XII - Kabanata

30 1 6
                                    

..
Tribuere!

Kung me nagbabasa man nito. Pasensya na at inabot ng isang siglo ang aking pag uupdate. Me ginawa na kasi akong mga parte di lamang ng storyang ito pati na rin sa iba ko pang likha. Sa kasamaang palad ng buksan ko ang "wattpad" ay ni "re login" ako dahilan para mawala lahat ng "unpublished chapters" ko. Kaya nawalan ako ng gana magsulat ulit ng isang taon. Isama pa na nabura ang isang "completed action story" ko kaya nag-awol ako sa pagsusulat.

Pagpasensyahan nyo na ang aking pagdaramdam. Ganun talaga pag nawala ang mga bagay na iyong pinaghirapan. Masyadong masakit. Hugot.

Tssk.

Ang iyong nasaktang tagasulat,

Jhay --

.  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .  .

Tatlong araw na ang nagdaan simula nong sinabi ni Neo na minarkahan ni Hassin ang kanyang katawan. Kaya lagi kong naiisip kung anong koneksyon nun sa mukha ni Hassin. Wala naman kasi akong napansing marka sa kanyang mukha. Siguro hindi ko ito nakita o napansin dahil nalalasing ako sa pagtingin sa kanyang mga mata? O pwede ring dahil sa mga labi. Ugg! Kung saan saan talaga lumilipad ang aking pag-iisip. Gusto ko lang idugtong ang rason na ibinigay ni Neo sa akin at sa rason kung bakit nakatakip ang kalahating mukha ni Hassin. Maaring kasing hindi ko lang napansin ang marka sa kanyang mukha dahil medyo madilim ng gabing yun. Isa pa ano naman kasi ang konekta ng mukha ni Hassin at ng kanyang kahinaan at  ng marka?

Hindi ko makuha ang punto eh.

Ang gulo.

Nakakatamad na mag isip. Pero kasi gusto kong mahanap ang marka sa mukha ni Hassin.

O baka naman, gusto mo lang talaga makita ulit ang mukha nya at ginagawa mo lang dahilan ang marka para lang makalapit sa kanya ng hindi natotosta ng buhay?

Tsk. Malala na talaga ata ang sira sa aking ulo at yun pa talaga ang aking iniisip imbes na makinig sa klase ni Ministro Pon. Mahirap pa naman memoryahin ang anatomiya ng katawang tao maliban nalang kung mukha iyon ni Hassin--- teka bat ba ulit bumabalik sa kanya ang punto?

Malalala nato. Malalang-malala na ito.

"Insan" tawag sa akin ni Eze sabay tapik sa balikat ko. Ni hindi ko sya napansin at dahil masyadong malalim ang aking iniisip kaya nagulat ako sa pagtawag nya at biglaan nyang pag tapik sa akin.

"Ay mukha ni Hassin!" gulat kong nasambit at agad na napatingin kay insan na kasalukuyang nakataas ang isang kilay na tila ba nang-iinis o ano.

Bigla namang namula ang mukha ko ng mapagtanto ko kung ano ang aking nasabi.

Anak ng tipaklong at tupa! Ayan kasi lumilipad ang utak!

"Tinawag mo ba si Hassin insan?" panunudyo nya pa sa akin. Kasabay nun ang pagtingin ko sa paligid at napagtantong nasa tabi ko lang ang taong yun. At mas masaklap pa ay nakatingin lang sya sa akin. Ni hindi ko man lang mabasa ang ekspresyon nang kanyang mukha maliban sa maliit na galak na sumilay sa kanyang mata. Kung ano ang dahilan, wala akong alam. Isang bagay lang ang alam ko.

Nakakahiya to.

Nakakahiya talaga ito at ang tanging konsolasyon ko nalang dito sa pangyayari ay dahil wala ng ibang tao sa loob ng silid aralan para makasaksi sa nangyari. Natapos na pala kasi ang klase kanina pa. At nagpaalam narin si Neo sakin saglit na aalis. Ako nalang pala ang hinihintay ng dalawa.

"Uhm." napatikhim ako sabay tumayo at naunang naglakad na para bang walang nangyayaring kakahiya sa loob.

Ibabaon ko sa limot ang nangyari kasi kung hindi baka kasi ibaon ko ang sarili ko mismo sa lupa para mag tago.

Binilisan ko ang paglakad papalayo sa kanila ng biglang may makasalubong ako.

"Ay kabayong palaka!" gulat kong nasabi.

Tinitigan lang ako ni Hassin na para bang normal lang na makita nya ang kanyang pinunong lumalayo sa kanya at nagtatago, sana?

Nagsisimula na sana akong mamula ng sirain ni Hassin ang "mood" nang bigla syang magsalita.

"Training." Sabi nya pa sa wikang banyaga na kung itutumbas ko sa salita natin ay -- parusa.

Sino ulit me sabing gusto kong ibaon ang sarili ko sa lupa? Ngayon kasi parang gusto ko siya ang ibaon sa lupa.

Katapos nun ay naglakad na sya palayo sa akin at nagsimula na naman ang walang kataposang pag sasanay.

. . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Takbo!" utos sakin ni Hassin kaya tumalima ako. Nalilibot ko na ata ang boung Academia sa pagtatakbo, sa aking pagkakaalam ay isang daang *erato ang lawak nito.

Hinihingal na ako. Ilang beses ko bang kelangan libutin ang plaza ng academia para masiyahan ang aking gurong kasalukuyang nasa puno na naman, nakahiga sa may sanga at malamang nagpipyesta sa pag hihirap ko.

Kainis.

Takbo. Takbo. Takbo. Takbo.

"Salo!" sigaw ni Hassin sabay hagis ng dalawang espada sa'kin.

Nabigla man ako saglit ay nasalo ko naman ang espadang itinapon nya sa akin ng madaan ako sa punong pinupugaran nya.

"Sinabi ko bang tumigil ka? Takbo."

Pinagulong ko talaga ang mata ko sa pagkakataong yun at tinitigan sya ng masama saka tumakbo ulit ng walang pakundangan.

Sasali ba ako sa paligsahan ng pagtakbo? Tsk.

Takbo. Takbo. Takbo. Takbo.

"Gulong. Takbo at talon."

Oh hindi ba. Sabi ko na. Pinanganak na me galit sa akin si Hassin.

Pero kahit ganun. Gumulong ako saglit. Tumakbo at tumalon saka tumakbo ulit.

Takbo. Takbo. Takbo. Takbo.

"Gulong."

Ay naku!

Gulong. Takbo. Takbo. Takbo.

"Talon."

Manikang de susi ba ang pagtingin nya sa akin at ganito sya mag utos?

Kainis.

Talon. Takbo. Takbo. Takbo. Takbo.

"Hinto."

Takbo. Takbo. Takbo. Takb --- teka me sinabi ba sya? At bago ko masagot ang tanong ko bigla nalang akong napatid at napahalik sa lupa.

Minsan mas masarap humalik sa lupa. Kasi mabuti pa ito hindi ka pinapatay sa pagsasanay matapos mo itong makahalikan.

"Tayo."

Sabi ko nga. Tayo. Pero enenjoy ko kasi ang lupa. Kahit hindi malambot at walang kutson para narin kasi akong nagpahinga.

"Tayo." pag-uulit pa ni Hassin na tila may bahid na ng pagka irita.

Sungit. Suplado. Argh! *Embredo!

Tumayo ako at nagpagpag ng dumi saka humihingal na humarap sa kanya.

Sumasakit na ang mga paa, tuhod at binti ko sa katatakbo. Kaya kahit pagtayo lang ata ay bibigay na ang katawan ko.

"tatlumpong minuto." yun lang ang sinabi nya at umalis na agad. Habang naiwan akong napakurap ng ilag beses at iniisip kung anong meron sa tatlumpong minuto.

Aah! Oras ng pahinga. Me tatlumpong minuto akong oras na magpahinga.

Napahinga ako ng malalim. At sumalampak sa lupa. Kailan pa naging komportable ang lupa? Pakiramdam ko kasi ayaw ko ng humiwalay dito at dito nalang manirahan.

Napapikit ako habang nakahiga parin sa lupa. Binalewala ko ang dumi at kung ano man. Masyado akong pagod para mag inarte sa oras na ito. At bago ko pa namalayan nakatulog na ako sa lupa.

. . . .   . . .   . .     . . . . .

Vocabularyo:

Erato : katumbas ng isang hektarya.

Embredo : Tarantado, o ano mang tawag sa lalaking walang kwenta, masama at marami pa. :)

Ang Bagong Pinuno (Genesus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon