* Week before the incident*
**************************
Drake Dela Cuesta
Hindi ko na ipapakilala ang sarili ko, alam ko namang kilala niyo na ako eh but anyway! Ako lang naman ang pinaka gwapong kambal ni Drianna. Oo gago ako, hindi ko na itatanggi pero bago ninyo ako husgahan ay pakinggan niyo muna ako para naman hindi kayo puro satsat diyan.
Tulad nga ng sinabi ni Drianna, naging ex-girlfriend ko ang mga bullies niya. Bakit ko nga ba ginawa yon? Simple lang naman ang sagot sa tanong na yan eh. Gusto kong ipag higanti ang kakambal kong duwag at masyadong mabait, hindi niya ipinag tatanggol ang sarili niya kahit na anong mang yari. Kaya nga palagi rin siyang napag bibintangan ni mom at dad eh.
Drianna is Drianna, I can't changed her even if I wanted to. Nagkataon lang siguro na ipinanganak siyang mahina o soft hearted, umaastang malakas kahit hindi naman siya ganon. Nakakainis mang isipin na ganon siya pero anong magagawa ko? Maliban sa kalokohan ko, wala na kaya eto ako.
Hindi naman nakikisali si Jaester dito, ako lang pati yung dalawang baluga. Si Kaizer atsaka Nial ang kasama ko, si Takeo at Takeshi kase ay ekis din. Magaling lang silang mang uto ng mga babae pero hindi nila kaya ang ginagawa namin, sa'king problema si Drianna kaya ako dapat ang gumagawa ng paraan para maiganti siya sa mga babaeng iyon. Ako lang ang pwedeng mang asar o manlait sa kapatid ko, at least kami? Related!
Bata pa lang kaming lahat, alam ko na at maaga ko ring tinanggap na may gusto si Jaester sa kapatid ko pero masyado kaseng torpe tong taong to kaya hanggang ngayon ay kinikimkim niya ang nararamdaman niya.
Introvert ang kapatid ko kaya hindi ko iniisip na magiging close sila ni Nikolai pero mali pala ako sa bagay na iyon, ramdam ko si Jaester pero anong magagawa ko? Hindi ko naman pwedeng basta na lang pigilan si Drianna sa gusto niya.
Malaki ang dahilan kung bakit galit kami sa kaniya, sa tagal ng pinag samahan namin? Hindi ko akalaing magagawa niya yon at iyon ang dahilan kung bakit nag durusa si Jaester ngayon. Maliban kay Takeo at Takeshi, lahat kami ay nandoon noong araw na iyon. Nakita ng dalawang mata namin ang totoong nang yari at kung papaano tinakpan ng pamilya ni Nikolai ang katotohanan.
Pinatawad ko na siya dahil alam kong iyon din ang nais ng kaibigan namin pero hindi ako nakakalimot kase namatay siya sa mismong araw ng kaarawan namin ni Drianna, yon ang rason kung bakit hindi ako nag diriwang kahit araw ng kapanganakan namin. Imbis na mag sasaya ako, pare-parehas kaming nasa sementeryo para mag tirik ng kandila.
Pag tapos ng mga ilang araw, doon lang ako magiging ayos. Balik na ulit ako sa dati kong gawain at ngayon? Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian. Kumpleto kami ngayon kase Sabado ng tanghali, automatiko na iyon para sa pamilya namin. Tahimik na kumakain si Drianna, wala siyang pakealam sa lahat.
Binabagalan niyang kumain kaya ganon din ang ginagawa ko, sa totoo lang? Hindi ako sanay pero kaylangan ko kase gusto ko talaga siyang makausap tungkol sa kaibigan niya. Ni minsan hindi pa ako tinamaan sa babae kahit maganda at sexy, ngayon lang ata at hindi ako maka paniwala kase sa kaibigan pa ng kakambal ko!
Totoo ang nararamdaman ko para kay Scarlett atsaka matanong ko lang ah, saan ba nakuha ni Drianna yung 'nag pupustahan kami'? Baka narinig niya lang tapos iyon pinaniwalaan niya imbis na tanungin muna ako.
Nang matapos si Drianna, tapos na rin ako dahil sinasabayan ko lamang siya. Hindi ko alam kung bakit ganito siya palagi, wala akong ideya kung anong ginawa ko. Parang galit siya sa lahat ng tao dito maliban sa mga katulong, dahil ba nasa akin ang atensyon? Mukha bang ginusto ko yon?
BINABASA MO ANG
Drianna and her magic diary
FantasyDrianna and her magic diary Drianna is a daughter of a famous politician but not your modern normal teenage girl, she doesn't dressed up too much and all she does is write her imaginations inside her diary. One day, her old diary was replaced by a...