Tatlong araw ang mabilis na lumipas at isang magarang karwahe ang dumating para sunduin ako, nakuha ng karwahe ang pansin ng mga tao na nagkatinginan sa symbolong dala nito at sa banderang nakakabit dito.
Sa loob naman ng bahay habang ako ay nagpapaalam ay namayani ang katahimikan mabigat kasi ang loob ng mga Ambera at ng aking tiyahin at tiyohin pati na rin ng aking nakababatang kapatid pero ang pagpili ay nangyari na at kelangan panindigan ko iyon.
"babalik ako." matatag na pangako ko sa'king kapatid. Masakit para sa akin ang iwan ito pero para rin naman ito sa kanya. Sa puso ko at isip alam kong ang aking paglisan ay panamantala lang at sisiguraduhin ko yun.
"hindi ba ako pwedeng sumama sa'yo Abi?" (abi-Ate) umiiyak na tanong ni Anna sa kin na mas lalong pumipiga sa puso ko.
"malayo ang aking lalakbayin at hindi pinapayagan ang mga malilit na batang tulad mo. Pero wag kang mag-alala susulatan kita palagi."
"pero gayundin ang wika ni Unbo sayo ngunit isang linggo na ang lumipas ne isang liham walang dumating. Di kaya sa layo ng Kesti ay naliligaw ang mga sulat?" inosente nitong tanong sakin na kahit papaano ay nakapagpangiti sa mga taong nakasaksi.
"sisiguradohin ko sayong ni isang liham ay walang maliligaw. Asahan mo yan."
"pangako?" nangingislap na tanong ni Ana sakin saka inilabas ang kanyang hinliliit.
"pangako." saad ko naman sabay labas din ng aking hinliliit para selyohan ang aking pangako.
Matapos nun ay lumabas na si ako na iba na ang kasuotan sa karaniwang babae, naka sumbrero akong pang cowboy, nakakapantalon na tenernohan ng isang bootas hanggang tuhod at isang puting damit na hanggang siko lang ang haba me sukbit din akong isang espada na nagdadala ng ngalan ng aking angkan, ang mga Von Lovus.
Paglabas ko pa lang ay nakita kong nagsipagkumpulan ang mga tao at nagulat ni hindi siguro nila inaasahan na ang isang ulilang tulad ko ay may isang sponsorya mula sa kilalang pamilya.
Napabuntong hininga muna ako at napatingin sa tahanan ko sa loob ng ilang taon. Pakiramdam ko ang bigat ng bawat hakbang papalayo sa aking kinagisnang tahanan.
"Pinuno." salubong ng isang Demo habang binubuksan ang pinto ng karwahe. (katumbas ito ng attendant, alalay,butler o bodyguard o kung ano mang lalaking naglilingkod ng personal sa isang tao). Maaliwalas ang mukha nito at bakas sa pangangatawan na sabak ito sa trabaho hindi tulad ng kay insan, gayunpaman hindi rin nabawasan ng pagkabilad sa araw ang kagwapohang taglay ng binata. Mas nagpatingkad din sa kakisigan nito a
ang dalang dalawang espada na nakasukbit sa kanyang likoran.
Napailing ako sa iniisip.
Nginitian ko lang ito bilang tugon sa kanyang pagsalubong sa akin, pakiwari ko kasi'y mas matanda lang sya ng konti sa'kin at di ko alam kung papaano ko sya kakausapin.
"ako si Neo Rev Maku, ang iyong personal na Demo.. Kasabay nyo po akong papasok sa Kesti. Karangalan ko po ang mapili upang maglingkod sa inyo, Pinuno." taimtim nitong sabi habang ang kamay ay nakakuyom at nakalagay sa dibdib sabay yuko ng konti.
"Adelaide So--" napatigil ako sa sasabihin ko at naalala na hindi na pala yun ang aking pangalan." Adelaide Von Lovus. .ikinagagalak kong makilala ka. ."
"nasa akin ang karangalan pinuno. .at nagagalak sa inyong pagpili."
Pumasok na ako sa karwahe at sumunod naman sya sa akin ng makaupo na ako ng matiwasay ay nagsimula ng lumarga ang karwahe. Napatingin na lang ako sa aking tahanan at napasagot ng wala sa loob.
"ako'y hindi. .inaayawan ko ang gulo at karahasan. Inaayawan ko ang sakitan at madugong laban. .at mas inaayawan ko ang iwan ang aking tahanan. "
"pero pinili nyo parin po--"
"iyon ay dahil sa aking kapatid. Mas nanaisin ko pang ako nalang kesa sya pa ang mahirapan." Binalik ko ang tingin sa binata."Sya na lang ang aking pamilya, hindi ko kailanman nanaisin na mapahamak sya."
"napakabait nyo po pinuno. Sana nga lang ay di kayo magbago pag dumating tayo sa kesti."
Napaangat ang kilay ko sa kanyang tinuran. "anong ibig mong sabihin?"
"Gangtia ay isang lugar ng pagpupurga at pagsasanay pinuno. Ang mahina ay di nagtatagal dun at dahil sa pinili nila ang landas na yun nang makapasa sila sa unang pagsubok ibig sabihin po ay tinatanggap nila ang ano mang pamamaraan ng paaralan."
Napakunot lalo ang aking noo, sa pagkakaalam ko kasi ang pagpili ay nagsisimula sa isang pagsubok, me palakasan at patalinohan, ang isa pang pagpili ay tulad nya. Ang mabilang sa mga sunod-lahi ng mga pinuno o makakuha o masponsoran ng mga ito. Tapos ng unang pagsubok ang sino mang makapasa ay binibigyan ng pagkakataon na pumili at karamihan sa mga pumapasa ay pinipili ang maging kabilang at maging estudyante ng timagurian Ganstia Academia (Gangster Academy).
"maari bang mas maging malinaw ka Neo?"
"isa lang po ang ibig sabihin nun pinuno, ang mahihina kung mananatiling mahina ay dalawa lang ang mangyayari. Una kung swertehin ay makauwi, buhay man o me kapansanan na at pangalawa ang mas masaklap ang mamatay mismo sa paaralan."
Kinabahan ako bigla sa narinig at naisip ang aking pinsan at napatanong kung ano na kaya ang nangyari dito? Buhay pa kaya ito?
Nakaramdam ako ng takot bigla para sa pinsan at saking sarili. Hindi ako marunong lumaban at napakahina ko ang tanging alam ko lamang ay magluto at syempre ang tumakbo ng matulin, kaya paano ko makakaya ang mabuhay sa Academia?
"wag po kayong mag-alala pinunu.". Basag niya saking iniisip na para bang nababasa ang aking mga agam-agam.--" Ako po ay direktang naatasan para maging iyong Demo. .buhay man nakahanda akong itaya para sa'yo pinuno."
Napatitig ako sa kanya at nais magtanong pero mas minabuting wag nalang. Kasi nag-aalinlangan ako kung paano ako nito ipagtatanggol kung pareho kaming baguhan sa laban at sa academia?
. . . . . . . . . . . . .
A/N:
If someone is reading this hehe. .sinong talented na pwedeng pakisuyuan na pagandahin yung story cover? O Gumawa ng story cover? Peace. But please do if interested you can PM me or reach me.
BINABASA MO ANG
Ang Bagong Pinuno (Genesus)
AksiSa isang bansa kung saan ang pangunahing trabaho at produktong eni-export ay talino sa pakikipaglaban, tauhan, tagapagtanggol at ibat ibang mercenaryo, paano pa kaya magkakaroon ng pagpipilian ang mga tao na piliin ang tahimik na buhay? Pero paano m...