya sa bibig ang beer upang maibsan niyon ang kanyang panlalamig. Kapagkuwan ay binalingan niya si Tara sa kanyang tabi nang magsalita ito "How long have you been friends?"
"Oh! George and I are friends even before we learn how to walk. It's been almost seven years since I met Oliver. He's my ex-boyfriend," mahina niyang dagdag.
"Really?" bulalas nito na nakakuha ng pansin ng kanilang mga kasamahan. "And you're friends with him? I mean, no hard feelings?"
"Chismosa mo," bulong ni Harisson sa tainga ng dalaga ngunit nakaabot iyon sa kanyang pandinig.
Ngumiti siya sa dalawa at sinabing, "I'm happy with our relationship right now." Sandali niyang tiningnan si Oliver at George na parehong nakangiti sa kanya.
"That's good," sagot ni Tara at iniumang sa kanya ang bote ng beer. "Cheers."
"I'M going back to the hotel," bulong niya kay Oliver. Ilang oras na silang naroon at tinatablan na siya ng naimon.
"Ihahatid na kita."
"No, stay here. Have fun." Nagpaalam siya sa mga kasamahan bago lumakad pabalik ng hotel.
Dumaan muna siya patungo sa pinakamalapit na banyo upang umihi bago dumiretso paakyat sa kanyang hotel room.
Isinandig niya ang ulo sa elevator wall nang lumala ang kanyang pagkahilo. Nang makarating sa kanyang palapag ay agad siyang lumabas at tinungo ang kuwartong inuokopa.
Saktong pagkasara niya ng pinto ay may kumatok doon. Pahinamad na binuksan niya ang pintuan at sa malat na tinig ay sinabing, "Oliver, I'm fine. I just—" she trailed off when she saw the man in front of her, it wasn't Oliver neither George. "W-what are you doing here?" bulalas niya at tila ba nawala ang kanyang pagkalasing.
Sa halip na sagutin ang kanyang tanong ay marahan siya nitong itinulak at pumasok sa loob. He closed the door behind him using his feet. Napigil ni Cameron ang hininga habang nakatingala rito.
BINABASA MO ANG
Loving Him Is Red (Sanford Series #3) [COMPLETED]
RomantikRain Cameron Montgomery personifies an independent and modern woman. She's easy to get along with and is a friend to Oliver and George. She was kicked out by her stepmother when she was barely eighteen. No matter what she accomplished, she's nothing...