Bagong araw ulit, takbo ulit ng limang kilometro at kahit na masakit pa ang katawan ko kelangan ko paring tumakbo. Matapos nun kumain kami, nakakagutom at napapalakas ako ng kain isa pa sasabak pa ulit kami sa iba na namang pangunahing Aralin ng espada, dalawang linggo ang pagsasanay, sa susunod na dalawang linggo kasi ay ang tinatawag nila na pagsasanay para sa pangalawang antas. Tuturuan ng iba't ibang istilo ang mga mag-aaral hanggang sa hahayaan na nila kayo na magsanay at palakasin ang inyong sariling istilo sa pakikipaglaban o di kaya humanap ng Connosiour ng mga espada at mas matuto pa hangang sa susunod na dalawang taon o kung kelan mo gusto.
Si Hassin pa rin ang magtuturo sa'kin ng espada at si Neo kay Ezequil. Ang daya naman kasi me alam na sila sa pag-eespada at pagdudwelo habang kami bagohan pa. Pagkwento kasi ni Neo na limang taon palang daw sila nang sinimulan silang sanayin kaya napahiya tuloy ako sa iniisip ko dati na di ako maipagtatanggol ni Neo.
"Handa. Bunot!" utos sakin ni Hassin kaya binunot ko ang espada. Hindi ito umimimik sa ginawa ko kaya nagtataka ako kung nagawa ko ba ng tama o hindi.
Pinabalik nya ang espada sa lalagyan at pinaporma ako. Napangiti ako sa ginagawa nya.
"anong nakakatawa?" tanong nya sakin.
"wala." pinigil ko ang aking sarilli na wag mangiti pero kahit papaano ay umaalpas parin ang ngiti sa labi ko.
"anong nakakatawa? Magsalita ka kung ayaw mung mas maging mahigpit ang iyong pagsasanay."
Napasimangot ako. Ang tindi talaga nya, ni hindi na nga nya ako tinawag na pinuno, na minsan nya lang naman ginagawa, mas pinapahirapan nya pa ang aking pagsasanay. Sadista masyado na guro. Naku. Naku.
"natutuwa lang ako na nagawa ko na ng tama ang pagbunot at posisyon. Hindi mo kasi pinansin o sinabi kong tama ba. Kaya nagtataka ako. Kailangan ko pang isipin para malaman kung pwede mo namang sabihin." nakangiti kong pahayag sa kanya na aaliw at medyo nang-iinis na rin sa kanya. Nag-iwas sya ng tingin saka pinalo ang pwetan ko ng espadang hawak nya.
"balik posisyon. .nagsasanay tayo. ." Nakakainis talaga ang ugali nya, para sabihin lang na nakuha ko na ay di pa nya magawa. At kasalanan ko bang gusto kong magdiwang sa isang maliit na tagumpay kung pinaghirapan ko iyon ng higit isang araw? Napaka talaga!
Kahit naiinis ako ay pumusisyon ako at dumila ng palihim sa aking guro na walang ginawa kundi ang mamalo ng pwet, paa at kamay kapag nagkamali ang kawawa nyang estudyante.
"mag-ayos ka." Maayos naman ako, hindi ba? "wag paliparin ang utak. ."
"wala namang utak na lumilipad. Tanging pag-iisip lamang." pang-iinis ko pa sa kanya. Ano nga pa ang tawag sa ganitong istilo ng pananalita? Aah. Pilosopiya. Tama. Ang pagnanais ng tao na magbigay ng argumento at iba't ibang rason sa isang bagay.
Napansin kong napakuyom si Hassin sa tinuran ko kaya hindi nalang ako nagsalita ulit. Baka kasi makalimutan nyang pinuno nya ako at bigla nya akong sungaban at patayin. Nakakatakot pa naman sya.
"pwesto." pumwesto ulit ako at nag-ayos ng sarili. Hinawakan ko ng mahigpit ang espada na nakasukbot pa sa lalagyan nito.
"hataw." utos pa nya. Kaya hinawakan ko ang espada at humataw. Pinuntirya ko sya pero sinasangga nya lang ako ng isang kamay na para bang walang kwenta ang bawat paghataw at wasiwas ko.
Hataw. Hataw. Hataw. Pero wala pa rin. Kaliwang kamay lang ni Hassin ang winawasiwas niya at sinasalo o sinasangga ang bawat atake ko.
Ilang daang taon pa ang nakalipas, di biro lang. Makalipas ang isang buong siglo ata ay nahapo na ako. Masakit na ang kamay ko at pakiramdam ko ang bigat na ng espadang hawak ko. Ni hindi ko na ito maiiangat pa.
"pwesto." utos nya ulit sakin. Sinusubukan ko, pero ang hirap na. Bumibigay ang tuhod pati kamay ko. "pwesto." Hindi ko alam kung saan galing ang lakas ko pero pumwesto ulit ako. Kaya ko to. Yun na lang ang iniisip ko ngayon kaya inatake ko ulit si Hassin.
"Aaah!!!" hataw. Ilag. Hataw. Nakakapagod na ang pagsasanay nato. Ni hindi ko man lang napansin na lumubog na pala ang araw at ang liwanag ay papawala na rin ilang minuto o oras nalang ngayon.
"pwesto." Nakakainis na talaga minsan ang pagbibigay nya ng utos. Nakakainis na!
Sinugod ko si Hassin at inatake ng ilang beses hanggang sa naramdaman kong biglang namanhid ang bou kong katawan at biglang dumilim.
....................
Conossieor- kilalang tao dahil sa taglay na galing sa isa o maraming bagay.
Dreume- ang lalaking pinagsisilbihan o galing sa isang kilalang pamilya (akin to Master).
BINABASA MO ANG
Ang Bagong Pinuno (Genesus)
ActionSa isang bansa kung saan ang pangunahing trabaho at produktong eni-export ay talino sa pakikipaglaban, tauhan, tagapagtanggol at ibat ibang mercenaryo, paano pa kaya magkakaroon ng pagpipilian ang mga tao na piliin ang tahimik na buhay? Pero paano m...