Nakalabas na ng yungib sina Vincent at Milton. Unti-unti ng gumuho ang mga lupa. Nagsitakbuhan narin palayo ang mga nailigtas nilang mga bihag. Aalis na din sana ang pito nang mapansing hindi nila kasama si Ydriz.
"Nasan si Ydriz?" Tanong ni Yiu. Don lang naalala ng dalawa na di pala nila nakasama ang dalaga sa paglabas ng yungib. Agad namang tumakbo pabalik si Vincent. Pipigilan sana nila ito pero nakapasok na itong muli sa papaguho ng kweba. Agad din silang sumunod.
Panay iwas ang ginawa nila para di matamaan ng mga nagsibagsakang mga bagay mula sa itaas. Hanggang sa marating nila kung nasaan ang dalaga. Nakita nila itong hawak ang ulo at namimilipit sa sakit. At pansin din nila ang pagkakahawig ng mga lalakeng magkakamukha sa kanya.
Kinalaban nila ang mga lalakeng magkakamukha at niyugyog narin ni Yiu ang dalaga dahil tila wala ito sa sarili.
Nakita nila kung paano dinurog ng dalaga ang puso ng lider o life source ng mga robot na clone na iyun. At kita nila ang determinasyon sa mga mata ng dalaga na patayin ito matapos sabihing...
"I don't have one."
Hindi ito naniniwalang may kapatid siya. Pero nang magsalitang muli ang lalake ng...
"Ydriz, no matter what will happen. I will protect you." Bago mabasag ang katawan ng lalake ay may mga alaalang pilit na pumapasok sa kanyang isipan.
Flashback...
"Ydriz, wag kang lumabas ng bahay!" Tawag sa isang ten years old na binatilyo.
"Pero kuya. Gusto kong pumunta sa cave." Sagot ng batang babaeng may kulay dilaw ang buhok at seven years old.
"Sabi ni mommy di daw pwede." Sagot ng kuya pero hindi nakikinig ang batang babae at nagpatuloy ito sa pagtakbo.
"Bakit si ate Yngrid pwede?" Sagot nito na bahagyang lumingon sa kuya pero patuloy parin ito sa pagtakbo. Kaya di nito napansin na bangil na ang dulo ng daan.
"Ydriz! Watch out!"
"Aaah!" Sigaw nito. Tumalon naman agad ang kuya niya para mapigilan siya. Pero dahil wala silang makakapitan at di kaya ng kuya ang bigat ng bunso, nalaglag silang dalawa. Pumaibabaw ang kuya para protektahan ang kapatid.
"No matter what will happen, I will protect you." Sabi nito bago bumagsak ang kanilang katawan sa matigas na bagay saka nandilim ang kanilang paligid.
End of flashback...
Nanginginig ang mga kamay ni Ydriz nang marinig ang sinabi ng lalaki bago ito nabasag.
Natumba rin ang mga lalaking kamukha nito nang madurog ang puso ng pinagmulan ng lakas nila.
"Kuya Ydrian?" Nanginginig ang boses na sambit ng dalaga. Habang umaagos ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Pinatay niya ang kapatid sa pangalawang pagkakataon. Siya palage ang rason kung ba't ito namamatay.
"Hindi siya tao." Sabi ni Vincent at pinakita kay Ydriz ang basag na puso sa sahig.
Dito nakita niya ang mga wire sa loob. Saka natuklasang artificial blood lamang ang dugong nakabalot sa dugo kanina.
Naramdaman nila ang pagyugyog ng lupa at mga pader.
"Ugh! Wala na tayong madadaanan!" Rinig niyang sabi ni Vincent. Don siya parang natauhan. Saka narealize na pasan na pala siya nito.
Napaangat siya ng tingin at nakitang naharangan na ng malaking bato at lupa ang bawat lagusan. Tumingin siya sa isang pader saka bumaba sa likuran ni Vincent. Nilagay ang isang palad sa pader na bato at ginala ito na animo'y may hinahanap. Napaiwas siya ng may bumagsak mula sa itaas. Muntik na siyang matamaan ng malaking tipak na sementadong kesame.
BINABASA MO ANG
Ydriz; The Natures Queen (On Hold)
FantasyShe is just an ordinary high school girl but since she lost at the strait forest, everything has just began. She found herself being not a normal person and also had an extraordinary background. Just by whispering, she can command the wind. With her...