VI--Kabanata

47 3 0
                                    

Nasa labas kami ngayon at kumakain ng tanghalian, ang laki at ang lawak ng comidor ng paaralan at nakakaya nitong akomodahin ang napakaraming estudyante. Nakakamangha ding tingnan ang mga tao dito. Iba-iba kasi, me grupo na minsan ay nananakit ng mga kawawa, me mga Dreume, Segeto, Deriugan, normal na estudyante at iba pa.

"Pinuno. ." pigil sakin ni Neo, kakain na kasi sana ako ngunit kumuha muna ito ng ilang pagkain mula saking pinggan at kinain. Ininuman din niya ang aking inumin.

"aah. .me pagkain ka naman bakit ka nang-aagaw Neo?"

"tinitikman ko lang ko me lason ang pagkaing inihanda pinuno. Kumain na po kayo."

Napatigil ako sa sinabi nya, possible ba talagang maglagay ng lason ang mga kaaway sa aking pinggan?

"si, si Miana Von Luis, sino sya? At ano ang Sayukai?" di mapigilang tanong ko ng maalala kong sinabi ni Hassin na isa silang kaaway.

"kalabang mercenaryong grupo ang Sayukai. .dating matalik na kaibigan at nagsisilbi bilang isang kanang kamay. si Paul Von Luis sa inyong ninuno ngunit ng magkaroon sila ng away ay pinagtaksilan ni Von Luis ng inyong angkan at agad na umalis kasama ang kanyang mga tapat na tauhan at bumukod, itinatag nila mula nuon ang Sayukai. Ilang henerasyon pa ang nakalipas ang gitgitan sa inyo at ng pamilya Von Luis ay nanatili kaya hindi po ligtas sa inyo ang lumapit kay Miana lalo pat mas naging matindi ang hidwaan ng inyong pamilya sa makalipas mahigit isang dekada na ang nakalipas ng akusahan ng mga Sayukai ang iyong angkan sa pagdukut at pag paslang sa tagapag-mana ng mga ito. Sa pagkawala ng kanilang anak ay nalungkot ang asawa ng kanilang pinuno at nagkasakit matapos nun ay pumanaw ito. Nagsimula ang matinding away na dahilan upang pumagitna na ang Imperio at binuo ang konseho ng mga gangstia naglalayun ito na ihiwalay ng teritoryo at lagyan ng batas ang mga membro pati na rin ang iba pang bagay. ."

"alam mo ba kung anong pinag-awayan ng aming mga ninuno? At kung nakita ba talagang pinaslang ng aking angkan ang kanilang anak? Maari kasing me iba pa silang kaaway na nag-nanais na makaganti sa kanila. Bakit sa aking angkan agad ibinato ang kasalanan?"

"walang nakakaalam pinuno. .ang away ay ilang henerasyon na ang lumipas para malaman pa at ang magkabilang panig ay parehong nagtuturuan lamang."

"kung gayun wala bang pag-asa na maging kaibigan ko ang isang Von Luis?"

Isang iling lang ang isinagot sakin ni Neo habang isang mahiwagang titig ang ibinigay sakin ni Hassin, hindi ko kasi mabasa ang nasa isip nito o ano mang symbolo ng kanyang pagtitig.

Nakaramdam ako ng panghihinayang sa pangyayari. Nakakaramdam pa naman ako ng kagustohang baguhin ang kalakaran ng aming angkan at isaayos ang mga gulo pero mukhang mahirap magsimula kung ang hidwaan ay nagmula pa daang taon na ang nakakalipas.

Sinusubukan ko nalang limutin ang mga yun, wala akong magagawa sa ngayon kaya mas mainam na harapin ang problema ngayon kesa ang problemahin ang problema ng bukas. Kasi kung saka-sakali man kelangan ko lang maging malakas para magawa ang nais ko kaya dapat ang pagiging malakas ang iniisip at inuuna ko sa ngayon.

"Tama nah! Ayoko na! Maawa na kayo!" yun ang pumutol saking pagmumuni-muni at agad na napalingon sa labas ng kainan. Me isang lalaking pinagkukumpulan ng mga lalaki at pinagkakatuwaan.

"ayaw ko na! Maawa na kayo sakin!"

Napatayo ako sa nakita ko at tumakbo papalapit, sinubukan akong pigilan ni Neo pero nakawala ako. Lumakas kasi bigla ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses ng nagmamakaawang lalaki.

"Ezeqiel!" napasigaw ako ng makita na tama nga ang aking pandinig pero nasa ere na ang isang metal na ginawang pamalo ng mga lalaki kaya sa aking taranta ay nahigit ko ang Drumbana at malakas na inihagis. Kumapit agad ito sa metal kaya hinila ko pabalik ang drumbana. Agad naman itong bumalik na para bang me sariling isip kaya nahawakan ko ang pampalong metal. Nakaramdam agad ako ng galit at awa para sa aking pinsan kaya tumakbo ako papalapit sa kanya. Lumusob din ang mga lalaki at iniwan ang aking pinsan na halos duguan na sa damuhan.

Nakaramdam ako ng lakas na lumaban pero bago pa man kami magpang-abot ng mga lalaki nakaramdam ako ng dalawang mabilis na hangin saking gilid at isang kisap mata lang ay nakita kong duguan na ang mga ito.

"Hassin. .Neo." nakita ko kung gaano nila kabilis pinatay ang mga kalaban. Sa sariling mga mata ko nakita ko kung paano walang awa at walang pagdadalawang isip na pinatay nila ang limang lalaki.

Napakurap ako at di makapaniwala. Patay na sila. Patay na sila ng ganun na lang.

"Pinuno!!" narinig kong magkasabay na tawag sakin ng dalawa pero di ko sila matingnan. Ang tanging nakikita ko ay ang mga katawang wala ng malay ngayon. Mali, ang mga katawang wala ng buhay ngayon. Pula at itim, bigla silang naghalo at nawalan na ako ng malay pagkatapos nun.

. . . . . . . .
Vocabulary

Segeto-- mga eskolar na estudyanteng naanyayahan dahil sa galing sa pakikipaglaban, isa sila sa mga pinili ng paaralan kahit hindi sila kumuha ng pagsusulit. Karamihan din sa mga ito ay galing ng ibang bansa.

Deriugan-- isang sinasanay na militar o galing sa hanay ng mga militia at hukbong galing sa Kapunuan ng Depensa.

. . . . . . . . .
A/N: ito ay academia ng mga ganster sa boung mundo kung saan ang mahina ay talo ng malalakas kaya natural lamang po na may patayan. Ang thema ng storya ay aksyon at love story pero dahil sa ito ay nakapaloob sa isang magulong era kaya marami po talagang patayan. Kaya sana po ay okay lang kayo dyan. ;)

Ang Bagong Pinuno (Genesus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon