Strait Forest 7: I don't want to die

371 40 0
                                    


Nagpatuloy naman sa paglalakad si Ydriz. Kinuha ang cam at kinunan ng mga larawan ang bawat halamang nadadaanan. Ilang sandali pa'y may nahagip ang paningin niya. Isang malaking leon na nakatalikod sa kanya. May malusog na katawan at makapal na mga balahibo.

"Ayun pa leon ba yan? Mabalahibo eh. Parang ganyan yung leon na napapanood ko sa mga movie at libro." Kinunan niya ng larawan ang leon dahil ngayon pa lamang siya nakakita ng leon sa personal.

"Uy. Psst! Humarap ka." Tawag niya sa hayop. Dahan-dahan naman itong gumalaw at humarap sa kanya saka muli niya itong kinunan ng larawan.

GRRROWL! Ungol ng hayop nang makita siya.

"Uy. Wag kang gumala—teka leon?" Don pa pumasok sa isip niya na ang mga leon ay mapanganib. "Waaah!" Sigaw niya at kumaripas ng takbo. Hinabol naman siya ng nasabing hayop.

"Ayan kasi Ydriz. Ang tanga-tanga mo. Ba't di mo man lang naisip na nangangain iyun ng tao?" Sermon niya sa sarili habang patuloy sa pagtakbo.

"Aah! Aray." Sambit niya ng madapa. Sabay hawak sa paang sumabit sa ugat ng isang puno kanina. Napaatras-atras siya habang nakaupo makita ang papalapit na hayop.

Lunok laway. Hingang malalim. "Le-leyon. Wa-wag mo kong kagatin. Di ako masarap, pramis. *sabay taas ng isang kamay na parang namamanata.* Marami don sa baba, sila ang kainin mo. Malaman ang mga yun at malalaki ang mga katawan." Dagdag pa niya.

Pero patuloy parin sa paglapit sa kanya ang hayop. Napapikit na lamang siya sa sobrang takot at napakuyom ng kamao nang ilapit ng hayop ang kanyang mukha sa kanya. Bigla siyang napadilat nang maramdamang dinilaan lang pala ang sugat niya sa tuhod. Doon niya natuklasang nasugatan pala siya.

"Eh? Di niya 'ko kinagat? Weh, di nga. Ako nalang kaya ang kakagat sa kanya?" Umungol ang leon na parang naiintindihan siya nito kaya napaatras siya ng kunti at nagpeace-sign.

"Ah, alam ko na." Bigla na naman siyang napangiti sa naisip.

Kinuha niya ang towel na bigay sa kanya ng kanyang ama noon. Napakunot ang kanyang noo maalalang may mapa nga palang nakaukit rito. Ang mapa na may ilog na pa-Y ang porma. Sa gitna ng Y na iyun naroroon ang Cave.

"Pamilyar sa akin ang lugar na ito. Wait lang. Parang nandito ako sa dulo hinatid nong mga buwaya ah. At itong malaking bato, dito ako nagtungo non at nagtago. Don't tell me, ito ang mapa sa lugar na ito? Si papa, may alam kaya sa lugar na to? Alam ba niyang mapupunta ako rito?" Naguguluhan siya sa mga niisip.

Muli siyang naglakad at sinundan ang ilog bilang guide niya.

Nakarating siya sa pinagtagpuan ng dalawang ilog saka hinanap kung saan banda ang yungib. Kung may yungib nga ba talaga sa lugar na iyon ibig sabihin ang mapang nasa panyong ito ay ang mapa sa lugar na ito. Ang mapa ng Strait forest.

Ilang sandali pa'y napatago siya dahil sa nakitang mga bantay na nagmamasid sa paligid. Sa di kalayuan ay bunganga na ng yungib. Bumulong siya sa hangin at tinawag ang leon. Ilang minuto rin ang lumipas nang dumating ito. Inutusan niya ang hayop na umatake sa mga bantay ng yungib. Sumunod naman ito.

"Mavideo nga yung laban nila. Siguradong magtrending to pag ni upload ko. #lionvs.mukangmonster." sabi pa niya. Tuwang-tuwa siyang pinapanood na parang sanay na sanay sa labanan ang nasabing hayop.

Balak niyang pumasok sa yungib para masagot lahat ng katanungan niya kaso naunahan siya ng takot kaya umalis siya at hinanap ang ibang lagusan ng yungib. Maraming lagusan ang yungib. Iyun ang nakalagay sa mapa, kaya subukan niyang pumunta sa isa sa mga secret route ng kweba.

"Razi umalis ka na dyan." Bulong niya sa hangin. Razi ang tinawag niya sa leon. Saka hinanap ang isa pang lagusan.

Kinabisado niya ang mapa. Feeling niya nakapunta na siya sa lugar na ito dahil pamilyar na siya sa paligid.

Hinawi niya ang mga halaman at kinalkal ang lupa at doon nakita niya ang pabilog na bakal. Inangat niya ito saka nakita ang isang hagdan pababa.

"Ito nga ang lugar na iyun." Sambit niya saka bumaba roon. Muling binalik ang takip saka tuluyang tinahak ang hagdan pababa.

"Arrgh! Ang dilim." Kinapa niya ang flashlight sa backpack at ginawang pang-ilaw sa daraanan. "Buti nalang girl scout ako."

Napatigil siya sa paglalakad dahil puro pader na ang buong paligid. "Patay. Baka makulong pa ako rito. Ayokong makulong rito noh. Ayoko ring bumalik. Ang layo-layo na ng nalakad ko eh." Sabi niya sa sarili at naghanap ng pwedeng madadaanan.

Kinapa ang bawat pader. Nang mapagod ay umupo muna sandali at nag-isip.

"Ano bang dapat gawin ko? May kutob talaga akong may alam ako sa lugar na 'to. Parang may kinalaman ito sa tunay kong pagkatao? Wala kasi akong maalala sa aking kabataan." Napapakagat labi siya. Malakas ang kutob niyang masasagot ng yungib na ito ang tungkol sa pagkatao niya na di sinasabi sa kanya ng kanyang mga magulang.

Ang tanging alam niya na abala palage ang mga magulang sa trabaho kaya minsan lamang niya nakakausap ang mga ito. At kung ano man ang ginagawa nila, wala siyang alam.

Napatingin siya sa kwintas niya at pinisil-pisil ito. Ilang ulit din siyang buntong-hininga. Naitaas niya ang tingin dahil sa narinig na mga tunog. Nanlaki ang mga mata niya makitang dahan-dahang umusod ang pader at lumikha ng pintuan. Nagtataka siyang napatingin sa kwintas niya.

"Bakit parang nangyari na ito sa akin?" Inisip niya kung kailan kaso sumakit lamang ang kanyang ulo kaya hinayaan na lamang niya ito at pumasok na lamang sa pinto.

Bumungad sa kanyang paningin ang isang silid. Puro bakal ang pader nito. At may mga monitors at computers sa paligid.

May mga test tubes pa siyang nakikita at mga sample ng mga species na di niya alam kung ano. May mga nakikita pa siyang mga liquid na nakalagay sa mga maliliit na mga container. Kinuhanan niya ng larawan ang buong paligid.

May nakita siyang USB na nakapasak sa Computer kaya kinuha niya ito.

Tiningnan ulit niya ang mapa at may napansing may kwarto sa likod ng kwartong kinaroroonan niya. Tumingin siya sa monitor at doon nakita ang papalapit ng lalakeng nakalabsuit sa kinaroroonan niya. Nilibot niya ang paningin sa buong paligid at sinuri kung may camera ba. Napahinga siya ng maluwag dahil walang camera sa silid na iyun.

Kinuha rin niya ang nakitang memory card bago bumalik sa dinaanan kanina.

"Mabuti nalang at walang nagbabantay doon kanina. Muntik na ako don." Sabi niya sa sarili nang muling makalabas. Automatic ding nagsasara ang pintuang bato.

Paglabas niya sa tunnel na iyun ay tumakbo na siya palayo. Hinihingal siyang sumandal sa isang puno.

"Wag kang gagalaw!" Utos ng boses sa kanyang likuran, bigla tuloy siyang napapigil hininga dahil sa malamig na bagay na nakatutok sa sentido niya.

"Hinga muna Ydriz. Malagutan ka na ng hininga." Huminga siya ng malalim. Napansin niyang napapaligiran na siya.

"Oh my GOd. I don't want to die." Sambit niya makita ang dulo ng mga pistola na nakatutok sa kanya.

***

Ydriz; The Natures Queen (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon