Chapter 2: Whistle
======Nakaupo ngayon sa labas ng isang tent si Ydriz habang nakaharap sa misteryosong kagubatan. Masyadong madilim ang buong paligid ng gubat. Naisip niya tuloy na siguro maraming mga mababangis na hayop ang naninirahan sa lugar na ito.
"Anong lugar ba iyang gubat na yan?" Rinig niyang tanong ng kaklase niyang si Jerry sa katabi nitong si Winru.
"Iyan yung strait forest. Ayun sa mga narinig ko wala pa daw'ng nakakabalik sa sinumang napupunta dyan." Sagot ni Winru.
"Sabi-sabi lang yun." Sagot naman ni Jerry.
Pinagmasdan na lamang muli ni Ydriz ang gubat. Kakaiba kasi ang nararamdaman niya tuwing napapatitig siya rito. Bumibilis rin ang tibok ng kanyang puso na di niya mawari kung bakit. Pakiramdam niya pamilyar ang lugar na iyan sa kanya. Na para bang nakapunta na siya sa ganyang lugar gayong ito palang ang unang pagkakataong nasilayan niya ito.
Homeschooled kasi siya dati at hindi rin malayang nakakalabas ng kanilang mansion na walang bantay. Ngayon lamang siya pinapayagang pumasok pero sa isang international school. Isang international school kung saan ang pwede lamang makapasok rito ay ang mga anak ng mga sikat na mga doktor, scientist at mga inventor sa buong mundo.
Nakaramdam siya ng init dahil sa sikat ng araw lalo pa't wala man lang kahangin-hangin sa paligid. Ang ginawa niya ay nag-whistle siya. Isang whistle na sumasabay sa malamyos na ihip ng hangin. Maya-maya pa'y nakaramdam siya ng mahinang dampi ng hangin sa kanyang balat.
Nagpatuloy lamang siya sa pag-whistle na parang nagtatawag ng hangin dahil kung titigil siya naglalaho rin ang ihip ng hangin. Palakas ng palakas ang ihip ng hangin habang patuloy ang pag-whistle niya. Nang maramdaman ang banayad na ihip ng hanging dumadampi sa kanyang balat ay tumigil na siya.
Napangiti siya sa nangyari at pinagmasdan na lamang ang iba na nag-aayos ng kani-kanilang mga tent. Tuloy-tuloy narin ang banayad na ihip ng hangin sa paligid. Maya-maya pa'y naisipan niyang gamitin ang isang hintuturo at isang thumb para sa pagpito. Nang pumito siyang muli nagsiliparan naman ang mga ibon mula sa iba't-ibang direksyon patungo sa kinaroroonan niya at pinaligiran siya habang lumilipad ang mga ito sa ere.
Tinaas niya ang isang daliri at dumapo naman doon ang isang munting pipit. Mayroon namang dumapo sa balikat niya. Tuwang-tuwa siyang pinagmasdan ang mga ito.
"Ydriz ligo daw tayo sa may waterfalls." Tawag ni Jasmine sa kanya kaya dali-dali siyang sumunod rito. Papalapit na sana siya sa mga kasamahan pero bigla nalang siyang natisod. Napasubsob pa siya sa putikan.
"Hahaha!" Tawanan ng grupo nina Valerie. Ang mga kaklase niyang bully. Kahit sino-sino ang pinagtitripan ng mga to lalong-lalo na ang lider nilang mataray na si Valerie.
"Ayos ka lang?" Nag-alalang tanong ni Jasmine sa kanya.
Tumango lamang siya at bahagyang napangiwi makitang nagkaputik ang t-shirt na suot. Nang tingnan niya ang lupa nakita niya ang lubid na nakaharang doon.
"Next time tingin-tingin na sa baba. Wag lang sa taas at gitna para makapaghanda." Paalala niya sa sarili.
Masaya ng naliligo ang mga estudyante. Habang siya naman ay hinanap ng tingin kung saan nakalagay ang mga pampalit nina Valerie. Nakita niyang may mga damit sa ibabaw ng bato. At natatandaan niyang isa doon ang damit ni Valerie. Napangiti siya sa naisip.
Ginaya niya ang tunog ng daga. Tatlong ulit niyang ginawa iyun na animo'y nagtatawag ng mga daga. Pagkatapos ng ilang minuto ay may nakita siyang limang malalaking daga na kasinglaki na ng maliliit na pusa ang nakasilip sa gilid ng malaking bato.
Nilapitan niya ang mga ito at hinimas pa ang ulo ng isa.
"Nakikita nyo ang mga damit na yun?" Bulong niya sabay turo sa mga gamit nina Valerie. Tumango ang isang daga na animo'y nakakaintindi.
"Ngatngatin nyo ang mga gamit na yun." Utos niya sa mga ito saka siya umalis at lumusong narin sa tubig.
Lumalayo siya sa iba at tanging sina Tin at Jasmine lang ang nagiging ka-close niya. Tinatawag kasi siyang wirdo at psycho ng karamihan dahil mas kinakausap pa niya ang mga hayop kaysa sa mga tao.
Nagtataka nga din siya na kahit di niya naiintindihan ang mga hayop naiintindihan naman siya ng mga ito. Natatawag niya gamit ang mga huni, kahol, tunog, o salita ang mga ito. Pero madalas nagwi-whistle siya para makapagtawag ng hangin. Noon pa man aware na siyang hindi siya normal kaya nilalayo niya ang sarili sa iba.
After maligo kanya-kanyang kuha na ng mga pampalit ang mga estudyante pero nagulat na lamang sina Valerie dahil punit-punit na ang mga pampalit nila. Halatang nginatngat ito ng daga.
"Watdahel!" Sigaw na sambit ni Valerie. Gutay-gutay na kasi ang underwear niya.
"Ang baho siguro niyan kaya nginatngat ng daga." Pang-aasar ng isang boys na ginatungan naman ng iba sabay tawanan ng lahat.
"Maghugas din pag may time." Sabay tawanan muli ng mga boys.
Hiyang-hiya naman si Valerie, at halos gusto na niyang maglunod sa tubig sa sobrang hiya. Nilibot niya ang paningin para mahanap ang posibleng may pakana niyun. Sigurado siyang mayroong nagpakana ng pagkabutas ng kanilang mga gamit. Tumigil ang kanyang mga mata kay Ydriz na kasama ngayon nina Tin at Jasmine. Si Ydriz agad ang suspect niya dahil siya lang naman ang mahilig sa mga hayop.
Si Ydriz nama'y nakipagdaldalan lamang sa dalawa habang nakalubog ang katawan sa tubig. Kunwari wala siyang alam sa mga nangyayari sa paligid.
***
BINABASA MO ANG
Ydriz; The Natures Queen (On Hold)
FantasiaShe is just an ordinary high school girl but since she lost at the strait forest, everything has just began. She found herself being not a normal person and also had an extraordinary background. Just by whispering, she can command the wind. With her...