I-- Kabanata

90 4 2
                                    

Isang linggo ang nakalipas simula ng umalis si Ezequil sa Demor at kahit isang liham ay wala akong natanggap. Nag-aalala na ako kay insan at nagnanais na malaman ang kanyang sitwasyon at lagay sa kesti.

Para libangin ang sarili ko ay nagluto nalang ako para sa tanghalian, tinutulungan ko na lang si Amber Dali (Amber- katumbas ng isang katulong o tagapangalaga) sa mga gawain sa kusina.

"Me liham! Me liham para kay Adelaide!" sigaw ni Amber Senna sa boung kabahayan kaya natawag nito ang pansin ang mga tao sa loob ng bahay at nagkumpulan agad kami sa comidor.

"kanino galing ang liham?" tanong ni tiya sa ambera.

Agad ko namang kinuha ang sobre na naglalaman ng liham at tiningnang mabuti ang tatak na selyo nito.

"Ang Selyo ay galing sa Umbraska, tiya. Me kamag-anak ba tayo galing sa bayan na yun?" Ang Umbraska kasi ang Kapitolyo ng bansa at ang pinakamaunlad kaya nakakapagtaka lang na me kilala kami dun.

Nagulat naman si tiya sa tanong ko at imbes na sumagot ay tumalikod nalang ito at namaypay ng mas mabilis.

Mas lalo ko pang pingmasdan si tiya, halata kasi sa kilos nito na me tinatago ito. Ang tanong ay kung ano ito? At kung Masasagot kaya ang katanungan ko sa pamamagitan ng  liham na ito? Dahil sa malaking pagnanais ay agad kong binuksan ang liham at bumungad sakin ang selyo ng Kapunuang Panlalawigan.

Ang laman ng liham ay;

Tribuerre!
(Salutation or tribute, pwede ding greetings)

Nais kong ipaalam na ang panahon upang kunin ko ang karapatan bilang administrador ng mga anak ni  Aldo Von Lovus ay dumating na, kamakailan nalaman ko na ang panganay na anak na si Adelaide Von Lovus ay umabot na sa edad ng pagpili, kaya nais kong ibigay sa kanya ang nararapat nyang karapatan bilang isang Von Lovus. Sya ay kukunin ng karwahe sa ikalawa ng Mayo, idedertso sya sa Kesti upang dun nya mapag-aralan ang mga dapat nyang matutunan bilang isang susunod na pinuno ng De Lovus Mercenary. Sana ay makapaghanda ang tagapagngasiwa ng kabahayan ng mga Solon sa pagbabagong magaganap at ihanda rin ang mga gagamitin ni Adelaide o gamit na nais nitong dalhin sa Kesti.

Hanggang sa muli.

Aris Von Peton
Administrador ng Kapunuang Panlalawigan.

Ang reaksyon ng mga nakarinig ay di makapaniwala at si tiya Martha ay di magawang tumingin sa kin ng tuwid.

"tiya. .nais kong malaman ang katotohanan. Paano ako nagkaroon ng ugnayan at karapatan bilang isang Von Lovus gayung isa akong Solon?"

Napapaypay ng mas mabilis ang tiya na tila ba naiinitan ito sa tanong at di mapakali. Ni hindi nito alam ang sasabihin.

"tiya. .nais ko pong marinig ang inyong kasagutan. Ano po ang sinasabi ng liham na ito? At ikalawa ng mayo? Yun ay tatlong araw na lamang mula ngayon."

"aking Adelaide, unang una sa lahat inakala namin ng iyong tiyohin na nakalimutan na ng administrador ni Aldo ang tungkol sa mga anak nito, kaisa pa nung pagpili at walang dumating na liham at sponsorya para sa iyo ay naniwala kaming inangkin na nga ni Von Peton ang pagiging susunod na pinuno ng grupo ngunit ngayon na andito na ang liham nais kong ipaalam sa iyo na inilihim ng inyong ina ang inyong katauhan sa loob ng ilang taon para kayo'y protektahan lamang. Lampas isang dekada na ang nakakalipas ng magkagulo ang mga pinuno ng mga Gangtia na namamahala sa buong bansa kaya sa takot na masali kayo ay itinago ng inyong ina ang totoo nyong katauhan. Ngayon na payapa na ulit ang konseho at mga pinuno hindi namin inakala na darating talaga ang araw na ito."

"kung gayun totoo nga na sng aking ama ay si Aldo Von Lovus? Ang pinuno ng isang mercenaryong grupo dito sa bansa?"

"hija. .masakit man sabihin at malaman pero ooh. .ang iyong ama ay ang maalamat na si Von Lovus pero maari ka namang tumanggi. Ikaw ay nasa edad ng pagpili, maari mong tanggihan ang alok at karapatan mo bilang susunod na pinuno."

"kung gagawin ko yun ano ang possibleng mangyari?"

"pipili sila ng panamantalang tagapamahala hanggang sa. . .""

"hanggang sa?"

"hanggang sa umabot si Anna sa edad ng pagpili."

"kung gayun pano kong tanggihan din ni Anna ang posisyon?"

"ikinalulungkot kong sabihin na dahil sa katapatan ni Mr. Von Peton na hindi man lang naisipang kunin ang posisyon bilang pinuno, itoy nangangahulugan lamang na wala ng ibang magiging pinuno maliban sa mga anak ni Aldo. Kung tatanggi ka wala ng magagawang pagpili pa si Anna kundi kunin ang posisyon. Wala ng ibang Von Lovus maliban sa inyo kaya wala ng ibang susunod sa posisyon kundi kayong dalawa lamang. Ang pagpili ay nasa iyo Adelaide."

Napatitig ako ng husto kay Anna at nakaramdam ng sakit kung sakali mang itoy matatali sa gulo ng Gangtia. Ang tanging pinangarap ko para rito ay isang masaya at tahimik na buhay na malayo sa gulo at anumang panganib. Nais kong makitang malaya ang aking kapatid,malaya sa kalupitan at karahasan.

"kung gayun. .pinipili kong maging susunod na pinuno ng De Lovus Mercenary." Napakuyom ako sa sarili kong desisyon pero wala na akong iba pang pagpipilian. "Amber Senna, Amber Rita. .pakihanda ng aking kagamitan at tatlong araw mula ngayon maglalawig ang aking tadhana. Gawan nyo ko ng damit halintulad sa lalaki. Batid kong di ko na kakailanganin ang magagandang damit na ito."

"masusunod." agad naman na nawala ang dalawa at naghanda para sa nalalapit  kong pag-alis.

"Maari mo ba kaming iwan muna Anna at Amber Dali? Nais kung makausap ng masinsinan ang Tiya."

"ooh naman." nakangiting wika namam ni Amber Dali saka kinuha si Anna at pumasok sa kusina.

Ang Bagong Pinuno (Genesus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon