..
Paglabas ko sa pintuan papuntang arena isang nakakabinging sigaw ang narinig ko. Napako ang tingin ko sa upuan ng aming pangkat. Naghihiyawan sila. Kamao nakataas habang ang kanang kamay ay nakasaludo at nakalagay sa dibdib tanda ng paglaban at handang paglaban para sa akin.
Tapang, takot at higit sa lahat tatag ang naramdaman ko. Oras na para binyagan ako sa Arenang ito at dapat manalo ako. Para sa lahat ng aking membro, para kay Neo at Hassin, at para kay Ezequil.
Buong tapang at tatag kong itinaas ang aking armas kasunod nun ang isang nakakabinging hiyawan. Nakita ko rin sa itaas si Miana at ang mga sayukai na nakatingin sakin.
Mananalo ako. Ipinapangako kong mananalo ako.
Nagsalita ang tagapangasiwa. Nagbigay kami ng pugay sa isa't isa at binigay ang senyas para simulan na ang laban.
"Dreume Von Lovus. .handa kana?" natatawang tanong ng lalaking naka-kahel sa akin habang naka-posisyon na ito para sa isang pag-depensa at pagsugod.
Hindi ako gumalaw, nakatitig lang ako sa kanya at nag-iisip.
Mag-isip at wag padalos-dalos. Tantyahin ang laban. Naalala kong sabi ni Hassin, ang boses nya ang gumigiya sa akin.
Tantyahin ang kalaban. Malaki sya, mga anim na talampakan, maganda ang katawan at matatag ang anyo.
Tyan, ulo, leeg pati na rin likorang parte ng binti ang mas madaling atakehin. . Tiningnan ko ang ulo, leeg at binti ng lalaki habang nag-iikotan kami.
Sumugod sya sakin.
Depensa ang pinakamalakas na opensa.Pako ang paa at matalas ang panradam, sumugod sya na agad ko namang naiwasan. Mas mabagal sya kesa kay Hassin. Hmmm. Napangiti ako. Me pag-asa akong manalo.
Sumugod ulit sya, iwas ako. Isang atake sa kanan, wasiwas sa kaliwa at sugod ulit ang ginawa ng lalaki at halos paulit-paulit lang ang ginawa nya.
Kaya ko to kung ganito lang ka bagal ang lalaki. Atake at umiwas ulit ako. Paatras at nakaposisyon ako habang nakaposisyon lang sya at nakangiti.
kung mas malakas ka sa kanya gamitin mo yun para sa atake pero wag kalimutan na ang pinakamabuting atake ay depensa.
Opensang pang depensa. Kaya ko kaya yun? Napatitig ako bigla sa lalaki. Nagsisimula na syang pawisan sa ginagawa nya kaya mas lalo ko pang naisip na mag-iwas. Mas mabilis at maliksi ang kilos ko. Nakatulong din ang sekretong pag-eensayo at pagtakbo at paglagay ng pabigat ko sa katawan kaya mas mabilis akong makakilos, at mas magaan ang pakiramdam ko sa katawan kung wala iyon. Napangiti ako. Kaya kong manalo. Kaya kong---
Napaatras bigla ako sa pag-iba nya ng atake. Paanong?--
"mali ata ang akala ko na matatalo lang kita gamit ang simpleng lakas lang Von lovus. .kung ganun humanda ka!" bigla syang nawala sa harapan ko at bigla nalang isang malakas na hangin kasunod ng malakas na tama ang naramdaman ko sa bandang tyan.
Walang hiya. Di ko napansin yun ah.
Napatilapon ako at nasalampak sa pader ng Arena at bago paman ako makatayo sinundan agad ako ng atake ng lalaki. Kusa namang tumayo ang katawan ko sabay takbo pagilid gamit ang pader. Maya-maya nalang ay nagsitahimik ang mga tao pati na rin ang lalaki. Nakaharap lang sya sa pader kung saan ako tumilapon kanina.
Anong nangyari? Anong nangyari? Tanong ng utak ko. Meron bang kababalaghan? Pero bago pa masagot ang tanong ko nilingon ako ng lalaki na may halong ngiting nakakaloko.
Mukhang di maganda to ah.
Isang mabilis na pagsugod ulit ang ginawa nya pero dahil di na ako na gulat kaya nakikita ko pa rin ang galaw nya. Mas mabagal ka pa rin kay Hassin! Sumugod ako. Naiinis at naiinis na talaga. Sukat ba namang pumatol sya sa babae at hampasin ako? Ooh na. Nasa arena kami at naglalaban pero nag-iisip pa ako nun ng bigla syang umatake. Ang daya nya.
Para akong batang nagmamaktol pero dahil sa inis na nararamdaman ko mas naging mabilis ang mga pakiramdam at mata ko. Agad kong naiwasan ang atake nya at nagbigay naman sa kauna-unahang pagkakataon ng mabilis na atake sa tyan at sinundan sa batok. Di na ako nag-isip at pinabayaan ko nalang ang katawan ko na gawin ang pambubugbog sa lalaki hanggang sa isang malakas na sipa ang binigay ko at tumilapon sya sa may pader.
Hiyawan agad ang nangyari sa ginawa ko pero heto ako di makapaniwala sa naganap. Ako ba ang gumawa noon? Paano? Para kasing sa inis ay may kung anong halimaw ang sumapi sa katawan ko at nakagawa ako ng bagay na di ko gagawin kahit sa lamok sa tao pa kaya? Pero kelangan kong manalo. Si insan, ang angkan nila Neo at Hassin, ang mga membro ng De Lovus mercenary pati na rin ng mga angkang sumusuporta sa akin at pati na rin kay Anna. Para sa kanila kong bakit kinakailangan kong manalo. Dahil Kinakailangan nila ng matatag at matapang na pinuno.
Ilang segundo pa ang lumipas at nagsisigawan pa rin ang lahat, si Miana lang ata ang nakangiti habang tinititigan nya ako. Yung ngiting me kung anong interesadong bagay syang nakita at hindi inaasahang makita. Napailing nalang ako. Masyado nya talaga kong kinamumuhian.
Nag-iba ako ng tingin at nakita ang lalaki na hanggang ngayon di pa rin tumatayo. Ilang segundo na ba ang lumipas? Panalo na ba ako? Sumuko na ba sya? Buhay pa ba sya? Sa isiping yun kaya ako napatakbo papunta sa lalaki at iniangat agad ang ulo nya. Wala itong malay pero nang kinapa ko ang puls nya meron pa naman.
Napabuntong hininga ako. Haist. Buti nalang.
Maya-maya pa ay dumating ang mga kasamahan ng lalaki at binuhat sya papuntang pagamutan kasabay naman nun ang pag-alis ko sa Arena at ang pagsalubong sa akin ni Hassin at Neo. Nagsabay pa silang lumapit at --yumakap?
Pero bago nila magawa yun at dahil nagsabay pa sila ay bigla naman silang namula ata at nagsitigilan. Napangiti nalang ako sa mukha nila at patakbo silang niyakap.
"Salamat." nasabi ko nalang habang yakap-yakap ang dalawa.
...
BINABASA MO ANG
Ang Bagong Pinuno (Genesus)
ActionSa isang bansa kung saan ang pangunahing trabaho at produktong eni-export ay talino sa pakikipaglaban, tauhan, tagapagtanggol at ibat ibang mercenaryo, paano pa kaya magkakaroon ng pagpipilian ang mga tao na piliin ang tahimik na buhay? Pero paano m...