IV-- Kabanata

65 3 0
                                    

Unang gabi ko sa kwarto kaya hindi ako makatulog. Kaya nagpasya nalang akong magsulat para sa aking kapatid na si Anna.

Tribuerre Anna,

Mabuti akong nakarating sa Academia at maganda naman ang aking silid, maganda ang aking kalusugan at pangangatawan at sana ay gayundin kayo. Susulat ako lagi tulad ng ipinangako at uuwi agad kapag nagkaroon nang pagkakataon kaya wag kang mag-alala para sa'kin.

Nag-mamahal,
Iyong Abi Adelaide.

Senelyohan ko ang liham saka tinabi kinabukasan ko na ito ng umaga mapapadala makikisuyo nalang siguro ako.

Matapos kong itabi ang liham ay napabuntong hininga ako. Nasaan na kaya ang tapang na tinipon ko sa pagpunta rito? Pakiramdam ko kasi lahat ng tapang nagsitakas sa loob ng katawan ko simula ng makita ko ang mga estudyante dito. Paano kaya ako bukas? O sa susunod na bukas? Kaya ko kayang harapin ang pagsubok bilang isang Pinuno? At kaya ko kayang maging isang pinuno? Binabagabag ako ng mga katanungang ito, ano nga naman kaya ang kayang gawin ng isang mahinang katulad ko? Naisip ko na rin na Oo matapang ako pero hindi ko maikukubli ang katotohanan na isa lang babae at di sanay sa karahasan. Ang gulo, ang sakit sa ulo. Makatulog na nga lang.

Kinaumagahan ay maaga akong bumangon nais ko kasing magluto ng almusal.

Umagahin palang, malamig pa ang hangin at medyo madilim pa sa labas ng sinilip ko ang bintana at dahil walang ilaw ang nakasindi at sirado ang mga bintana at natatabingan pa ng mga kurtina kaya napaka dilim din sa loob ng mga silid kaya upang di ako makaistorbo ay tahimik kong tinunton ang kusina nang sa salas palang ako ay biglang may kung anong mahinang bagay na nahulog sa itaas makaraan nun ay isang malamig at matalas na metal ang nasa aking lalamunan.

Napakurap ako ng ilang beses, napatigil at biglang napako sa king kinatatayuan. Pakiramdam ko pa nga'y nanlamig ang aking boung katawan at lumabas ang malalamig na butil ng pawis sa aking noo.

"Ikaw pala." biglang nagsalita yung lalaki saka ibinaba ang espada. Si Hassin lang pala! Nakahinga na rin ako ng maluwag ni hindi ko nga napansin na napigil ko pala sandali ang aking paghinga.

"anong nangyayari?" Bigla naman lumabas si Neo at pinaandar ang mga ilaw. Naka-pantalong puti lang ito at walang damit pang-itaas may dala din itong espada na hindi pa nahihigit sa lalagyan. Halatang nagmamadali ito.

"wala. .nagising ko lang ata si Hassin." diin ko pa sa salitang nagising saka tumingin kay Hassin na hindi man lang kumurap sa pagkakatitig sa'kin. " saan ka nga ba natutulog Hassin?"

Tumingala lang si Hassin at itinuro ang kanyang kuta. Nasa itaas itong bahagi, parang sa isang Ceiling na may isang parteng nakatago. Langgam ba ito at may pugad sa itaas?

"Nagmula si Hassin sa grupo ng mga Seirin pinuno, normal sa kanya ang matulog sa matataas na lugar tulad ng puno at kisame."

"aaahh. ." ang tanging sagot ko nalang mukha kasing ang dami ko pang dapat pag-aralan. At ngayon palang nakakasakit na ng ulo ito. Ang hirap pala maging pinuno.

Napalingon ako kay Neo, me sasabihin sana kaso naiilang ako sa kanyang sout kaya tumalikod nalang ako.

Nakaramdaman din ako ng biglang pag-init sa king pisngi kaya dumeretso nalang ako ng lakad papuntang kusina.

"anong ginagawa mo?" napatalon ako sa tanong ni Hassin di ko kasi narinig na sinundan nya pala ako. Nilingon ko sya bahagya.

"Magluluto ng agahan."

"ako na ang magluluto." kinuha nya sakin ang hinahawakan kong kawali.

"hindi na. .ako ang babae at gawain namin ito." hinila ko ulit yung kawali sa kanya.

"ikaw ang pinuno. Kaya hindi mo gawain yan." at hinila nya ang kawali. Ang kulit ng lalaking ito.

"Ang kulit. .ako na sabi pagkat ito'y aming mga gawain."

"mas makulit kayo, Pinuno." at diniinan pa nito ang salitang 'pinuno'.--"ako na nga, tungkolin namin ang paglingkoran ka."

"tungkolin nyo rin na sundin ako kaya lulubusin ko na ang pagiging pinuno ko sa'yo, kaya inuutusan kitang lubayan mo ako sa oras na ito dahil Nais kung magluto." Nagmamaldita kong utos sa kanya, hindi ko na kasi matiis ang pagdidiin nya sa pagiging pinuno ko na para bang lahat nalang ay may pananagutan ako. Kasalanan ko bang pinanganak akong isang Von Lovus?

"Hayaan mo na ang pinuno Hassin." salo pa ni Neo sakin kaya nginitian ko ito bilang pasasalamat na ikinagulat naman nito at napaiwas ng tingin. Si Hassin naman nakita ko lang na umalis at bumalik ata sa pugad nito.

Naaawa man ako ay nakaramdam pa rin ako ng maliit na tagumpay sa nangyari. Nakakainis kasi minsan ang asal nito na kulang nalang isumpa ako bilang isang pinuno na kung pwede lang palitan ay ginawa na ata nito.

Ang Bagong Pinuno (Genesus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon