Naglalakad ako kasama sina Hassin at Neo papuntang klase. Nakatakda kasi namin pag-aralan sa Academia ang kasaysayan ng bansa, ang stratehiya ng pakikipagdigma, at ang ibat ibang uri ng Martial arts at paggamit ng armas pati na rin ng mga bagay na maaring magamit sa pakikipaglaban tulad ng scientia at iba't ibang lingwahe bilang pakikipag-ugnayan sa mga tao sa ibang bansa.
Unang naming pinuntahan ay ang Armory. Maliban sa espada ng aking ama ay pinapipili ako ng dagdag na armas. Andito kasi nakalagay ang mga baril, pana, palaso, espada, bomerang, ninja stars at ibat ibang uri pa ng metal at patalim, may mahahaba, mabibigat at maliliit na metal pero lahat ay matatalim.
Napasinghap ako sa nakita at mas lalong nakaramdam ng takot sa lugar na ito. Para kasing ang buhay ay parang isang basura lang na pwede lang itapon ano mang oras o parang isang bula na andyan ngayon mawawala na mamaya.
Pero kelangan kong pumili, kelangan kong maging mahusay na pinuno at sa aking makakaya susubukan ko kahit papaano ang wag kumitil ng buhay.
Tiningnan ko ang mga armas at ang katakot takot nilang talim na kahit tingnan mulang ay mararamdaman mo na ang lalim ng sugat na pwede nitong gawin.
Nagpalipat-lipat ang aking mga mata sa mga armas at nakita ang isang puting tela na nakasabit.
"kasama ba ito sa mga armas?" tanong ko sa mga tagapangasiwa.
"opo. .iyan po ang Drumbana, ang tela nito ay gawa pa sa ibang bansa at walang kasing tibay. Kaya nitong sumalo kahit matatalas na espada at pinaniniwalaan na me kung anong hiwaga ang bumabalot dito dahil hindi ito napuputol o nahihiwa man lang."
"me mga nagmamay-ari na ba ng Drumbanang ito?"
"wala po at walang nag-iisip na gamitin ang drumbana. Mahirap kasi kontrolin ang isang bagay tulad ng isang tela kaisa pa ang drumbana ay gamit sa pangdepensa at hindi masyadong gamit sa pag-opensa."
"kung gayun. .ito ang kukunin ko."
Halatang nabigla ang tagapangasiwa sa aking sinabi, napansin kong tinitigan pa nya ako ng mataman upang makasigurado.
"Dreume Von Lovus, naiintindihan mo ba ang aking sinabi?"
"Sigurado ka ba dyan pinuno?" tanong naman sakin ni Neo, si Hassin naman ay tahimik lang na nagmamasid samin, pakiramdam ko tuloy naghihintay lang ito ng pagkakataon na magkamali ako.
"bou ang aking pasya. .nais ko ang Drumbanang ito. Ilan meron kayo nito?"
"A-ah. .dalawa lang po ang Drumbana Dreume wala na po kasing gumagamit at nagbebenta nito."
"kung gayun. .nais kung kunin ang dalawa. .magkano ba ang presyo nito?"
"limang daang lucre, Dreume."
"kukunin ko. ." pero naalala ko bigla na wala pala akong ganon kalaking pera kaya pinalapit ko si Neo at binulungan.
"Sagot ba ng administrador ang mga gastosin ko sa Academia?"
"opo pinuno."
"kung gayun, me kaya syang bayaran ang drumbana diba?" Nag-aalangan kong bulong kay Neo habang narinig ko naman na tumawa ng bahagya si Hassin. Naririnig nya ba ako? Lakas ng pandinig nya kung ganun.
"wag na po nyong abalahin ang iyong sarili sa bagay na yan pinuno. Ang administrador na po ang bahala dyan." tumango naman ako at umayos ng tayo saka nginitian ang tagapangasiwa.
"kung ganun maari mo nang dalhin ang Drumbana ang bayad ay ipaparating nalang namin sa tanggapan ng mga Von Lovus."
"salamat." nakangiti kong sabi sabay tanggap ng Drumbana. Ang lambot ng tela nito at napakaputi, me mga borda din ito na kulay ginto dulo hanggang dulo.
BINABASA MO ANG
Ang Bagong Pinuno (Genesus)
ActionSa isang bansa kung saan ang pangunahing trabaho at produktong eni-export ay talino sa pakikipaglaban, tauhan, tagapagtanggol at ibat ibang mercenaryo, paano pa kaya magkakaroon ng pagpipilian ang mga tao na piliin ang tahimik na buhay? Pero paano m...