VIII--Kabanata

33 3 0
                                    

Kinabukasan ay mas rumami ang kasabay kong mga nag-aaral na kasapi ng Von Lovus Mercenary halos pagtinginan kami sa paaralan. Paano kasi lumipat ng iilang aralin at silid ang dalawa pang kaedad kong napili, isama pa ang di mabilang na nagpapalitan sa pagbabantay sa labas ng aking silid depende sa bakanteng oras ng mga ito.

Natapos naman ang araw na wala akong gasgas na natamo at makalipas pa ang dalawang araw ay naging maganda naman ang lahat kaya balik sa dati ang sitwasyon. Tinigil na ang palitang pagbabantay sa klase pati na rin ang magdamag na pagbabantay sa kwarto at paligid kasabay din ng balitang ito ang pag-uwi ni insan galing sa ospital. Kaya sa pagnanais ko na malapit sya ay kumuha ako ng kwarto na mas malapit sa amin kasama na rin ang pagpapalipat ng mga gamit nito galing sa luma nitong tinitirhan. Pakiramdam ko tuloy naabuso ko ang aking impluwensya at yaman sa mga agarang desisyong ginawa ko ngunit sabi rin naman sa'kin ni Neo na mabuti na ang gayun kesa mag-alala ako at mapahamak dahil sa pabigla-bigla kong pagsugod para maligtas ang pinsan ko.

"Salamat sa tulong insan." Nasa silid nya kami ngayon mas maliit ito kesa sa akin pagkat ito'y simpleng silid lang na naadornohan ng kama, lamesa at upuan para aralan, lalagyan ng armas at sariling banyo na nasa gilid lang nito.

"Walang ano man insan. .sana man lang ay sumulat ka at nang nalaman namin agad-agad ang iyong lagay dito sa Academia." Nalulungkot kong sabi Naka benda pa rin kasi ang kaliwang kamay nito at kenakailangan pa nyang gumamit ng saklay pagkat nabugbug din kasi kanyang mga binti at paa.

"pasensya. .nahihirapan kasi akong humanap ng mga mapagkakatiwalaan sa katunayan halos gabi-gabi akong sumusulat kaso ni isa sa mga ito ni hindi ko man lang naipadala."

"Kung ganun wag kang mag-alala, me ipapadala din akong bagong sulat para kay Anna at Tiya kaya maari mo nang isabay dun ang iyong mga liham."

"nagpadala ka ng lihim? Hindi mo dapat ginawa iyon, hindi mapagkakatiwalaan ang mga tao sa lugar na ito. Hi--"

"nagbigay ng kasi ang administrador ng isa pang Demo para mangasiwa sa mga sulat na nais kong ibigay sa'king pamilya at ito rin ang magdadala ng mga sagot sa liham ko Ezequiel kaya wag kang mag-alala. Tapat na mga tao ang angkan ng mga Rev Maku, mapagkakatiwalaan sila."

"Rev Maku? Ang angkan na nagsisilbi sa mga Von Lovus? Ngunit paano? Saka sino ang sponsorya mo't napapasunod mo sila at nagkaroon ka ng malaking impluwensya't sariling mga demo Adelaide?"

Naalala ko, wala nga pala si Ezequil ng dumating ang liham galing sa administrador. Napahugot ako ng malalim na hininga at hinawakan ang kamay ni Ezequil. "Pagkat isa akong Von Lovus insan, nilihim ng aking ina at ni Tiya ang ugnayin ng aming pamilya sa'min ni Anna dahil sa nangyaring gulo ilang taon na ang nakakalipas. Sa katunayan isang linggo mula ng iyong paglisan saka dumating ang liham galing sa administrador na si Ares Von Peton. Nagsasaad ito ng pagnanais na gampanan nito ang papel bilang administrador ng aking pamilya at lumahok ako sa pagpipili."

"Kung gayon ikaw ang susunod na pinuno ng Von Lovus Mercenary?"

"Ooh. .pagkat wala ng iba pang tagasunod, kung pipiliin ko ang kabilang panig at wag maging pinuno maaatas kay Anna ang pagiging pinuno. At dahil wala ng iba pang susunod ibig sabihin lang ay wala nang pagpili ang magaganap."

"Makakaya mo ba rito Adelaide? Marahas at madugo ang labanan dito. Masalimuot at nakakatakot."

"kakayin ko. .pagkat pag sumuko ako ipapasa ko lamang kay Anna ang bigat ng pasaning ito. Ang pasanin ng pagiging bagong pinuno."

"ikinalulungkot ko kung gayun. Batid ko ang pagnanais mo ng katahimikan nuon palang Adelaide at ang pinili mong daan ay isang bagay na alam kong ni sa panaginip ay di sumagi sa'yo."

"tama ka. .pero wag nating tingnan ang sama ng pangyayari insan bagkus sa mas magandang epekto tulad ng pagkakatagpo ko sa'yo at pagkakaligtas. Pinag-alala mo talaga ako ng husto."

"tama. .tama ka nga lagi Adelaide. Tumingin sa mas magandang epekto kesa sa masama. ."

Ngumiti ako sa tinuran ng aking pinsan batid kong kahit papaano nakahanap ako ng makakatulong kung paano malalagpasan ang Academiang ito. Apat na taon pa ang bubunuin ko para makapagtapos. Tamang edad lamang ito para maging husto sa gulang at matuto sa tunay na kalakaran ng mundo.

. . . . . . . . . . .

Ang Bagong Pinuno (Genesus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon