SALUBONG ang mga kilay ni Red na sinulyapan ang lamesa ni Cameron. Hindi niya ito makita dahil sa mga dokumentong nakaharang at ang kompyuter. Subalit dinig na dinig niya ang sunod-sunod nitong buntung-hininga.
Kanina nang pumasok ito ay tila wala sa sarili at may inaalala.
Ibinalik niya ang mga mata sa binabasa kahit na gusto niya itong tanungin kung anong problema. May mahalaga siyang dokumentong pinag-aaralan para sa kanyang hearing bukas.
Pinag-aaralan niya ang files ni Francisco Perez na siyang tatayo bilang witness sa arson case bukas. Sinusuri niya ang kredibilidad ng matanda at sa nababasa niya ay malaki ang tiyansang manalo sila. Talking about credibility, the witness was awarded as an employee of the month a couple of times. He had no criminal record and his co-workers vouch for him.
Nakita nito ang kanyang kliyente na siyang bumuhos ng gasolina sa paligid ng shop subalit nakita rin nito kung paano tinakot ang kanyang kliyente na gawin iyon. He saw who the real culprit was that the CCTV did not capture.
Anak ng may-ari ng shop ang siyang sumunog niyon. Ayon kay Perez, ang motibo ng anak kaya nito sinunog ang negosyo ng pamilya ay dahil gusto nitong matigil ang panloloko sa mga mamimili nila. The shoes were fake, ngunit ibinebenta pa rin sa halagang katulad ng mga tunay.
Red managed to find out if it was true, and it was. The shoes were only imitation of the branded ones. Subalit hindi pa rin tama ang ginawa ng anak ng may-ari. Six people were killed when the fire broke out. At ito dapat ang makulong at hindi ang isang inosenteng tao.
Nang tumayo si Cameron ay agad na napataas ng tingin mula sa binabasa si Red. Inalis niya ang salamin sa mga mata at akmang tatanungin ito nang bigla biglang lumakad lumabas ang dalaga.
Napatingin si Red sa kanyang relo at nakitang ilang minuto nalang at tapos na ang oras ng trabaho. Inayos niya ang mga dokumento na nasa lamesa, binitbit niya ang mga ito upang mapag-aralan sa kanyang bahay, kapagkuwan ay lumabas na ng opisina.
Mabilis na pumasok siya sa kanyang sasakyan nang makitang pinatakbo na ni Cameron ang sasakyan nito paalis.
He followed her discreetly. She stopped in a flower shop for a while and bought some flowers. Muli niya itong sinundan at nang makita kung saan ang tinatahak ng dalaga ay nawala ang pagkaka-kunot ng kanyang noo.
Itinigil niya ang sasakyan ilang metro sa tinigilan nito. He saw her step out of the car and went inside the memorial park. Isinandig niya ang ulo sa sandalan at pinanood si Cameron hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin.
Nakatutok ang mga mata ni Red sa unahan nang pumatak ang sunod sunod na buhos ng ulan sa windshield ng sasakyan. Agad niyang dinukwang ang glove compartment at inilabas ang isang payong mula roon.
Lumabas siya ng sasakyan at patakbong sinundan ang daan na tinahak ni Cameron.
HINDI inaasahan ni Cameron na madadatnan doon si Feliza at ang nakababata nitong anak na babae. They were glaring at her when they saw her.
Kanina pa magulo ang kanyang isipan. Matagal niyang pinagdesisyunan kung pupunta ba roon ngayong araw o hindi.
Sa nakalipas na dalawang taon ay hindi siya pumupunta roon sa mismong kaarawan ng ama. Ayaw niyang mapang-abot ng pamilya nito kaya sa susunod na araw siya nagpupu-punta.
Akala niya ay wala na roon ang mag-anak dahil papadilim na ngunit nagkamali siya. Sana pala ay bukas nalang siya tumungo sa himlayan ng ama.
Kasabay nang pagpatak ng mumunting ulan ay ang pagsiklab ng galit ni Feliza. "You shameless, wench! How many times do I have to tell you not to come here?! Stupid!"
BINABASA MO ANG
Loving Him Is Red (Sanford Series #3) [COMPLETED]
RomanceRain Cameron Montgomery personifies an independent and modern woman. She's easy to get along with and is a friend to Oliver and George. She was kicked out by her stepmother when she was barely eighteen. No matter what she accomplished, she's nothing...