Chapter XXX: Realization

59 1 0
                                    



**************************


Drianna Dela Cuesta



Isang linggo na ang nakakalipas mula noong nagising ako at tumakas para mag tungo sa Airport, Oo wala akong Jaester na naabutan doon dahil naka-alis na pala ang eroplano niya. Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang tumingala sa itaas habang dinadama ang bawat patak ng ulan sa mukha ko.





Mukha lang akong okay dahil nakakapag lakad na ako ng paunti-unti pero hindi talaga ako maayos, nasasaktan ako dahil hindi ko man lang nagawang makapag paalam sa kaniya kahit sa huling pag kakataon man lang. Siguradong nasa Canada na siya ngayon, abala sa klase niya o baka sa ibang tao...





Base sa kambal, hindi niya pa daw alam na gising ako kase hindi pa naman daw sila tinatawagan ni Jaester. He's not actually allowed to use any devices lalo na kapag nasa klase siya, nananatili siya sa isang dorm sa unibersidad na pinasukan niya. I just found out from ate Liana that he turned down Harvard University because it'll take too much time for him to finish studying there.




Natanggap siya doon at hinihintay na nga siya pero bago pa siya umalis ay tinanggihan niya ito, nag pasya siyang mag apply sa ibang unibersidad sa Canada since pumayag naman din si tito Jerome atsaka tita Cecile. Siguro daw ay aabutin pa ng isa pang linggo o saktong isang buwan bago siya maka tawag dito sa'min sa Pilipinas.





Of course I'm upset, sa realidad ay muntikan na akong mamatay tapos pati ba naman sa panaginip? Seriously?




Mayroon ba akong kaaway na hindi ko alam?





Iyon din ang ipinag tataka ko eh, sigurado naman ako na wala akong kaaway na malala. Kung mayroon man, I'm sure hindi sila aabot sa punto na babalakin na nila akong patayin. Ang apat na kasama ko ngayon ay pare-parehas mga tulog at mga naka bukas pa ang bibig habang humihilik, napapailing na lang ako habang pinag mamasdan silang lahat.





May sarili namang ward to si Nikolai, ano kayang ginagawa ng hampas lupa na to dito??




Etong kambal? Wala ba silang balak umuwi??




Ilang araw na kaya silang ganiyan, palagi silang naka bantay sa'kin. Hindi na ako tatakas o aalis dahil wala na dito si Jaester, he's not permanently gone but he's too far away. Kahit may passport at pera ako, I wouldn't waste my time going there to kiss him goodbye.





Kung babalik naman siya, bakit pa ako mag papaalam diba?





Pwede naman akong mag hintay sa kaniya, he surely waited for me so it's my turn to do so. Nag hintay nga siya ng apat na taon para sa'kin, ano ba yung ako naman ang mag hintay ng ilang taon? Mga anim hanggang pito? Maiksi lang iyon!





Maiintindihan ko naman kung sakali mang hindi kaagad siya makakabalik dito, o kung hindi rin siya palaging makakatawag ay ayos lang din dahil alam ko namang abala siya. Pangarap niyang maging doktor, gusto ko siyang suportahan kahit malayo kami sa isa't isa. At kung itinadhana kami, mag kikita kami ulit.



Sana...



Alas nuwebe pa lang naman ng gabi, nauna pa silang natulog kaysa sa'kin. Mahigpit na bilin ni mom at dad na bantayan nila ako ng maayos dahil baka makaisip nanaman ako ng kung ano-anong kalokohan sa katawan, baka daw tumakas ako o balakin kong lumipad kahit wala akong pakpak tapos bigla na lang akong tumalon mula sa pinaka mataas na floor ng ospital building na ito.




Drianna and her magic diaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon