Strait Forest 10: the sound

413 45 6
                                    


Nang maipasok na siya sa loob ng tent ay panay ang reklamo niya at sigaw.

"Huy! Uwi na nga ako!" Sigaw niya mula sa loob ng tent kaso wala siyang marinig na ingay mula sa labas.

"Ano ba! Wag nyo akong iniinis kung ayaw nyong mapipilitan akong saktan kayo." Banta niya pa. Kaso mukhang wala paring nakinig sa kanya.

Sinubukan niyang buksan ang zipper nito kaso mabubuksan lamang pala ito mula sa labas. Hindi rin basta-basta napupunit ang materyal na ginamit nila sa pagawa ng tent na ito.

Sinubukan niyang butasan ang kutsilyo saka lang niya natuklasang hindi rin ito natatablan ng matutulis na bagay.

"Anong uri ng tela kaya ang ginamit dito para maging ganito katibay?" Nagsisi tuloy siya kung bakit di pa siya tumakas kanina o kagabi ba kaya.

"Wag n'yo akong ikulong dito. Buti sana kung may maraming chocolate rito wala naman!" Sigaw niyang muli.

"Palabasan n'yo ako! Pano pag binomba tong tent nyo? Di malelechon pa ako!" Ang patuloy niyang sigaw dahil wala parin siyang naririnig na sagot mula sa labas.

"Bobombahin ka talaga kasi ang ingay-ingay mo!" Sagot mula sa labas.

"Pwede bang tumahimik ka na diyan? Bakit ba ang ingay-ingay mo?" Sagot mula sa labas.

"Sinisigurado ko lang kung may tao pa diyan sa labas o may hayop akong makakausap. Ngayon alam ko na." Tumigil sandali. "Na may hayop nga."

Si Andrey na tinawag na hayop indirectly, umasim ang mukha. Kundi lang sa ayaw nilang maisama sa mapanganib na misyon si Ydriz hindi siya magbabantay ngayon dito. Mas pipiliin niyang makigyera.

Kaya lang balak ng heneral na yun na gawing guide si Ydriz na mahigpit na tinutulan ng team nila. Iyon ay dahil alam nilang suicide mission ang gagawin ng mga sundalong ito ngayon.

Umupo na lamang si Ydriz sa may gilid at sumandal sa bakal na ginagamit na stand ng tent. Pinagmasdang mabuti kung anong uri ng materyal ba galing ang tent na ito at di natatablan ng kutsilyo o ng kahit ano mang matutulis na bagay.

"Anong uri ng materyal ba gawa ang tent niyong to?" Tanong niya pa.

"Hindi yan basta-basta tent. Kala mo lang tent yan. Saka di yan natatablan ng bomba o maski bala. Kahit laser di tatalab diyan." Sagot ni Andrey mula sa labas.

Napawoah naman si Ydriz at tumayo saka hinimas ang inaakala niyang tela ng tent. Malambot at makintab ito.

Umupo na lamang siyang muli at hinawakan ang kwintas na dala-dala niya mula pa bata. Umupo siya at isinandal ang likuran sa bakal na parte ng tent. Kiniskis niya rito ang pendant ng kwintas niya dahil wala naman siyang ibang magawa maliban sa tumunganga. Kiskis-kiskis. Kiskis ulit na nagbibigay ng tunog ng pinagkiskis na bakal.

"Teka? Ba't parang lumilindol?" Napatigil siya saka pinakiramdaman ang paligid. "Wala naman pala." Sabi niya at pinagpatuloy ang ginagawa.

Napansin niyang lumindol ulit. Binilisan niya ang pagkiskis bumilis rin ang paglindol kaya mas binilisan pa niya at mas bumilis rin ang lindol. Bigla siyang tumigil at bigla ring tumigil ang lindol. Naguguluhan siyang pinagmasdan ang kanyang kwintas.

"Bakit ganon? Ah, nagkataon lang siguro." Pinukpok na naman niya ang pendant ng kwintas sa bakal na stand ng tent.

"Aah!" Ungol na mula sa labas na wari namimilipit sa sakit.

"Aaaah!" Sigaw iyun mula sa labas na  sinundan ng iilan pang mga sigaw dahil sa sakit.

Lalo namang nilakasan ni Ydriz ang pagpukpok sa pendant sa bakal ng tent. Lalo ring lumakas ang mga sigaw mula sa labas. Nagmistula tuloy itong background sa tunog na nalilikha niya. Tinigil niya ito at mga ungol na rin ang naririnig niya.

Ydriz; The Natures Queen (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon