XII-- Kabanata

22 2 0
                                    

...

"Pwesto!" sigaw sakin ni Hassin kaya agad akong pumwesto. "bunot--kalis!" sinunod ko bawat salita na sabihin nya, papatunayan ko sa kanila na kaya ko. Magiging magaling at malakas na pinuno rin ako. "Atake!" Patakbo kung sinugod si Hassin at ilang beses na inaatake. Lagi nya lang itong naiiwasan at nasasangga. Kainis. Ang hirap nyang tamaan.

"Atake!" Grrrr. Isang malakas na atake ulit ang binigay ko ngunit sinalo lang nya. Nagsisimula ng bumigat ang espada at sumasakit ang kamay ko sa pag-hawak dito kaya pag ako ang inatake ni Hassin tyak malalaglag ang espada. "Depensa!" sigaw nya bigla ng agad nya akong sinugod. Agad kong nasangga ang atake pero ang iniwan nitong bakas ay ramdam ko sa kamay. Ang sakit at nakakanginig, at sa isiping hindi pa ginagamit ni Hassin ang bou nyang lakas para atakihin ako ay isang pagkadismaya sakin. Kasi kung ganito na katindi ang epekto nito pano pa kaya pag sineryoso at boung lakas na ni Hassin ang ginamit nito. Ang layo ng agwat ng lakas namin at naiisip ko pa lalo ang aking mga ninuno o ang mga naunang pinuno kesa sakin.

"mata sa laban. .sa susunod di na kita bibigyang babala sa isang atake." mariin nyang sabi. Nakakatuwa kung nung isang araw lang ay nakita kong me pag-aalala at alinlangan si Hassin sa akin dahil nagkasakit ako, ngayon ay wala na. Tanging ang pagiging isang guro ang lumalabas sa kanya ngayon, isang halimaw na guro.

Matapos ang gitgitan ng lakas ay lumayo si Hassin tama lang para makahinga ako at makabalanse ulit. Pero isang kisap mata lang ang nagdaan at umatake ulit si Hassin at kahit na nasangga ko ito ay napatilapon naman ako.

Ang sakit sa pwet. Ni hindi pa naman ako marunong ng ginagawa nilang pag-lipad ng katawan para humina ang epekto at maka-apak ulit ng tama sa lupa.

"Tayo." Tss. Kung naiisip ko na wag sisisihin si Hassin sa pagkakasakit ko ay mukhang nagbabago na ata yun at parang gusto ko ng magsisi sa desisyon kong wag silang pagpalitin ni Neo. Kainis.

Bumalanse ako at pumwesto. Kung lakas sa lakas ay tatalunin ako ni Hassin kaya ang pag-asa ko nalang ay liksi at bilis. Kung paano? Yan palang ang pag-aaralan ko.

"Pwesto. .Atake!" utos ni Hassin pero bago paman ako makatakbo ay biglang nagsalita si Neo sa likoran ni Hassin.

"Tama na yan. .magpahinga muna kayo. ." Lumakad ito papalapit sa akin at binigyan ako ng maliit na tuwalya. "baka mabinat ka pinuno. ."

"salamat. ."

"papalubog na ang araw kaya sa tingin ko tama na muna ang pag-eensayo. Magpahinga ka saka mag-aral mamaya pinuno."

Tumango lang ako at lumakad na papunta sa gusali kung saan andun ang aking silid. Naiwan na nagsasanay si Ezequil kay Neo at si Hassin naman ay umakyat na sa puno at dun na nagpahinga. Ewan ko kung agila o onggoy si Hassin at mahilig umakyat at sa matataas na lugar pero mabuti na ang di magsalita at baka mapahamak pa sa pag-eensayo.

Narating ko ang aking silid na magaan ang pakiramdam. Maliban sa sumasakit na kamay ay maayos naman ang katawan. Sa tingin ko ay unti-unti na akong nasasanay sa mga pag-eensayo kaya may naisip akong idagdag.

Dalawang linggo pa ang bubunuin at pagsusulit na ng boung plebo kaya kelangan kung lumakas. Kasabay din ng pagsusulit namin ay ang mga pagsusulit sa mga nakatataas na antas ng akademyang ito. Magiging bakbakan at mainit na labanan ang pangyayari kaya dapat maghanda.

Ang Bagong Pinuno (Genesus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon