YaTe 3: Sa tabing ilog

296 32 7
                                    

Gumawa sila ng tent sa kalagitnaan ng disyerto. Nasa pinakagitna ang tent nina Ydriz at ng binibining kasama nila.

"Labis akong nagpapasalamat sa pagtulong niyo sa katulad ko Binibini." Pagpapasalamat ni Binibini Alinaya kay Ydriz sa malamyos na boses.

"Woah. Pati boses mo ang ganda." Namamanghang sambit ni Ydriz. Nahihiya namang napayuko si Alinaya.

"A, maaari po bang malaman ang inyong pangalan magandang Binibini? Iyon ay kung mamarapatin niyo."

"Bakit parang kakaiba yata ang pananalita ng babaeng ito? Wag ko na ngang isipin yun. Ang mahalaga nagagandahan din siya sa akin." Sambit naman ni Ydriz sa isip bago sumagot.

"Ydriz. Tawagin mo nalang akong Ydriz."

"Binibining Ydriz." Sambit ni Alinaya.

Nakita nilang papalapit sa gawi nila si Andrey na may dalang mga pagkain na nakalagay sa isang tray.

"Kailangan niyo na pong kumain Miss Ydriz." Sabi ni Andrey at inilapag ang tray sa maliit na mesa na nasa loob ng tent.

Pagkatapos magpasalamat nagsimula ng kumain ang dalawang dalaga. Dito napansin ni Ydriz ang mahinhing mga kilos ni Alinaya. Kahit sa pagsubo kapansin-pansin ang mabining-mabining kilos nito. Maliliit din ang bawat subo nito.

"Hindi ka ba gutom na gutom?" Tanong ni Ydriz makitang nakailang subo at lunok na siya ngunit nakadalawa pa lamang ang kasama.

"Kumain ka lang. Sandali manghihingi lang ako ng sabaw." Pagpaalam ni Ydriz at lumabas. Naabutan niya si Kodei na nag-iihaw ng manok.

"Wow! Mukhang masarap." Sambit niya at tumabi ng upo kay Kodei.

"Hindi dapat basta-basta lang tumatabi ang isang binibini sa isang lalake." Narinig niyang sabi ni Vincent na papalapit sa kanya.

"Hindi naman siya mukhang babae e." Rinig niyang bulong ni Kodei.

"Ako? Kung manlait ka na nga lang pwede bang wag ka nalang magsalita?" Sagot ni Ydriz at napanguso sabay bigay ng matalim na tingin kay Kodei.

"Hindi ka na sana umalis sa loob ng tent. Dadalhan ka rin naman namin kapag naluto na ito." Sabi ni Vincent.

Inilipat na ni Kodei ang inihaw na karne sa isang plato.

"Nasa ibang lugar o mundo na tayo. Higit sa lahat, ibang-iba ang mundong ito sa lugar na kinagisnan mo. Kaya magmula ngayon kailangan mo ng matutunan ang mga dapat ikilos o gawin ng isang Binibini na katulad mo. Magsisimula na rin ang pagtuturo sa'yo." Sabi ni Vincent.

Saka naalala ni Ydriz ang sinabi noon ng parents niya na sina Vincent ang magiging tagapagtanggol at tagapagturo niya.

"Okay." Sagot niya at bumalik na sa tent na dala ang inihaw na manok.

Kinabukasan, maagang bumiyaheng muli ang grupo nina Ydriz.

May natanaw na rin silang mga halaman hanggang sa makarating na rin sa kakahoyan.

"May nakita akong ilog sa unahan." Sabi Yiu na siyang nauna sa kanila kanina.

Pagdating sa ilog agad na niyaya ni Ydriz si Alinaya sa pagligo.

"Ligo tayo."

"Pero Binibini." Sambit ni Alinaya at napasulyap sa mga kasama nilang mga lalake.

"Wag kang mag-alala, mabubuting tao sila." Sagot ni Ydriz.

"Aalis po muna kami para makaligo na muna kayo. Ngunit kung may mangyayaring di maganda sumigaw lamang kayo." Sabi ni Milton at naglaho na sa paningin nila ang pitong bantay ni Ydriz.

Ydriz; The Natures Queen (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon