Strait Forest 17: Ydrian

295 28 0
                                    

Naipalabas na nina Yiu kasama ang iba pa ang mga bihag sa underground pero wala parin sina Vincent, Milton at Ydriz. Napatay narin nila ang mga bantay na nandoon sa pinagbungkalan na lupa na pinagminahan ng mga mamahaling mga bato. Hinihintay na lamang nila ngayon ang paglabas ng tatlo para mapasabog na nila ang mga bombang itinanim nila sa loob ng yungib.

Kaso wala parin silang nakikitang anino nila kahit ilang oras na ang nakalipas.

"May nangyari kayang masama sa kanila?" Nag-alala ng sambit ni Mikoh.

Si Ydriz naman nagtungo sa isang silid habang sina Milton at Vincent ay busy sa pakikipaglaban sa mga doktor at scientist na kasabwat sa planong pag-eeksperimento sa mga katawan ng mga tao para gawing half-human half-robot at invisible or extraordinary humans.

Ang ibang mga doktor na nandito ay nakiusap at humihingi ng tulong. Sila ang mga doktor at mga scientist na nawala na lamang bigla at wala ng nakapagsasabi kung saan sila napunta o nagpunta.

Pinatakas nila ang mga bihag na mga doktor at mga scientist. Saka hinanap ang silid kung saan naroroon ang mga taong magagaling o gahaman sa mga invention at mga teknolohiya. Lumaban din ang ilan pero yung iba ay tumulong dahil matagal na nilang hinintay na may magliligtas sa kanila sa loob at matutulungan silang makabalik sa kanilang mga mahal sa buhay.

Sunod-sunod na ang pagsabog ang nangyayari sa loob. Dahil ang lahat ng mga napapatay nila ay kusang sumasabog ang mga katawan. Kaya napilitan silang lumabas na lamang sa nasabing yungib.

Si Ydriz naman ay napadpad sa silid kung saan naroroon ang mga katawang nakaratay at may mga nakatusok na kung anu-anong mga karayom ang mga katawan. Yung iba naman nakapaloob sa isang sphere.

Umaalog na ang lupang kanyang kinatatayuan. Nagsilaglagan narin ang mga ilaw, sementadong kesame at mga debris mula sa itaas. May nakita siyang isa pang silid kaya pumasok siya rito.

Nakita niya ang isang katawan ng lalakeng kahawig ng nakalaban nilang taong robot kanina at may kwintas rin ito na kapareho sa disenyo ng kanyang kwintas.

Inilibot niya ang paningin at may nakita siyang iba pang mga nasa loob ng sphere at kamukha ng mga taong ito ang taong nasa loob din ng sphere na nasa tapat niya ngayon. Sa lahat ng mga naka-sphere ito yung pinaligiran ng kulay dilaw na ilaw. Nilapit niya ang daliri rito pero nakuryente siya kaya agad din niyang nabawi ang daliri.

"Do you think you can destroy us?" Agad siyang napalingon sa nagsalita at nakita ang lalakeng kamukha ng nakalaban niya kanina. Hindi lang yun may labing anim pa itong mga kasama na kamukha nito pareho.

"Mga clone ba niya iyan?" Tanong niya sa isip at tiningnan ang nasa loob ng sphere na pinapaligiran ng mga kulay dilaw na liwanag.

"Hindi kaya clone niya ang mga lalaking ito? At ang nilalang sa loob ng sphere na ito ang pinanggalingan ng species nila? O baka naman ito ang orihinal na siya?" Hinubad niyang muli ang suot na kwintas saka binulsa.

Inatake niya ang lalake pero nakukuryente siya at tumitilapon pag tumatama ang kanyang palad sa katawan nito. Ang ginawa niya ay kinuha ang bato na singlaki sa ng bola ng basketball at mabilis na tinapon sa lalakeng nasa loob ng sphere na tingin niya siyang pinagmulan ng mga species na ito. Naalog ang sphere at bahagyang nagcrack ang salamin nito.

Nakita niya rin ang pagkasuray ng mga lalaking nakapaikot sa kanya. Itinutok nong isa ang daliri sa kanya awtomatiko namang naitutok ng iba ang kanilang mga daliri sa kanya at mula sa mga daliri nila ay may lumabas na mga kuryente. Tumalon siya para makaiwas sa mga kuryenteng parang kidlat na papunta sa gawi niya. Tumama ang mga kuryente nila sa mga sphere na nakapaligid.

"Hangin tulungan mo ako." Sambit niya. Di niya alam kung magwewhistle ba siya o magkonsentreyt. Pero parang may sariling isip ang kanyang katawan at inangat nito ang kamay saka biglang itinutok sa sphere na napapaligiran ng liwanag. Isang bolang hangin ang lumabas sa kanyang palad at parang matulis na metal na tumama sa sphere. Umalog muli ang sphere at nag-crack ang bahaging tinamaan kanina ng bolang hangin.

Ydriz; The Natures Queen (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon