IX --- Kabanata

27 2 0
                                    


Si Miana na ang lalaban, kalaban nya ay isang lalaki na kasapi ng isa sa aming tapat na angkan.

Pumwesto na sila sa isa ibaba. Nagbigay galang sa isa't isa pagkatapos ay naghanda na. Di paman nakakakapwesto ng maayos ang lalaki ay agad na sumugod si Miana sa kanya. Nagbigay sya ng isang atake sa tyan sa pamamagitan ng espada buti na nga lang at may proteksyon o pananggalang ang mga espada kung hindi kalahati na sana ang katawan ng lalaki ngayon.

Tumilapon lang ang lalaki bahagya pero nakatayo parin ito. Sumigaw naman ang mga Sayukai na para bang nagdidiwang para sa kanilang pinuno. Napakamao ako. Tumingin kasi si Miana sa gawi ko at nagbigay ng isang makahulugang tingin na para bang gusto nyang sabihing wala syang awa lalo na sa mga membro ng De Lovus Mercenary. Napalunok ako. Galit, pagnanais na maipakita na malakas sya at kung ano-ano pang emosyon ang nakikita ko kay Miana ngayon. Nakakatakot sya.

Maya-maya lang dahil sa pagtigil nya ay umatake ang lalaki pero sinalubong lang sya ni Miana at pinatumba agad.

Nawalan ng malay ang lalaki at nagsasaya naman ang mga Sayukai. Me ilang membro naman ng aming pangkat ang tumulong sa nawalan ng malay at dinala sa pagamutan ng paaralan. Kaya pala. Kaya pala ang laki ng pagamutan dahil sa kalahati ng mga estudyante ay nawawalan ng malay, napipilay, nababalian ng buto o di kaya nawawalan ng parte ng katawan. Tsk.

Ano nga ba tong pinasukan ko?

Lumabas na sa Arena si Miana pero bago nun ay tumingin ulit sya sakin ng nakangiti. Sinalubong ko lang ang tingin nya habang nakakaramdam ng pagnanais na protektahan ang mga membro ng aking pangkat sa mga taong katulad nila.

Mahirap. Pero kakayanin ko naman diba?

Sumunod na laban ay kay Ezequil, kahit papaano sa nakalipas na dalawang buwan mahigit sa paaralang ito ay gumanda at tumibay naman ang pangngatawan ni Insan. Napansin kung tumangkad din sya ng konti kaya kahit papaano ay nagiging mas kompyansa ako sa kanya. Sa tingin ko kaya nyang lumaban na. Pero ng lumabas ang kalaban nya na isang babae ay parang di ko alam ang iisipin. Ito kasi yung babaeng nakasabay nya sa karwahe. Yung tahimik at me piklat sa mukha. Napakaseryoso nya at nakasuot sya ng indigo. Ibig sabihin wala syang pangkat na kinabibilangan.

Maya-maya ay nagsimula na ang laban nila. Nakapwesto na si Ezequil at naghihintay habang tinititigan lamang sya ng babae.

"Feeuto Ton Dugos!" sigaw ng mga nasaupuan. Nagsisimula na rin kasi ang ilang laban pero 'feeuto ton dugos?' tsk. Sa pagkakaalam ko ay sinisigaw ito ng mga mandirigma sa tuwing me laban o patayan. Isang bagay lang kasi ang ibig sabihin nito. Laban hanggang kamatayan.

Syempre di naman lahat namamatay. Kung maari naman, pero malubha ang mga sugat at pilay sa unang laban. Kaya pala sa susunod na pagsusulit ay magiging palaisipan imbes na pisikal dahil binibigyan ng mga pagkakataon na makabawi ang mga sugatan. Naman. Kung di sana nila naisip o nagkaroon ng ganung mentalidad edi sana wala ng ganung problema. Haist.

Pero balik sa laban, nakapako lang ang paa ni Ezequil na para bang naghihintay lang sa isang pag-atake. Walang lumapit sa kanila hanggang sa ngumiti ng masama ang babae at sumugod. Kisap-matang pagsugod at nabigla nya si Insan. Isang atake at lumipad ito sa gilid. Nakita kong namilipit si Insan sa sakit dahil dun pero tumayo pa rin sya at pumwesto. Sunod-sunod na atake ang nangyari at walang laban si Insan pero ayaw nyang sumuko. Ayaw nyang magpatalo.

Napatayo na ako sa kinauupuan ko dala ang alalahanin para sa kanya. Si Insan naman tumayo ngunit kasabay nun ang isang malakas na atake. Mi ilang dugo na sa kanyang mukha dahil sa nagalusan na sya ng sobra, nakikita ko na rin ang paghihirap nya at alam kong isang atake nalang ang kakayanin nya.

"Kaya mo yan!" di mapigilang sigaw ko na. "Kaya mo yan!"

Sumunod na noon ang isang atake, napaurong bahagya si Insan pero kisap-matang umatake bigla ang babae ng ilang beses kahit wala ng malay si insan. Nakatayo lang ito dahil sa pabalik-balik na atake pero gulay na ang katawan nito.

Galit. Inis at paghihiganti ang naramdaman ko habang pinapanood si Insan na bumagsak kasabay nun ay isang luha ang pumatak saking mata.

Dinala si Insan sa pagamutan at dahil di ko alam kung tatawagin ako o hindi kaya hindi ako maaaring umalis sa arena. Mas naiinis ako lalo, nainip at parang sasabog na.

Saglit pa ang lumipas ay tinawag na ako kaya dali-dali akong umalis sa kinauupuan ko. Ni hindi ko na narinig pa si Neo sa mga sinasabi nya.

Nasa pintuan na ako para sa arena. Handa? Hindi. Pero gusto ko ng lumaban, gusto ko ng matapos ang paghihintay na ito ng biglang nakaramdam ako ng kamay sa balikat. Napalingon ako.

"Hassin."

Seryoso ang mata nito at tila ba takot pero ganun pa man ay binigay nya sa akin ang isang espada, me pananggalang na ito sa matalim na parte pero di mapagkakaila na ito ang espada na dala-dala nya lagi. Tinanggap ko ang espada kahit na may pag-aalinlangan pero nagsalita sya uli habang hinahawakan ang aking mukha.

"makinig ka. .umiwas ka ng atake kung mas malakas ang kalaban. .maliksi ka kaya makakaya mo. Lakas laban sa liksi. Taas laban sa utak. Wag mong sabayan ang kalaban sa ano mang kakayahan nito bagkos gamitin mo ang kakayahan nya laban sa kanya."

"Hindi--" hindi ko magawang sumingit kay Hassin.

"kung mas malakas ka sa kanya gamitin mo yun para sa atake pero wag kalimutan na ang pinakamabuting atake ay depensa. Mag-isip at wag padalos-dalos. Tantyahin ang laban. ."

"p- pero--"

"tyan, ulo, leeg pati na rin likorang parte ng binti ang mas madaling atakehin. ." Huminto sya bahagya sa pagsasalita bago nagsimula ulit. Pinagmasdan nya muna ako sabay higpit pa sa paghawak sa aking pisngi na para bang gusto nya akong ahm-- halikan? Ewan. Siguro imahinasyon ko lang na andun sa mukha nya ang pagpoprotekta saka halikan? Eh me takip kaya bibig nya! Hindi naman sa gusto ko syang halikan o ano. Saka ano bato. Sa gitna ng gyera at inis ang mga mata pa rin ni Hassin ang nabibigyan ko ng pansin. --" kaya mo yan. .Mag-ingat ka. Pinuno." pag-aalala ang nararamdaman ko sa sinabi ni Hassin, at takot sa kung ano mang pwedeng mangyari sa akin.

"Pasok na!" sigaw ng isang tagapangasiwa.

Napalingon ulit ako ke Hassin at napatingin sa espadang bigay nya kasabay nun ang pagtakbo ko papuntang loob ng arena.

Oras na.

- - - - - - - - - - - -

Ang Bagong Pinuno (Genesus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon