Strait Forest 12: The Voice

348 40 6
                                    


Third person's p.o.v

"Huy! Uy!" Kalabit. Kinalabit ni Ydriz si Sargeant Kodei kaso dedma siya.

Kalabit ulit. Deadma parin. Kalabit na naman.

Pak!

Napalingon si Sargeant Kodei kay Ydriz na walang ekspresyon ang mukha. Muntik namang maibuga ni Andrey ang iniinom na tubig. Napaawang naman ang bibig ni Yiu. Tumikhim naman sina Milton at Seo samantalang pokerface ang captain. Si Kodei naman sobrang sama na ng tingin kay Ydriz. Paano ba naman kasi. Sinapok lang naman siya ni Ydriz ng sobrang lakas kasi kanina pa siya kinakalabit ayaw parin niyang pansinin ang dalaga. Kaya napuno na ito at sinapok siya.

Sobrang tahimik kasi ng buong grupo at wala man lang ni isa ang gustong magsalita. Panay tawag at kalabit ni Ydriz kay Kodei dahil gusto niyang itanong kung ano ang pangalan nito. Hindi naman kasi nagpakilala ang buong grupo sa kanya. Si Kodei din ang pinakamalapit sa kanya. Tapos ayaw siyang pansinin.

"Wag mo nga akong sinasamaan ng tingin. Tinitiyak ko lang kung tao ka ba. Baka kasi estatwa ka lang kaya di ka nakakapagsalita." Sabi ni Ydriz at napasimangot. Tinalikuran lang kasi siya.

"Ano nga pala ang pangalan niyo? O pangalan mo?" Pangungulit niya pero wala parin ni isa ang nagsalita. Kaya mas lalo siyang napasimangot.

"Mga mukha na ngang bakulaw pipi pa." Sambit na lamang niya.

Ibinuka ni Yiu ang bibig upang umangal, ayaw kasi niyang matawag na bakulaw ang gwapong tulad niya. Kaso tiningnan siya ng masama ni Vincent kaya muli na lamang itinikom ang bibig.

Nagkanya-kanya ng hanap ng pwesto ang pitong rangers para matutulugan. Si Yiu nakahiga sa ibabaw ng sanga. Si Milton nakaupo sa sanga at natulog na nakaupo. Si Andrey nakasandal sa may bato at si Kodei nakahiga sa tuktok ng bato. Si Mikoh nakahiga malapit sa bonfire habang si Vincent nakaupo at nakasandal ang likod sa isa pang puno.

Si Ydriz naman nakahiga sa mga tuyong dahon at ginawang unan ang bag. Pabaling-baling ang katawan kasi hindi siya makatulog. Hindi kasi mawala sa isip niya ang hitsura ng batang babaeng nakita niya. Paulit-ulit iyung nagpi-play sa kanyang utak. Ilang sandali pa'y bumangon siya mula sa pagkakahiga at nilibot ang paningin.

Dahan-dahan siyang naglakad palapit kay Vincent habang yakap ng mahigpit ang jacket na ginawang kumot. Kinaway-kaway muna niya ang palad sa mukha nito at nang masiguradong tulog na nga ang lalake ay dahan-dahan siyang humiga at ginawang unan ang hita nito. Nakita niyang napadilat si Andrey at nakita ang ginawa niya. Nilagay niya ang isang daliri sa may labi saying him to keep quiet. Saka nito ipinikit ang mga mata.

Napatsk nalang sa isip si Vincent. Hindi naman kasi siya natutulog. Mahigpit na pinabantayan sa kanila ang dalaga kaya kailangan nilang magdobleng ingat. Lalo pa't may mga presensya silang nararamdaman sa paligid na palageng nagmamasid sa kanila na sa hinala nila'y ang babaeng ito ang pakay.

Hindi nila alam kung bakit hindi ito umaatake at pansin nilang magmula nong nakasama nila ang dalaga hindi na sila pinaghahabol ng mga humanoids. (Ang palayaw nila sa mga naninirahan sa nasabing gubat.) Ipinikit na lamang niyang muli ang mga mata hanggang sa tuluyang makatulog.

Kinabukasan.

Lumulusot na ang mumunting liwanag ng araw sa mga naglalaguang mga dahon ng mga puno't halaman. Nagsiingayan narin ang mga hayop at mga ibon sa kagubatan. Unti-unti namang gumalaw si Yiu at dahan-dahang ibinuka ang mga mata. Bumangon siya at humikab. Muntik na siyang mahulog ng mapatingin sa ibaba ng kanyang kinaroroonan.

"Seryoso? Si Captain sungit ba talaga yan?" Mahinang tanong niya sa sarili at kinusot ang mga mata. Saka muling tumingin sa ibaba. Sinampal ang sarili at napaaray.

"Ansaaakeeet!" Sambit niya at napahawak sa pisngi.

Kanya-kanyang dilat narin ng iba. Pokerface lang sila makita ang mahimbing na tulog ng dalawa. Magkaholding hands pa ang mga ito. Dahan-dahang gumalaw si Vincent at unti-unting dinilat ang mga mata. Nagtatakang ba't di niya ng maigalaw ang mga kamay. Kaya tiningnan niya ito at biglang nahila makitang magkahawak kamay pala sila ni Ydriz.

Nagising naman si Ydriz dahil don. Bumangon siya at humikab sabay unat ng dalawang kamay na nakakuyom.

BOGS!

Biglang nagising ang buong diwa niya marealize kung sino ang natamaan ng kanyang kaliwang kamao. Mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo siya at nagtago sa likod ng isa pang puno.

Si Vincent naman ay napahawak sa panga at hinimas ang labing pumutok. Dumura siya ng malasahan ang dugo dahil nakagat pa niya ang dila nang tumama ang kamao ng dalaga sa kanyang panga.

"Syete. Stretch lang yun ang sakit-sakit na." Mahinang sambit at pagmumura niya. Tumayo siya pero muntik ng matumba dahil sa pangangalay ng mga hita at binti. Napangiwi na lamang siyang lalo dahil don.

Tiningnan niya ang dalaga na nakasilip ang ulo habang nagtatago sa likod ng puno. Para itong batang natatakot mapalo ng tatay.

"Lumabas ka na dyan." Mariing utos niya na pilit binubuo ang mga salita dahil nahihirapan pa siyang magsalita.

Nakakamot-ulo namang lumabas si Ydriz na may pekeng ngiti sa labi. Nagtago agad sa likuran ni Kodei makitang matalim ang tingin ni Vincent sa kanya.

Umupo siya sa lupa at niyakap ang mga tuhod. Pinag-iisipan kung ano ang dapat gawin.

"Kailangan nating mahanap ang daan pauwi o daan palabas ng gubat na ito." Sabi ni Milton.

Nakapaikot na ngayon ang pitong rangers sa ginawa nilang bonfire.
Habang nag-uusap sila bigla nalang sumingit si Ydriz.

"Hindi ako maaring umalis! Kailangan kong mahanap ang mga kaklase ko." Sabi niya.

Napatingin tuloy ang pito sa kanya. Seryosong-seryoso siya ngayon at makikita ang determinasyon sa kanyang mga mata.

"Naaalala kong bigla ang mga kaklase ko. Paano kung naligaw din sila sa gubat na ito?"

"Sa palagay mo ba may maitutulong ka sa kanila?" Tanong naman ni Mikoh.

Hindi sumagot si Ydriz. Hindi naman niya maaaring sabihin na kaya niyang makipag-usap sa mga hayop at maaaring utusan ang mga ito. Baka sasabihin pa nilang nababaliw na siya.

Nagpatuloy na sila sa paglalakbay. Ngunit ilang sandali pa'y nakarinig sila ng mga sigaw na nanghihingi ng tulong.

"Aaaaah! Tuulooong!"

"Jasmine!" Tawag ni Ydriz nang makilala kung sino ang may-ari sa boses na humihingi ng tulong.

"Tulungan niyo ako! Aah! Aaah!"

Agad nilang hinanap ang pinagmulan ng sigaw. Ngunit bigla itong naglalaho at pagkatapos ng ilang minuto saka nila ito muling naririnig. Umalingaw ang sigaw sa buong paligid.

"Jasmine!" Tawag ni Ydriz habang hinahanap ang kaibigan. Pero napatigil sa pagtawag mapansing paulit-ulit lamang ang nasabing sigaw.

"Recorded. Recorded lamang ang mga sigaw na iyan." Biglang  sabi niya.

Hinanap nila kung saan banda nakalagay ang anumang bagay na pinagmulan ng sigaw na iyun pero napatigil muli dahil nagsalita ulit ang dalaga.

"It's just a trick. Pag hinanap niyo parin pa'no kung may patibong silang inihanda? Kailangan nating makaalis rito. I need to find them."

Lahat sila tumingin muna sa captain. Nang tumango si Vincent saka sila nagpatuloy sa paglakad.

***

Ydriz; The Natures Queen (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon