Naging payapa na ang strait forest. Sinubukan narin nina Riza at Ivan kung paano mapapaayos ang Strait forest.
Actually, the said forest named from Ydriz mothers family name. Since sa kanila ang nasabing kalupaan at sa kanila rin nakapangalan. Kaya lang inagaw ito ni Mr. Monde at inangkin bilang pag-aari.
Hinayaan na nila itong pakinabangan nina Mr. Monde ang anumang meron sa gubat na dating disyerto. Iyon ay dahil sa ayaw nilang sumabog ang buong gubat na posibleng ikamamatay ng mga nakakulong sa loob. At hawak nito ang katawan ng inaakala nilang anak nila.
Hindi nila inaasahan na ang pagpaparayang ginawa nila ang mas magpalala ng sitwasyon dahil marami ng nagiging biktima si Mr. Monde. Kung hindi lang sila abala sa paghahanap sa lagusan pabalik sa ibang mundo baka matagal na nilang nasolusyunan ang problemang ginagawa ni Mr. Monde sa kapwa tao.
Abala kasi sila sa paghahanap sa naglahong lagusan pabalik sa tunay nilang mundo. Ito rin ang dahilan kung bakit nawalan sila ng oras kay Ydriz. Gusto kasi nilang mahanap ang dalawang anak at malaman kung ayos lang ba sila.
Kamakailan lang natagpuan na nila ang lagusan ngunit hindi nila inaasahan na nasa panganib na pala ang buhay ng natatanging anak na naiwan sa kanila.
Dito nila naisip na sa paghahanap at pangungulila nila sa dalawang anak nakalimutan nilang may anak pa silang iba na nangangailangan din sa kanilang gabay, atensyon, pagmamahal at proteksyon. Anong silbi ng paghahanap nila sa iba pa kung ang naiwan ay di man lang nila kayang alagaan at protektahan? Hintayin pa ba nilang pati ang naiwan ay mawawala na rin? Ano na lamang ang matitira sa kanila? Kaya naman labis silang nagsisi nang malamang kabilang si Ydriz sa mga missing students.
Kung hindi nakaligtas si Ydriz malamang hindi nila mapatawad ang kanilang sarili. Kaya naman nabunutan sila ng tinik malamang ligtas ang anak at isa pa ito sa dahilan kung bakit nakaligtas ang mga bihag ni Mr. Monde.
"Anak, halika na. Ipapakilala kita sa mga bagong bodyguard mo." Tawag ni Riza mula sa labas ng kwarto ng dalaga. Lumabas narin si Ydriz at nagtungo sa sala.
Napakunot ang kanyang noo makita ang pitong mga seryoso't kagalang-galang na mga lalake. Nakablacksuit na silang lahat.
"Sila ang sinasabi kong magiging bodyguard mo. Dose silang lahat, at pag isama ang mga tagapagbantay ng yung ina twenty four silang lahat. Kaso nasa misyon pa ang iba." Paliwanag ni Iva.
"Bodyguard ko ang ang mga yan? Ganyan kakisig at kagwapo? Bodyguard ko?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Saka babae siya bakit mga gwapo at poge pa pa ang magiging bodyguard niya.
Tumawa lamang ang mag-asawa.
"Mga model yata ang mga to e. Biruin mong may igagwapo pa pala sila?" Sambit niya sa isip.
Nabaguhan kasi siya sa mga nakapusturang pitong lalake. Dati naka-camouflage pa at seryoso ng mga mukha at palageng napapalaban. Ngayon naman para ng mga artista. At di na matatapang tingnan kundi umamo na ang mga mukha.
"Maligayang araw po young lady Ydriz." Sabay-sabay nilang sabi at nakalagay pa ang isang kamao sa dibdib sabay yuko.
"Bakit kayo yumuko? Nagmukha akong mas matanda sa inyo niyan eh." Sabi niya na hindi parin makapaniwala na magiging bodyguards niya ang pitong ito.
"Hindi nyo na kailangang maging formal sa kanya but you are allowed to teach her everything she need to know." Sabi naman ni Riza.
"Ingatan nyo siya. Protektahan nyong mabuti. Kayo ang magiging guro at tagapagbantay niya magmula ngayon." Dagdag pa niya.
"Makakaasa po kayo." Sabay-sabay na sabi ng pito.
"Nakahanda na ang lahat para sa pag-alis nyo." Sabi naman ni dad na ikinagulat ko.
"Aalis?" Biglang tanong ni Ydriz. Hindi pa nga naipasok sa utak niya kung dapat ba siyang maniwalang bodyguards na niya ang pitong ito tapos sasabihan siyang aalis sila? Magiging guro niya ang pito, magiging guardian at magiging tagapagbantay?
"Yeah. Kung gusto mong masagot lahat ng mga katanungan sa isip mo kailangan mong umalis at sumama kina Captain Ibarra." Sagot ni Riza.
"If you also want to find your brother and sister kailangan mong pumunta roon. Malakas ang kutob kong nandoon sila." Singit naman ni Ivan.
"Pero ba't ako lang? Bakit di kayo kasama?" Naisip niyang pwede namang sama-sama silang pumunta sa ibang mundong sinasabi nila.
Magmula kasing naglaho ang ate at kuya niya, nabibilang lamang ang mga araw na nakakasama at nakakausap niya ang mga magulang. Tapos ngayong ayos na ang relasyon nila maghihiwalay sila ng landas.
"Everything we did is for you. Hindi mo lang kami naiintindihan sa ngayon pero ito kasi ang mas nakakabuti sayo. Maiintindihan mo rin kami pero hindi pa nga lang ngayon." Riza said.
Kita ng dalaga ang lungkot sa mga mata ng ina pero agad ding nawala at naging poker face na naman.
Madalas na niyang naririnig salitang iyo. Marami siyang di alam sa kanila. Marami rin silang itinatago sa kanya.
Labag man sa loob pero sinunod niya ang mga magulang.
"Hindi ko alam kung ang paglayo ko bang ito ay para hindi ko malaman ang anupamang tinatago nila o para makakuha ako ng ideya o ba kaya para malaman ko ang mga kasagutan sa lahat ng aking mga katanungan sa lugar na mapupuntahan ko?"
"Siguro may malaki silang dahilan. Pwede ring ayaw nila akong madamay sa anumang problemang meron sila. Siguro nga hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman ko ang lahat." Ito ang pampakalma niya sa sarili.
"Ihahanda ko lang ang mga gamit ko." Sabi niya at babalik na sana sa kanyang silid.
"Sila na ang bahala sa mga gamit mo. Hindi mo rin naman mapapakinabangan pagdating mo sa lugar na iyon." Sabi ng ina.
Kinuha ni Ydriz ang mga mahahalagang gamit na ayaw niyang mahiwalay sa kanya.
Ilang araw ang lumipas pumunta na sila sa lugar kung saan matatagpuan ang lugar na tinatawag nilang Pardeah.
"Patawad anak. At paalam." Naluluhang sambit ni Riza habang pinagmamasdan ang papalayong kotse na sinakyan ng anak. Niyakap naman siya ni Ivan at dahan-dahang naglaho ang kanilang mga katawan hanggang sa tuluyan na itong nawala.
End of Strait forest.
Next will be focus on the adventure of Ydriz with her new found protectors on finding her brother and sister in the different world with magics and special abilities.
Next: Ydriz and the Elementalist
BINABASA MO ANG
Ydriz; The Natures Queen (On Hold)
FantasyShe is just an ordinary high school girl but since she lost at the strait forest, everything has just began. She found herself being not a normal person and also had an extraordinary background. Just by whispering, she can command the wind. With her...