"Domestic violence cannot be overlooked by the law. Thus, we have laws and orders that protect women and their children. No violence should be stopped with a murder..." Red stated with confidence, looking at every person in the room. "However, women are weaker than men when they used their strength. Women have no way to defend themselves when a man uses force to aggravate them. The accused ends up taking the life of Mr Wilson was an act of self-defense to protect her children and herself. We plead not guilty, your honor."
"Any last word from the prosecution?" tanong ng judge matapos magbahagi ng huling salita ang defense counsel.
Namangha si Cameron habang nakatitig kay Red na nagsasalita kanina. Hindi niya maialis ang mga mata mula rito kahit na tapos na itong makapagbigay ng huling statement. Halos hindi narin niya mawawaan ang sinabi ng prosecuter.
Red was good. No! He's brilliant! The way he talks and carries his body while delivering his closing statement was heart thumping. Or was it just her?
Ang kasong hawak nito ay isang kaso ng murder. Napatay ni Mrs. Wilson ang asawa nang lumaban ito sa pananakit ni Mr. Wilson. Ang mga kapatid ng namayapa ay desididong ipakulong ang asawa ng kapatid.
Cameron also believes that it was self-defense on the accuse side. Ano nga ba ang laban ng mga kababaihan sa lakas ng mga lalaki? Habang nag-aaway ang mag-asawa ay hindi namalayan ng mga ito nakarating sila sa balkonahe ng kanilang bahay. Sa panlalaban ni Mrs. Wilson ay naitulak nito ang asawa kaya bumulusok pababa.
"Here's the verdict!" Tinig ng judge ang pumakaw sa kanya. Inalis niya ang mga mata mula sa direksiyon ni Attorney Sanford at ibinalik sa judge na maghahayag ng hatol sa akusado. "The defendant had no intention of killing the victim, thus, the defendant was protecting herself and her children from domestic violence. Therefore, the court finds the defendant not guilty!" Tunog ng gavel at palakpakan ng mga tao ng maririnig matapos ianunsiyo ng judge ang hatol.
Maging siya ay nakahinga ng maluwag sa hatol. Nang mapatingin siya sa gawi ni Attorney Sanford ay hindi man lang nagbago ang ekspresyon sa mukha ng abogado. His lips were in a thin line, his face remain stoic.
Inalis niya ang mga rito at tumayo upang sumabay sa mga tao palabas ng court room.
Nakasalubong niya ang kanyang step-sister sa mahabang pasilyo ng trial court. Hindi niya ito pinansin o tinapunan man lang ito ng tingin at nagtuloy-tuloy sa paglakad.
Agad niyang tinungo ang parking lot at pumasok sa kanyang sasakyan. Habang nagkakabit ng seatbelt ay gulat na napabaling ang kanyang paningin sa kabilang bahagi ng sasakyan nang bumukas ang pinto doon.
Hindi niya maiwasan na panlakihan ng mga mata at umawang ang mga labi nang makita si Red na prenteng nakaupo sa passenger seat. Tatlong araw na siyang nagtatrabaho sa law firm ni Attorney Cruz at sa mga panahong iyon ay wala siyang matandaang kinausap siya nito. Ano ang dahilan at naligaw ito sa loob ng kanyang sasakyan?
Kumurap-kurap siya nang hindi mapaniwalaan ang nakikita. Nang bumaling ito sa kanyang direksiyon pagkaraan ng ilang minuto ay naiatras niya ng kaunti ang kanyang ulo. Kung hindi ay tumama na ang mukha nito sa kanya dahil sa bigla nitong paglingon.
"Are you driving or not?" he exclaimed in an irritated pitch.
Tila nahimasmasan siya nang marinig ang boses nito at agad na inilayo ang mukha rito. Umayos siya ng upo at inayos ang pagkakakabit ng kanyang seatbelt.
"Saan ko utang ang karangalang ito?" patuyang aniya. Hindi ito sumagot at itinuon ang mga mata sa labas ng sasakyan. Nayayamot na pinaarangkada niya ang kotse paalis. "Where to?" tanong niya subalit para siyang walang kasama.
BINABASA MO ANG
Loving Him Is Red (Sanford Series #3) [COMPLETED]
RomanceRain Cameron Montgomery personifies an independent and modern woman. She's easy to get along with and is a friend to Oliver and George. She was kicked out by her stepmother when she was barely eighteen. No matter what she accomplished, she's nothing...