XIII-- Kabanata

33 2 0
                                    

Mabilis na lumipas ang dalawang linggo at lingid sa kaalaman nila Neo at Hassin ay nagdagdag ako ng sariling pag-eensayo. Kelangan kong kahit papaano ay matutong tumayo sa aking mga paa kaya naglagay ako ng pabigat sa aking mga binti para pagtumakbo ako ay mas mahirapan ako. Tumutulong kasi ito na pahinain ka pero papatatagin ang iyong resistensya sa pagtakbo kaisa pay nakakatulong ito sa paghahanda na kahit mabigatan ka pa ay nasanay ka na kaya hindi masyadong babagal ang iyong kilos at takbo. Ginagamit ko din ang pabigat kapag tumatalon ako at umaakyat sa puno ng palihim pati na rin ang paglalagay ng mabigat saking katawan at kamay. Mabigat kasi ang espada kaya nais ko na wag kalimutan ang bigat nito kaya naglagay din ako ng pabigat sa kamay tuwing hindi mapapansin nila Hassin at Neo pati na rin ni Insan.

Araw na ng pagsusulit, magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko. Unang baitang kasi ay ang pagsusulit sa katalinohan, pangalawa ang pisikal at pangatlo ang nararamdaman pero sa unang tatlong taon ang pisikal at katalinohan daw ang hahasain habang sa huling antas na ang emosyonal o pakiramdam.

"Handa ka na ba Adelaide?" tanong ni Ezequil sakin kaya isang ngiti ang ibinigay ko sa kanya sabay hawak ng mahigpit sa espada.

"handa na." sagot ko nalang sa kanya. Kung pagbabasihan sa sout, masasabi kong handa na. Me isang metal na tinatawag na Armor o pananggalang ang sout ko ngayon, ganun din si Ezequil. Naka-tali din ang aking buhok na tinatawag sa dayuhang lingwahe na 'braid', naka-botas at sa mukha at ayos ay handa akong lumaban. Sa mukha lang ha, kasi naiihi na natatae na ako sa kaba ngayon eh.

"pinuno." Si Neo at saglit pa itong yumuko, naka-itim na pula ito pero walang pananggalang ganun din si Hassin at ngayon ko lang napansin pati rin pala si Insan. Ako lang ata ang naka-itim na may pula sa bandang kanang braso taglay ang symbolo ng Von Lovus na angkan.

"anong meron sa kulay?" tanong ko sa kanya, nagsisimula na kasi kaming maglakad paibaba para dumalo sa pisikal na pagsusulit.

"ang kulay ng iyong angkan Pinuno. ."

"kung ganon---" napatingin ako sa paligid at napansin ang iba't ibang kulay sa bawat palapag at taong nakakasabay namin sa paglakad. Me iba naman na kakulay nila Neo at Hassin saka bumuntot din sa amin. Oo nga naman, mga kasapi at tagasunod kasama na ang mga sponsorya ng aking angkan. ---"mukhang ganun na nga." di ko na tinuloy ang naisip kanina. Halata na kasi ang sagot.

"pinuno. ." basag ni Neo sa pagtanaw ko sa mga taong naglalakad papuntang Arena.

Napalingon ako sa kanya.

"Mag-iingat ka sa laban. .hindi kami maaaring makialam hanggat walang sumusuko o natatalo kaya kahit labag sa aming kalooban ay tali ang kamay ng bawat membro ng De Lovus Mercenary." Nginitian ko si Neo bilang tugon sa sinabi nya, alam ko kasing nag-aalala sya para sakin sa laban kasi kahit ako man ay natatakot pero kelangan kong malampasan to. Kelangan.

Niyakap ko bigla si Neo bilang pasasalamat, nang bumitiw na ako nakita ko na nag-iwas ng tingin si Hassin habang namula naman si Neo. Isang taon lang ang tanda nya sa akin, magkasing tanda lang sila ni Hassin pero napakatatag na ni Neo at matangkad din. Gwapo at napakamaalaga, wala na akong mahihiling pa para sa isang demo.

"Salamat." yun lang at nagmartsa na ako papunta sa Arena. Lalaban ako. Lalakas ako at hindi ako susuko. Para sa Von Lovus, para ke Anna, para sa pamilya at kina Ezequil, para sa mga naniniwala sa akin at sa mga sumusunod. Ako ang pinuno nila kaya di ako papatalo.

Nakapwesto na kami sa arena, me ibat ibang kulay at pangkat. Me Pula, me Kahel, me bughaw kahit kulay semento meron at dilae meron din.Me naka-itim naman na galing sa hanay ng mga Dreugan, berde naman ang mga segeto na nagkalat-kalat. Kulay kahoy naman sina Miana, ang kulay ng mga Sayukai. May mga individual din na nagsusuot ng Indigo na ibig sabihin na malaya at wala silang pagkat na kinabibilangan. Naghahalo ang kulay ng Segeto, Driugan at indibidwal, wala kasing grupo ang nga Dreugan at Segeto na kanila talaga. Kilala lang sila bilang iskolar sa academia gayung pagsasanay naman ang sa mga Dreugan. Ang ibang maliliit na pangkat at lokal na gangstia ay may kanya-kanya ring kulay tulad ng mas matingkad pa sa pula o mas maitim naman sa berde at Me kulay mahogany din.

Napakaraming tao at tantya ko lalagpas sa Limang libo ang estudyante sa boung paaralan. Madami na ito pagkat marami ngang pumapasok sa paaralan ngunit marami din ang umaalis. Ang tanging dahilan lamang ng pagpasok nila dito ay ang kakaibang pamamaraan ng pagtuturo dito. Isama pa ang oportunidad na mapili ng ibang estudyante sa hanay ng ibang pangkat. Maari ding pampataas ng ranggo o panghanap buhay pag wala na sila sa academia. Maraming oportunidad dito ngunit marami ding nasasaktan at namamatay.

Pagsusulit ngayon ng boung academia kaya ang Arena ay nahati sa apat. Bawat sulok ay may maglalaban. Hinihiwalay sila ng malalaking pader at ang tanging nasa itaas lamang o ang mga nasa upuan o di pa lumalaban ang makakakita sa kanila. Boung araw ang pagsusulit at matatapos ng isang linggo sa dami ng pares kada antas ay matatagalan talaga ang pagsusulit.

Isang lalaking naka-kulay langit ang tumayo mula sa pitong hanay na nasa pinakasentrong bahagi ng upuan sa arena at nagsalita.

"Tribuerre! Mga manlalahok at mga mag-aaral ng Gangstia Academia, nais kong pormal na salubongin kayo sa unang pisikal na pagsusulit sa taong ito. " Hiyawan agad ang namayani sa paligid matapos nun ay kumaway ang lalaki at tumahimik ulit ang lahat, tanda na magsasalita na sya ulit. --" Ang mga patakaran ay ang mga sumusunod. Ipinagbabawal ang malubhang pag-atake at ang bawat espada ay may pananggalang sa dulo upang maiwasan ang malubhang sugat. Pangalawa, walang sino mang kabilang sa tapat na angkan ng bawat grupo ang maaaring tumulong sa mga lumalaban at naglalaban."--kung ganun ang patakaran patas lang, sa tingin ko buhay pa akong aalis sa lugar na ito.--"Pangatlo, walang idedeklarang talo hanggat walang sunusuko, nawawalan ng malay o namamatay."--Napasinghap ako, kung gayon me namamatay nga talaga sa pagsusulit na ginaganap kada matapos ang dalawang buwan? --" pangapat at pang-huli. .ang pananggalang sa espada ay pinapahintulutan lamang hanggang sa pangalawang antas. .sa pangatlo at pang-apat, matira ang matibay." Mas lalo akong napasinghap sa narinig, matira ang matibay. Napakalupit naman. ----"Ngayon. .simulan na ang pagsusulit!" paglalahad nito kaya mas lumawak pa ang sigawan ng mga tao habang ako naman ay nanghihina. Napatingin ako sa lahat at mukhang lahat sila ay nakikiisa sa isiping matira matibay. Napailing ako. Magiging madugo ang laban kung gayun.

Tumingin pa ako sa paligid hanggang sa mahagip ng aking tingin si Miana na nakangiting nakatingin din sa akin. Sa mukha nya mukhang me iniisip sya at natutuwa sa bagay na yun. Ang tanong ano naman kaya yun?

Nagsimula ang laban. Apat na pares sa iba't ibang antas ang nasa ibaba at nagtutuos. Sa unang antas, kaming mga plebo ay espada ang labanan. Sa pangalawa ay isang palaso naman, sa pangatlo ay isang matalim at mahabang bagay. Ang mukha nito ay isang palasong me dalawang matalim na parte at me hawakan lang sa gitna. Sa pang-apat at huling pantas ay magkaiba ang hawak na armas ng dalawang naglalaban.

Siniko ko si Ezequil at tinanong kung bakit magkaiba ang armas ng panghuling pares. Sinagot nya lang ako ng ..' ang panghuling antas ay pinauubaya na gumamit ng kung ano mang uri ng armas na hiyang silang gamitin. Dito masusubok kung sino ang magaling kahit magkaiba man ng armas. .malaki man o mas maliit ang tunay na lakas ay wala sa armas kundi sa gumagamit nito.'

Napatango nalang ako sa sinabi ni Insan. Pano ba naman ang hirap namang kumuntra gayong ganito ang kanilang pamamaraan ng pagsusulit.

Ang mga bagohang tulad ko na naglalaban ay nagkakahinatayan lang dahil sa pagod at bugbog pati na rin ang sa pangalawang antas. Ang sa pangatlo at pang-apat naman ay madugo. Matataas kasi ang ihi ng mga manlalahok at walang sumusuko hanggang sa may dumudugo, napuputulan ng kamay o braso pati na rin ng malalaking sugat. Di ko tuloy maisip kung mabubuhay pa ba sila o iilan na lang ang makakatapos sa kanilang antas. Tsk. Napakabrutal nilang lumaban. Walang awa at walang pakundangan.

*******
Vocubulary

Itim na pula -- dark red o Maroon.

Ang mga naka-kulay langit o sky blue ay mga Mistura o ministro ng Academia bawat isa ay galing sa iba't ibang pangkat o Gangstia.

Ang Bagong Pinuno (Genesus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon