DUMALOY ang hapdi sa kanyang pisngi nang lumapat ang palad ng babaeng kaharap sa bahaging iyon ng kanyang mukha.
Nakuyom niya ang mga kamao at hindi man lang nag-abalang salubungin ang nag-aapoy na mga mata ng babae dahil sa pagkasuklam at galit. Nanatiling nakatutok ang kanyang paningin sa bermuda grass na hinahalikan ng mga mumunting patak ng ulan.
Ilang araw ng hindi maganda ang panahon at may bagyo na namang inaasahang tatama sa bansa. Ngunit ano lang ba ang panama ng bagyong iyon sa unos na naranasan niya sa kanyang buhay sa mga nakalipas na taon? She smiled bitterly at that thought.
"You have the audacity to be here? You're really shameless, Cameron!" Nararamdaman niya ang bigat ng mga tingin ng babae sa kanya. Alam niyang pinasadahan siya nito ng mapang-insultong tingin mula ulo hanggang sa mga kuko niya sa paa. "After what you've done to my husband, you don't have the right to be here! May pinagmanahan ka ng kakapalan ng mukha! Don't you ever forget how you killed my husband!"
Tumalikod na si Feliza, ang kanyang stepmother, ang anak nitong babae ay umirap sa kanya bago sumunod sa inang paalis.
Nang mawala ang dalawa sa kanyang harapan ay pinakawalan niya ang hininga na kanina pa niya pinipigil. Nanghina ang kanyang mga tuhod at napasalampak sa mga damo. Naglalaro sa kanyang isipan ang gabing iyon kung saan kinuha ang ama niya sa kanya.
How could she forget that night? Ang nag-iisang taong nagparamdam sa kanya ng pagmamahal at pagtanggap ay binawian ng buhay ng gabing iyon. Ngunit hindi naman tamang siya lang ang sisihin sa lahat ng mga nangyari. Kung tutuusin ay biktima rin siya ng pangyayaring iyon.
Tumaas ang kanyang mga daliri sa himlayan ng ama at hinaplos ang pangalan nitong naka-engraved doon. Prosecutor Peter Montgomery died in a vehicular accident in his early fifties. Ngunit ang asawa ni Peter—si Feliza—at ang mga anak nito na kapatid niya sa ama ay siya ang sinisisi sa pagkawala nito. She was aware that they hate her, hate her to the core.
It was nine years ago when her father died but the pain of losing him was still there. Hindi kailanman iyon mawawala. Nang mamatay ang ama niya ay muli niyang naramdaman ang pag-iisa. She was basically an orphan since her father left. Kung hindi dahil kay Pauleen na kumupkop sa kanya ay hindi niya alam ang kakahinatnan niya noong parang pusang galang itinaboy siya ng pamilya Montgomery.
"Happy birthday, Dad. And guess what... I pass the bar. I'm a lawyer now, you must be very proud of me, right?" Sinikap niyang langkapan ng sigla ang boses ngunit nabigo siya. Sa halip ay gumaralgal iyon at tila may bumara sa kanyang lalamunan. "That's my gift for you, Daddy. Sana masaya ka para sa akin kung saan ka man naroroon. My life has been great and I couldn't ask for more but for you to be here with me. I've found a family in Pauleen, and I have great friends..." she stopped in mid-sentence and inhaled sharply. She could not force herself anymore. She was indeed happy that she got what she wanted, but deep inside her, there was something missing.
Hinayaan niyang pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata. Sumasabay iyon sa buhos ng ulan na tumatama sa kanyang katawan at bumabasa sa kanya. Ang mumunting patak ay naging sunod-sunod at nananalanta subalit hindi niya iyon ininda.
"N-no... I'm not okay..." kapagkuwan ay aniya sa basag na boses. "I'm not okay, Dad! I'm missing you a lot and it's killing me. How can you leave me like that? I want to blame you for everything... b-but I can't..." Tuluyan na siyang napahagulgol habang nakaharap sa puntod nito.
Sumasayaw ang mga puno sa paligid at dumidilim ang kalangitan, nagngangalit ang panahon ngunit wala siyang pakialam.
Dapat ay masayang-masaya siya ng araw na iyon dahil sa wakas ay nakapasa siya sa bar exam at mapapatunayan na niya sa pamilya ng ama niya na hindi na siya ang dating Cameron na ipinagtabuyan ng mga ito na tila ba isang nakakadiring nilalang.
Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakasalampak doon at binubuhos ang kanyang damdamin. Nang maisipan niyang tumayo ay dumidilim na ang kalangitan dahil sa bagyo at lalong sumama ang panahon.
Isang huling sulyap ang ipinukol niya sa puntod ng ama bago naglakad paalis sa lugar na iyon na tila wala sa sarili. Pagpihit niya ay muntik na siyang matumba nang tumama sa isang matigas na bagay. Kung hindi siya nahawakan ng lalaking nakabanggaan ay siguradong sa lupa siya pupulutin.
Umasal ang dalaga ng paumanhin dito at muling naglakad, ni hindi niya nagawang tingnan ang nakabangga.
Cameron was lost in her thoughts that she didn't even notice how the man stopped and glanced in her direction. Likuran nalang ng babae ang nakikita niya dahil nakatalikod na ito at naglalakad na tila ba walang partikular na direksiyon. His forehead knitted and his eyes were in the slit. His curiosity aroused but he disregarded the thought.
Nakatingin sa kawalan si Cameron habang naglalakad sa gitna ng malakas na ulan. Sandali siyang tumigil at inalis ang pulang high heels na suot sa mga paa.
Binitbit niya iyon at tumuloy sa paghakbang. Walang pampasaherong sasakyan ang nagagawi roon at kailangan niyang lakarin ang patungo sa main highway. She could've used her phone and call for a ride but she felt like wandering around under the raging storm.
She wanted to feel the coldness that the rain radiated in her body. She wanted to envelop herself with coldness. Baka sakaling matakpan ng lamig ang mga masasakit na alaalang namamahay sa kanyang dibdib.
She was deep in thought that she failed to notice the taxicab approaching her direction. She managed to gather her consciousness when she heard the beep from the taxi.
Sumungaw ang ulo ng driver at tinanong kung sasakay siya gamit ang malakas na boses. Sandaling nakita niya ang pag-aalinlangan sa mga mata nito, marahil ay dahil sa basang-basa siya ngunit agad iyong napalis at inudyukan siyang sumakay.
Hindi agad kumilos si Cameron at tinitigan ang sasakyan sa malamig na mga mata, kasinlamag ng buhos ng ulan. She was thinking if she'll wander farther under the heavy rain or take the ride, she decided to take the latter.
BINABASA MO ANG
Loving Him Is Red (Sanford Series #3) [COMPLETED]
RomanceRain Cameron Montgomery personifies an independent and modern woman. She's easy to get along with and is a friend to Oliver and George. She was kicked out by her stepmother when she was barely eighteen. No matter what she accomplished, she's nothing...