Strait Forest 8: Nahuli

379 50 8
                                    


"Wag kang gagalaw sabi!" Banta nong boses at lalo pang diniin ang pagkatutok ng dulo ng armas sa kanya nong akma siyang mag-angat ng tingin.

"Para mag-angat lang ng tingin ayaw pang pagbigyan. Kita na ngang pagod na pagod yung tao eh." Angal niya. Kahit kinakabahan ay di niya iyun ipinakita. Hinihingal pa kasi siya tapos tatakutin pa ang puso niya sa mga armas nila kaya naman di niya maiwasang magreklamo.

"Sino ka at anong ginagawa mo sa lugar na ito?" Boses ng lalakeng nasa tapat niya.

"Tubig muna pwede." Nagkatinginan tuloy ang pitong nilalang. Kinuha naman ng captain nila ang bottled water na dala ni Andrey at inabot iyun sa babae. Agad naman nitong nilagok. Sinimot pa talaga.

"Hay, thanks. At nakainom narin ako." Sabay tingin sa kanila. Biglang kumunot ang kanyang noo.

"Kayo yung muntik ng makapatay sa akin ah. Ginawa nyo pang malaaswang ang hitsura ko." Sabi niya at pinamaywangan pa sila.

Napatitig tuloy ang mga ito sa kanya. Malayo na ang hitsura ni Ydriz noong una nilang makita. Saka nila napansing cute pala ang batang to at ang ganda pa.

"Bata, sino ka at pa'no ka napunta sa lugar na 'to? Saan ka galing at ano ang ginagawa mo dito?" Maawtoridad na tanong ni Vincent.

"Grabe ang dami mong tanong." Reklamo niya kaya sinamaan siya ng tingin.

"Ito na nga oh. I'm Ydriz S. Florrel. Sixteen, magsiseventeen. Magka-camping daw kami at ewan kung ba't ako naligaw sa lugar na ito. Ang natatandaan ko ay basta nalaglag kami sa tulay. Nasira kasi yun. Nasira o sinira para maipakain kami sa limang buwaya. Yung mga misteryosong mga hinayupak ang nagdala sa amin sa lugar na di ko alam na naging dahilan ba't ako naligaw rito." Paliwanag niya pero napanguso dahil pansin niyang di naniniwala ang pitong sundalo.

"Bahala nga kayo kung ayaw n'yong maniwala." Sabi na lamang niya na lalo pang ngumuso na ikinakunot ng ilong.

Kinuha ni Milton ang mga gamit niya at sinuri nila ito. May nakita naman si Yiu sa loob ng kanyang backpack.

"Ano to? Malaking band-aid?" Bago pa man may makasagot ay lumagapak sa mukha niya ang sapatos ni Ydriz. Yung napkin kasi ang tinutukoy ng lalake.

"Problema mo ha!" Inis niyang sigaw rito.

"Yang hawak mo ang problema niya." Sagot ni Milton at ibinalik sa backpack ang hawak ni Yiu.

Sina Andrey naman ay palihim na natatawa pero pinigil din agad dahil kailangan nilang pairalin ang military manner daw kung ayaw nilang maparusahan ng kanilang captain. Pero kung nakatalikod ang captain di mo talaga maisip na mga sundalo sila. Kasi mga isip bata kung minsan. At hindi talaga mahahanap ang military manner na palaging itinuturo sa kanila.

"Bring her to our hide out." Utos ng captain.

"Pwede maya nalang? Pagod pa ako eh." Parang batang nagmamaktol. Napawah na lamang siya nang bigla siyang buhatin ni Capt. Vincent na parang sako ng bigas na ikinabaliktad ng paningin niya.

"Piggyback nalang oh." Request ulit niya.

Napairap nalang ang captain saka binaba si Ydriz. Pero bago yun pinunit ni capt. Vincent ang t-shirt ni Ydriz.

"Wag po. Di pa ako handa." Sabay yakap sa sarili pero napitik sa noo.

Tinalian ng Captain ang sugat niya sa tuhod. Dito niya naintindihan kung bakit siya nito binuhat.

Napatitig naman si Ydriz sa matapang na masungit na lalakeng ito. "Ampoge naman nito." Sabay tingin sa kilay ni Captain Vincent pababa sa pilikmatang mahahaba hanggang sa matangos na ilong at mamula-mulang labi.

Ydriz; The Natures Queen (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon