Ang dating mga kabundukan ay nagiging parang dagat na.
Nang matiyak na ligtas sila, napatingin sila kay Ydriz na may paghanga at halos sambahin na ang dalaga.
Kahit ang aroganteng si Yionji ay nagpapasalamat na rin kay Ydriz.
"Binibini, handa kong ibuwis ang buhay ko para makabawi sa'yo." Sambit ni Yionji at lumuhod sa tapat ng dalaga.
Nagsiluhuran din ang mga kasamahan niya at nanumpang magiging tapat silang alalay ni Ydriz. Nagpasalamat din ang mga mamamayan at mga pamilyang nakaligtas sa panganib.
"Binibini, utang namin sa'yo ang buhay ng aking pamilya."
Napatago naman si Ydriz sa likuran nina Yiu at Andrey dahil sa biglaang pagluhod ng mga tao sa kanilang paligid. Iilan lamang ang nanatiling nakatayo.
"Wag kayong ganyan. Di naman ako ang nagligtas sa inyo e kundi ang sarili niyo. Dahil kundi kayo tumakbo, hindi kayo makakaligtas." Sagot niya na nakasilip na lamang ang ulo sa pagitan ng dalawa.
Tiningnan niya si Vincent na may mga tinging nagpatutulong. Huminga ng malalim si Vincent saka hinarap ang mga tao.
"Magsitayo na kayo. Mas mabuti pang mag-isip kayo ng paraan kung paano makakaligtas ngayong wala na ang dati niyong mga tirahan.
Saka nila naalala na bukod sa tabing ilog na pinanggalingan nila ang ilan sa kanila ay wala ng mapupuntahan kaya naman bumagsak ang kanilang mga balikat sa panghihinayang ngunit nagpapasalamat pa rin dahil may mga buhay parin sila hanggang ngayon.
Ipinangako nilang tutulungan sina Ydriz pagdating ng panahon. Nagbigay sila ng mga items na meron sila. Ang ilan nagbigay ng family heirloom na mga alahas, sandata o mga magic artifacts.
Tinitigang mabuti ni Ydriz ang isang kakaibang dagger na may mga mamahaling bato na nakabaon sa hawakan nito.
"Binibini, isa iyang artifact na maaaring kontrolin ng isip. Kapag narating mo na ang imortal stage, magagamit mo na iyan." Sabi ni Yionji.
Isa sa mga family heirloom nila ang nasabing dagger at ibinigay niya ito kay Ydriz bilang pasasalamat.
"Kapag may kailangan kayo sa hinaharap, ipakita mo lang iyan sa pamilyang Ji ng Asuza o ba kaya ng Yionji gang, tutulungan ka namin sa abot ng aming makakaya." Paliwanag ni Yionji.
Ipinasok ni Ydriz ang dagger sa loob ng maliit niyang backpack.
"Binibini." Napaangat siya ng tingin dahil sa kakaibang lalaking lumapit sa kanya. Ramdam niya ang malakas na aura na nagmumula sa lalaki. Nakasuot siya ng itim na kasuotan na halatang gawa sa di pangkaraniwang materyal. May nakasabit ding espada sa kanyang baywang at may itim na kapa sa kanyang likuran.
Nakatitig din di Winmer kay Ydriz. Nakasuot man ang dalaga ng panlalaki ngunit hindi nito maitatago ang napakaganda nitong mukha na makakapantay sa tinagurian nilang pinakamagandang babae sa buong mundo.
Tumikhim siya marealize na nakatitig na pala siya sa Binibini.
"Pinapabigay po ni Master bilang pasasalamat. Magagamit niyo po ito sakali mang malalagay sa panganib ang inyong buhay." Sabi ni Winmer at inilahad ang ang palad kung saan nakalagay ang isang pulseras.
Napatingin si Ydriz sa lalaking nakasuot ng pulang kapa. Nakagintong maskara ito kaya di niya makikita ang kabuuan ng mukha ngunit halatang may napakagandang hugis ito ng mukha. Maganda rin ang tindig at tikas ng lalake at may presensyang naiiba sa lahat.
Kinuha niya ang pulseras mula sa mga kamay ni Winmer at nanunuot sa mga daliri niya ang lamig na nagmumula sa pulseras. Nararamdaman din niya ang kakaibang enerhiya na nagmumula sa pulseras.
BINABASA MO ANG
Ydriz; The Natures Queen (On Hold)
FantasyShe is just an ordinary high school girl but since she lost at the strait forest, everything has just began. She found herself being not a normal person and also had an extraordinary background. Just by whispering, she can command the wind. With her...