Chapter 4: Naligaw
=====
Nagising si Ydriz at napapaubo. Hindi niya alam kung nasaang lugar na siya. Nang mahimasmasan na ay inilibot ang paningin sa buong paligid. Papasinag pa lamang ang araw na lumulusot ngayon sa mga naglalaguang mga dahon ng mga puno.Napakunot ang noo niya na nagtataka kung bakit nakaupo na siya sa ibabaw ng malaking bato na nasa gilid ng isang ilog. Inikot niya ang paningin at nakitang nakapalibot pala sa kanya ang limang buwaya. Nakapikit ang mga ito at naririnig niya ang mga banayad na paghinga nila.
Isa lang ang pumasok sa kanyang isip. Niligtas siya ng mga buwayang ito. Napakagat labi siya nang makaramdam ng lamig saka na-realize na basang-basa nga pala siya. Nakaramdam narin siya ng gutom. Gumalaw siya at napagtantong nasa likuran parin niya ang kanyang backpack. At nakasabit parin sa kanyang leeg ang kanyang pinakamamahal na waterproof camera at nasa tabi parin niya ang sling shot na kulay itim.
Kinapa rin niya ang cellphone sa bulsa at nandoon parin. Waterproof din ito kaya di siya nag-alala. Naghanap narin siya ng makakain sa backpack at nakita ang ilang piraso ng tinapay at can goods na dala. Naroon rin ang solar flashlight at ang dala-dala niyang solar at manual charger. Ilang piraso lang din ng pampalit ang nandoon dahil naiwan ang isa pa niyang bag. Basa rin ito kaya kailangan muna niyang patuyuin para may pangpalit dahil nangangatal na ang kanyang labi sa lamig.
Kumuha siya ng isang piraso ng tinapay at kinain. Habang naglilibot ang paningin sa buong paligid. Naglalakihang punongkahoy, masukal at mabato na kapaligiran ang kanyang nakikita. Ni di niya alam kung nasaang lugar na siya.
"I'm lost." Pabulong niyang sambit.
***
Sinuot niya ang brown na sumbrero na parang sumbrero ng mga girls scout. Sinuot din ang brown polo at short na kulay brown at nakabrown boots din siya na may two inches na takong. Brown ang pinili niya dahil maputik daw ang lupa at nasa gubat siya.
Iniwan na niya ang limang buwaya at naglakad. Hahanapin niya ang daan pauwi. Kanina pa niya tinitingnan ang phone at nagbabakasakaling magkasignal na pero wala talaga. Kaya panay kuha na lamang niya ng mga larawan sa paligid. Selfie-selfie narin paminsan-minsan ng makapag-post sa fb pag may signal na siya.
Habang kumukuha ng larawan bigla siyang napatigil mapansing iba ang nakikita niya at sa larawang nakuha ng camera niya. Napapakunot siya ng noo makitang may nakabitin patiwarik na bangkay pero kung tingnan niya wala naman siyang makita. Dahan-dahang gumapang ang kilabot sa kanyang sistema at nananayo rin ang kanyang mga balahibo.
Napahawak siya sa noo nang mauntog sa kung anong matigas na bagay na di niya makita. Kinapa niya kung ano yun at may nakapa siyang kalansay pero wala naman siyang makita. Ang ginawa niya'y kinuhanan niya ito ng larawan at doon nakita niya ang isang kalansay na nakagapos sa isang poste pero wala naman siyang nakikitang poste at lubid.
Napahinga siya ng malalim at pinilit na kumalma sa kabila ng panginginig ng mga tuhod ay nagpatuloy parin siya sa paglakad.
"Wala kang mapapala sa takot. Dapat maging matapang ka lang. Kaya mo yan. Si Ydriz? Wala yang kinatatakutan." Pangungumbinsi niya sa sarili.
"Naiihi ka na nga sa takot eh." Kontra ng kabilang utak niya.
"Nilalamig ka lang kaya ka naiihi." Katwiran ng kabila niyang utak.
Huminga siya ng malalim at nag-fighting gesture sabay sabi ng 'fighting' saka nagpatuloy sa paglalakad.
Nang wala ng mapansing kakaiba muli na naman siyang nanguha ng mga larawan habang patuloy parin sa paglalakad. Picture dito, picture doon nang bigla siyang napasinghap at napatakip ng bibig para pigilan ang nais kumawalang sigaw. Napaupo pa siya sa sobrang pagkagulat nang muntik ng mapahalik sa isang bangkay na nakabitin sa isang puno. Vines ang nakatali sa leeg ng nasabing bangkay.
"Kalma lang Ydriz. Kalma lang. Patay na yan. Mas mapanganib kung buhay iyan kaya kalma lang." Pangumbinsi niya sa sarili. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa maputlang bangkay. Nilapitan niya ito at inamoy na ikina kunot ng kanyang noo.
"Hindi mabaho at di rin amoy pormalaine. Tapos ang tigas-tigas niya na parang bato. Anong medisina kaya ang ginamit rito?" Iyun ang mga tanong ng kanyang isip habang sinusuri ang katawan. Binuksan niya ang zipper ng damit ng bangkay
"Wag kang mag-alala men, di kita mamanyakin. Titingnan ko lang kung may abs ka este kung ano yung nasa loob ng damit mo." Paliwanag niya pa sa bangkay. Baka kasi nandoon pa ang kaluluwa nito at magagalit kung sinilipan niya ang katawan nito at mumultuhin pa siya.
Bumungad sa kanyang paningin ang hati nitong dibdib pababa ng tiyan.
"Wala ng lamang-loob kahit atay man lang o bituka. Ano to? Parang nagdisect lang ng palaka? At sa halip na palaka ay tao ang ginamit. Bagsak siguro ang grades ng nag-disect nito dahil namatay ang dinaysek niya."
May nakita pa siyang ibang mga katawan at ganon din. Pero may tahi na kaso pitpit ang tiyan ng mga ito at halatang tinanggalan ng mga lamang loob.
"Siguro ginawa nilang barbecue o ba kaya ginawang dinuguan? Ako kaya masarap kaya ako pag gawing pagkain?" Iyun uli ang naglalaro sa isip niya.
Nagpatuloy siya sa paglakad, habang patuloy na pinapakiramdaman ang buong paligid. Wala pa siyang lahi kaya ayaw pa muna niyang ma-barbecue. Kaya naman masyado siyang nag-iingat.
Bigla siyang napatago ng makarinig ng kaluskos. Kahit kunting kaluskos lamang ng mga dahon ay nagtatago agad siya. Mas mainam ng lageng handa at nakakasiguro. Kaysa naman saka pa siya makapagtago kung huli na.
Nang mapagod ay naisipan niyang magpahinga muna. At para matiyak ang kaligtasa'y nagtago siya sa likod ng malaking puno na nababalutan o napapaligiran ng malalagong damo at mga vines. Saktong pagtaguan wika ng isip niya.
Tiningnan muna niya ang paligid bago sumilip sa may gilid na ikinasinghap niya. Muntik pa siyang mapatili dahil sa dami ng mga kalansay na nagkapatung-patong.
"Bakit puro kalansay? Nasan ang mga ulo? Ah, baka nilitson."
Kinuha niya ang camera at nagvideo recording.
"Pag pinost ko to sa facebook sigurado akong magtrending to."
Napalunok siya at nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan ng makarinig ng mga yabag. Papalapit ito sa kanyang kinaroroonan. Sumilip siya sa maliit na awang ng mga dahon at nakita ang mga lalakeng nakaleather jacket tapos may mga boots pang mabalahibo. May mga bitbit na mga armas at may sumbrerong mabalahibo rin.
Nakita niyang may kinakaladkad yung isa sa kanila at tinapon ito sa kinaroroonan ng mga kalansay. Narinig niya ang tunog ng mga nabaling mga buto na binagsakan ng bangkay.
Muntik na siyang masuka nang tingnan ang katawang tinapon nila. Hindi ito katawan kundi kalansay rin. Katawang tinanggalan ng balat, laman at mga lamang loob. Halatang bago lamang itong tanggalan dahil sa presko pa ang buto nito na may nakadikit pang laman.
"Kinarne kaya nila?" Tanong niya sa isip.
Napapigil hininga siya ng tumingin sa gawi niya ang isa sa mga estrangherong iyun. Nanlaki ang kanyang mga mata makitang naglakad ito palapit sa kinaroroonan niya.
May dinukot ito sa ibaba at nilabas kaya napapikit siya. Napahigpit ang paghawak niya sa camera. Dahan-dahan siyang nagmulat dahil tingin niya mauubusan na siya ng hininga kaya huminga siya ng sobrang dahan para di makagawa ng tunog.
Nilabas nito ang baril na may balang mainit na tubig. Napatakip siya ng ilong kasi naaamoy niya ang ihi nito.
"Kung kaya ko lang wag na munang huminga." Nagsisi tuloy siya kung bakit kanina siya nagpipigil ng hininga sana ngayon niya ito ginawa para di siya mahirapan ng ganito.
"Mamaya ka sa aking hayop ka. Ang baho ng ihi mo. Ang laki at mabalbon pa yang armas mo. Ipapaahit ko yan. Pramis." Bubulong-bulong niya na walang tunog.
Napasandal siya sa puno nang makaalis na ang mga di kilalang tao.
"Thank you lord at buhay parin ako." Ang nasambit na lamang niya.
***
BINABASA MO ANG
Ydriz; The Natures Queen (On Hold)
FantasyShe is just an ordinary high school girl but since she lost at the strait forest, everything has just began. She found herself being not a normal person and also had an extraordinary background. Just by whispering, she can command the wind. With her...