Strait Forest 14: Hindi tao

399 40 7
                                    

Ilang oras silang nanatili sa gilid ng bangil bago muling lumabas para makahanap ng ibang lugar na mapagtataguan pansamantala.

"Parang ang lawak naman yata ng gubat na to. Ilang araw na tayong naglalakad pero wala naman yatang katapusan ang gubat na to." Reklamo ni Ydriz. Tumigil siya sa paglalakad at hinilot ang mga binti na napapagod na sa kakalakad.

Napatigil sila makita ang isang halimaw na nakaharang sa kanilang daraanan. Mga nasa fifteen talampakan ito. Kulay abo ang katawan na may mga balahibo. Itim na mga mata at may mga malalaki't matutulis na mga ngipin. May matutulis na mga kuko na tulad ng kuko ng tigre at ang paa ay parang paa ng giant ape.

Umungol ito at tinapik pa ang dibdib bago pinakita ang middle finger sa kanila. Binaril nila ito gamit ang mga laser gun kaso parang sinisipsip lamang ng katawan ng halimaw ang mga bala na tumatama sa katawan nito.

Walang nagawa ang pitong rangers kundi ilabas ang kanilang mga espada. Unang umatake si Andrey. Tumalon ito sa ere na nakataas ang espada pero bago pa man siya lumapag sa target niyang likod ng kalaban ay sinalubong na siya ng kamao na ikinatilapon niya. Napasigaw na lamang siya sa sakit.

"Andoy!" Tawag ni Ydriz at lalapitan sana si Andrey pero pinigilan siya ni Vincent.

"Anong Andoy?" Angal ni Andrey kahit namimilipit na sa sakit. Pinilit niyang bumangon pero napapaupo parin siya. Pero handa siyang tiisin ang sakit kaysa sa tawagin siyang Andoy.

"Seo! Yiu! Ilayo nyo siya rito." Utos niya sa dalawa upang mailayo si Ydriz.

"No! Ayaw ko!" Mariing sagot ni Ydriz.

"We will all die here kung di kayo aalis. Kaya makinig ka Miss Ydriz." Pakiusap ni Vincent.

"Aaah!" Napalingon sila kay Milton na binalibag ng halimaw at tumama ito sa malaking puno.

Pinaligiran agad nila ang dalaga dahil mukhang siya ang pakay ng halimaw na ito. Nakayuko ito habang nakatingin ng diretso sa dalaga. Tumalon sa ere si Mikoh at sinugatan ang isang paa ng kalaban na ikinaungol nito pero ang ipinagtataka nila, agad ding naghilom ang sugat ng halimaw.

"Anong klaseng nilalang ito?" Bulong ni Mikoh at naramdaman na lamang ang pagtama ng paa ng higanteng halimaw sa kanyang sikmura na ikinatilapon niya.

Tumalon sa may likuran ng halimaw si Vincent at tinarak ang espada rito. Saka muling tumalon para makalipat sa ibang target. Mabilis ang kanyang kilos na kahit anong gawing pagdampot ng halimaw sa kanya ay di siya nito maaabutan. Sinubukan niyang sugatan ang mata ng halimaw. Natamaan ang isa nitong mata pero tumilapon din siya dahil naabutan siya ng higanteng palad nito.

Nakaramdam siya ng pamamanhid ng katawan. At naging malabo na rin ang kanyang paningin. Pinilit niyang aninagin ang buong paligid at nakita sina Kodei, Seo, Yiu, at Milton na sabay-sabay umatake sa nasabing halimaw. Pero sa huli ay tumilapon din ang mga ito. Dinampot ng halimaw si Yiu na nahihirapan ng gumalaw.

"Yiu!" Halos pabulong na lamang ang kanilang mga sigaw. Nahihirapan silang gumalaw at wala na silang magawa para sa kasamahan.

Nakita niyang naglakad ang halimaw sa kinaroroonan ni Ydriz habang hawak si Yiu. Pinilit niyang tumayo pero bigo siya.

"Miss Ydriz! Tumakas ka na! Lumayo ka dito." Pinilit niyang sumigaw para marinig ng dalaga pero sa halip na makinig ay taas noo nitong hinarap ang halimaw. Binato pa nga niya ito sa mata. Napaungol ito at inis na binitiwan si Yiu. Ilang saglit pa'y napaungol muli dahil natamaan na naman sa mata.

Hawak na ngayon ni Ydriz ang slingshot at naghahanap siya ng mga bato sa paligid. Dadamputin na sana siya ng halimaw na mabilis naman niyang naiwasan. Nagpunta siya sa likuran ng halimaw saka tinira gamit ang sling shot ang puwetan ng halimaw. Agad na lumingon sa likuran nito ang halimaw na umuusok na ngayon ang ilong sa galit. Nilabasan lamang siya ng dila ng dalaga bago ito magpagulong sa lupa at nagpadulas na nakahiga sabay tira ulit gamit ang slingshot sa ulo ng higanteng halimaw. Muling umungol ang halimaw at lumingon na naman sa harapan.

"Hehehe! Bleeh." Sinayaw-sayawan pa ito ni Ydriz bago naglahong muli. Nagpabaling-baling ng tingin ang halimaw at hinanap ang dalaga.

"Huy! Dito ako!" Tawag ni Ydriz sabay bato ng batong kasing laki ng kamao. Tumama ito sa panga ng halimaw.

"Grrrrrrrowl!" Ungol nito sa sobrang galit. Ngumisi lamang ang dalaga.

Ang pitong Rangers naman ay nakatulala lamang. Di inaakalang di man lang nakaramdam ng takot ang high school girl na ito?

"Ydriz!" Tawag ni Vincent na ikinalingon nito. Dahil don di niya napansin ang papalapit ng kamay ng halimaw. Tumama ito sa dibdib niya na ikinatilapon niya palayo.

"Aah! Aray! Uwaah! Ansakeet!" Pagngawa niya. Benelatan naman siya ng halimaw at kumimbot-kimbot pa saka rin siya nginisihan.

"Huy! Gagaya-gaya ka ah!" Sigaw ng dalaga sa halimaw pero nilabasan lamang siya ng dila.

"Aba naman to o." Dumampot ulit siya ng bato at binato sa halimaw pero nakaiwas na ito ngayon.

Napansin ni Ydriz na wala na sa kanyang leeg ang kanyang kwintas. Kaya agad niya itong hinanap. Agad na napatingin si Ydriz sa halimaw. Itinaas ng halimaw ang isang daliri kung saan nakasabit ang kanyang kwintas.

Naglakad palapit ang halimaw kay Ydriz pero napatigil ito sa paglapit kay Ydriz. Umatake kasi si Vincent mula sa likuran ng halimaw at sinaksak ang likuran nito. Umungol ang halimaw at hinampas ang sinumang lapastangang nasa kanyang likuran. Tumilapon naman si Vincent at muling namanhid ang katawan na bumangga ito sa bato. Pinilit ni Vincent na ikilos ang katawan at napansing may nakapa ang kanyang kamay. Nang tingnan niya ito, nakita niyang ito ang  kwintas ni Ydriz.

Napansin niyang nanlalaki ang mga mata nina Milton kaya sinundan nila ng tingin kung saan nakatingin ni Milton at nakita ang pagbabago ng anyo ng dalaga. Nakayuko si Ydriz. Habang ang buhok na kulay black ay unti-unting naging dilaw. May liwanag ring nakapalibot sa katawan ng dalaga at nang iangat ang mukha'y nakita nila ang blue nitong mga mata.

"She's not human." Ang nasambit na lamang nila makita ang pagbabagong anyo ng dalaga. Nakita nilang tumakbo ng mabilis si Ydriz sa gawi ng halimaw at tumalon ito sa likod ng leeg ng halimaw. She twisted the monster's neck.

Napakurap-kurap na lamang sila makitang dahan-dahang bumagsak ang katawan ng halimaw. Tumalon na  pababa ang dalaga kasabay ng kanyang pagbagsak ay ang pagbagsak ng katawan ng halimaw sa lupa. Bahagya pang naalog ang lupa sa pagbagsak ng halimaw.

Lumingon si Ydriz sa gawi ng nakatulalang captain. Napalunok ito nang maglakad palapit sa kanya ang dalaga. Napakaganda nito pero nakakatakot din. Nilahad ng dalaga ang palad na ikinalito ni Vincent. Pero nang tumingin ang dalaga sa kwintas na hawak niya ay mabilis na inabot kay Ydriz ang kwintas niya.

Sinuot ng dalaga ang kwintas. Ilang minuto pa'y unti-unti ring bumalik sa dati ang kanyang hitsura.

"Okay ka lang?" Tanong ni Ydriz sa nakatulala paring si Vincent.

"Huy!" Sigaw ng dalaga sabay sapok kay Vincent.

"Araaay!" Ungol nito. Masakit na nga ang katawan niya, sinapok pa siya. "Di ba aware ang babaeng to na masakit yung sapok niya? Hampas pa nga lang ang sakit na eh." Bulong niya sa isip.

"Ayun! Nagising ka narin. Alam ko namang maganda ako eh. Tutulala ka pa diyan." Sabi ng dalaga na ikinairap na lamang ng captain.

"Tsk! Ngayon ko lang nalaman na di ka lang pala isip bata. Mahangin din." Sagot ni Vincent.

"Gusto mo tatawag ako ng hangin para liparin ka?" Tanong ng dalaga sabay ngisi.

"Uy! Walang ganyanan." Mabilis na sagot ni Vincent. Takot na baka totohanin ng dalaga ang sinasabi. Baka nga kaya nitong magtawag ng hangin at tangayin siya. Ngumiti lamang si Ydriz at inalalayang tumayo si Vincent. Iika-ika namang lumapit ang anim na mga kasama sa kanila.

Nagsimula silang maghanap ng mapagpahingahan. Nang makakita sila ng mas tagong lugar naisipan nilang dito na muna magpapalipas ng gabi. Mahirap na baka makakasalubong sila ng mga kalaban. Wala silang lakas para lumaban sa ganoong kalagayan. Kailangan muna nilang makapag-ipon ng lakas.

***

Ydriz; The Natures Queen (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon