Strait Forest 11: Old video

354 34 8
                                    


Ydriz p.o.v

Kinausap ni Ibarra ang heneral kanina kaso ininsulto pa siya. Naisip ko tuloy na may galit yata ang heneral na to kay Ibarra.

Gusto kong umalis dito ngunit ayaw kong sumama sa mga sundalong ito. Kasi naman kung ano man ang plano ko, hindi ko maisasagawa dahil natitiyak kong dapat ang mga utos ng mga sundalong ito ang susundin ko kung sila ang makakasama ko.

"Pasensya na, ngunit utos ng heneral na hindi kayo maaaring umalis." Sabi ng sundalong humarang sa daraanan ni sundalo 1 (Sargeant Seo) na nakalimutan ko ang pangalan.

Napatingin ako sa pitong Rangers na nagbabantay sa paligid. Well, iniwan sila rito para bantayan daw ako. May mga kasama kaming dalawang doktor daw ng mga sundalo at anim na mga nurses na hindi lang basta-bastang nurse. Mukhang may mga alam din sa martial arts. Napatingin din ako sa yungib.

"Kung ano man iyang binabalak mo, wag mo nalang gawin." Sabi ni Ibarra sa akin. Muntik pa akong mapatalon sa gulat. Bigla-bigla nalang kasing sumusulpot.

Napatingala ako sa langit kasi may mga usok akong nakikita. Sunod-sunod rin ang mga pagsabog ang aking naririnig. Sa palagay ko bomba or mga granada.

Bago dumilim, sunod-sunod na dumating ang mga sundalong sugatan. Pansin kong natataranta na ang mga manggagamot kung sino ang dapat unahin sa kanila. May iilang mga sundalo ang nakabalik dala ang mga sugatan. Pero yung mga mayayabang kanina ewan ko kung nasaan na sila. Naaawa ako sa kanila na parang gusto ko ding sabihin sa mga mayayabang kanina na buti nga sa inyo. Kawawa nga lang itong iba na walang magawa kundi ang sundin ang utos ng mga mas nakakataas sa kanila.

Kinuha ko ang aking selpon baka may energy na. Chinards ko kasi sa solar charger kanina. Nilagay ko muna ang memory na ninakaw ko don sa yungib ng mga unknown being na iyun saka binuksan.

Nagheadset din ako para di ko gaanong maririnig ang mga sigaw ng mga sundalong ginagamot ng mga doctor ngayon.

Tiningnan ko ang file sa memory card na nakuha ko. May mga video akong nakita. Pero napakunot ang aking noo sa mga nakikita. This is an old video. May mga tao akong nakikita tapos bigla nalang silang naglalaho. Sa ibang video naman, biglang bumubuka ang lupa na inaapakan ng mga taong naliligaw sa lugar na ito. Tapos nilalamon sila at muling titiklop yung lupa na parang walang nangyari. As far as I know, sa gawing ito kung saan bumubuka ang lupa, may underground sa ilalim nito na konektado sa yungib.

Nakita ko din yung ibang mga tao na nahuhulog sa mga patibong. Nabibitin, nalalaglagan ng net, ang iba naman nahuhulog sa mga butas. Pero kadalasan may mga nakamaskarang humuhuli sa kanila.

Agad kong kinuha ang USB at nilapitan si ano si mahilig maglaptop (milton).

"Maari bang mahiram ang laptop mo?" Di pa man siya nakasagot ay hinablot ko na. Ni-insert ko agad ang nakuha ko ring USB at tiningnan agad ang mga files.

May isang folder akong nakita na ang nakapaloob ay ang mga video na kuha mula sa mga hidden cam ng kagubatan. At kasama sa scoop ng mga hidden cam ang kinaroroonan naming ito. Sabi ko na nga ba alam ng mga kalaban kung nasa'n kami kasi may hidden cam din sa lugar na ito base sa video na nandirito.

Pero may video dito na isang batang babae na tingin ko mga nasa 9 or 10 ang edad. Tumatakbo siya habang may mga nakamaskarang humahabol sa kanya. Parang may binulong ang bata sa hangin tapos bigla nalang nagkaroon ng malakas na alon. At iyun naging black na. Tingin ko natangay pati yung camera.

Pero ang mas nakapagtataka, parang disyerto ang lugar na iyun. Walang halaman sa paligid at tuyo ang mga lupa. Pero paanong nagkaroon ng tubig?

"Wait! Ireplay mo yun." Muntik na akong mapatalon sa gulat. Bigla-bigla kasing magsalita malapit sa tainga ko itong barako (Ibarra) na to. Saka ko lang napansin na pinanood narin pala nila ang video.

Ydriz; The Natures Queen (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon