Napapaligiran na ng mga sundalo ang buong paligid ng kagubatan. May mga helicopter narin sa himpapawid. Panay naman sa pagteleskopyo ang mga nasa itaas. Pero wala silang makita ni anino ng sinumang nasa loob ng gubat. Wala rin silang nakikitang kakaiba. Wala paring binigay na update ang sinumang nasa loob.
Hinihintay nila na muling magparamdam ang sinumang nasa loob kaso isang linggo na ang nakalipas wala ng muling nagparamdam pa sa alinman sa mga sundalong pumasok sa loob ng gubat.
Ang sinumang papasok hindi na nakakalabas pa.
May mga magulang na nagpupumilit pumasok ngunit ang mga nakapasok naman bigla na lamang naglaho na parang bula. Kaya yung iba naghihintay na lamang sa labas ng gubat.
Ngunit isa sa mga ginang ang nagpupumiglas dahil gusto nitong pumasok sa loob ng gubat.
"I need to save my daughter." Pinipilit nitong kumawala sa mga sundalong pumipigil sa kanya.
"She'll be okay. I'll be the one to go. Promise I'll bring her back and safe." Pagpakalma ng lalake sa asawa nito.
"Ganyan din ang sinabi mo di ba? Sabi mo ililigtas mo sila? Pero anong nangyari?" Ang umiiyak na sagot ng ginang.
"I won't let it happen again." Sagot ng lalake.
Kinuha nito ang isang espada na siya mismo ang gumawa. Iyun ang ang tanging armas na dinala niya at pumasok na sa gubat.
Sa kabilang dako naman, napatay na ng mga Rangers ang mga nagbabantay sa isa pang lagusan ng yungib. Mabilis silang pumasok sa loob.
Isang bolang apoy ang sumalubong sa kanila na agad din nilang naiwasan. Kasunod nito ay ang mga yabag na papalapit. Aatras na sana sila pero may humarang narin sa kanilang daraanan. Wala na silang maaatrasan.
Nakipaglaban sila gamit ang mga kamay dahil hindi naman natatablan ang mga kalaban ng mga bala ng anumang uri ng baril. Mabuti na lang ay sanay na silang makipaglaban gamit ang mga kamay at paa kaya hindi na sila gaanong nahihirapang tapusin ang mga buhay ng sinumang kanilang nahahawakan.
Napaungol si Vincent dahil sa bagay na tumama sa kanyang likuran. Hinanap niya ang may gawa nito pero wala siyang nakita. Busy naman sa pakikipaglaban ang anim.
Pinakinggan na lamang ni Vincent ang paligid at naramdamang may papalapit na naman kaya agad siyang umiwas. Iwas lamang siya ng iwas kahit wala siyang nakikitang umaatake sa kanya.
Nang maramdaman niyang muli ang papalapit na presensya ay sinalubong niya ito ng sipa. Pero siya rin ang napaungol sa sakit dahil nagkasugat ang paa niya na parang natusok ng kung anong bagay.
Umagos ang preskong dugo mula sa kanyang mga paa. Ilang minuto pa'y unti-unti niyang nakita ang nilalang na kanina pa umaatake sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil isa itong taong nababalot ng mga spikes ang katawan.
"You can't hurt me young man." Nakangisi nitong sabi.
"Anong uri ng nilalang siya?" Sambit ni Vincent habang naghahanap ng kung paano matatalo ang taong may mga tinik sa katawan.
"Where's the girl?" Maya-maya'y tanong nito na ikinakunot ng noo ni Vincent. Naisip niyang bigla si Ydriz. Posible kasing si Ydriz ang tinutukoy ng lalaking ito.
"Sinong girl? At anong kailangan niyo sa kanya?" Tanong rin ni Vincent pabalik.
"It's none of your business. Tell me. Where is she?" Tanong ulit nito na naiinip na habang naglalakad palapit sa kay Vincent.
May nahagip ang mga mata niya na isang taong nakasuot ng uniporme ng mga kalaban. Kumakaway sa kanya ang pigurang ito sa gawi niya. Nasa likuran ito ng kalaban at nakatago sa likod ng malaking bato. Sinenyasan siya nitong hilahin ang kwintas ng kalaban. Kaya napatingin siya sa kaharap at may kwintas nga ito na may bilog na kulay red na pendant.
BINABASA MO ANG
Ydriz; The Natures Queen (On Hold)
FantasyShe is just an ordinary high school girl but since she lost at the strait forest, everything has just began. She found herself being not a normal person and also had an extraordinary background. Just by whispering, she can command the wind. With her...