XI-- Kabanata

34 2 0
                                    

Nang magising ako ay maliwanag na sa aking silid rumehistro din sa malaking orasan na alas otso na ng gabi. Anong nangyari kanina?

"Pinuno." napakunot ako sa lalaking pumasok saking silid, ni hindi ko kasi sya kilala.

"paumanhin. .ako nga pala si Raumen Von Dik. ." pagpapakilala nito ng mapansin ang aking pag-aalinlangan.

Von Dik? Ano nga ba ulit ang meron sa pangalan na yun? Parang andun kasi yun sa listahan na pinapaaral ni Neo sa akin o baka nasa kasaysayan yun?

"ang pamilya Von Dik ay kilala sa pagiging matalino at sa linya ng panggagamot pinsang Adelaide." pag-papaalala sakin ni Ezequil.

Ahh, Tama. Mga kasama ulit sa mga tapat na angkan na nagsisilbi sa amin.

"magandang gabi sayo doktor. .paumanhin kong masyadong mahina ang aking memorya sa mga tapat na angkan at ang mga kinabibilangan nilang posisiyon sa aking pamilya." nahihiya kong paliwanag sa batang doktor pero ngumiti lang ito at rumihistro ang dalawang biloy sa pisngi. Ang ganda rin ng mga mata nito at ang amo ng kanyang pagmumukha.

"wala lang sakin iyon pinuno. .natural lamang yun pagkat bagohan ka pa lang at di pa sanay. .pasasaan ba'y masasanay ka rin at makikilala mo kaming mga taga sunod mo."

"salamat."

"syanga pala. .me iniwan akong mga gamot para sayo sana ay inumin mo sa tamang oras at pagkakataon ng madali kang lumakas ulit."

"syempre."

"kung gayun. .aalis na ako. Masaya akong nagising ka na sa wakas pinuno bago man lang ako lumisan."

Mag papaalam na rin sana ako sa kanya ng napansin ko ang tono ng kanyang pananalita. "ilang oras ba akong tulog o walang malay doktor?"

Ngumiti muna ito na para bang naaaliw sa tanong ko bago sumagot. "hmmm. .oras. Mga limampong oras lang naman pinuno." at ngumiti ulit ito saka tinanggal ang sombrero para magbigay pugay at magpaalam.

Napaisip ako sa sinabi nya, sandali. "dalawang araw at dalawang oras akong walang malay? Anong nangyari?" nakaramdam ako ng pagkabalisa at pag-alala. Hindi ko matandaan ang nangyari.

"sobrang pagod ang sanhi ng iyong pagkawalang malay tao insan. Sinundan ito ng lagnat at simula nun ay di ka nagising. Nag-aalala na nga kami sa iyong kalagayan."

Nagkalagnat ako ng di ko alam? Ni hindi ko maalala na nagkaroon ako ng lagnat at maramdaman na sumakit ang katawan ko sa makalipas na dalawang araw.

Napalingon ako sa paligid upang makasigurado na hindi ako nananaginip pero nakita ko lang si Neo na malungkot na nakatingin sa akin habang hindi naman kumikibo si Hassin sa kanyang kinalalagyan na para bang takot lumapit sa akin.

"Hassin." tawag ko sa kanya pero bahagya pa syang nag alinlangan bago gumalaw.

"pinuno."mahina nyang sabi, ngunit bakas dun ang pag-aalala at respeto napangiti tuloy ako sa isipin na ito ang unang pagkakataon na tinawag nya akong pinuno na bukal sa puso nya't walang inis o galit.

"kung di kita kilala iisipin kong nag-aalala ka sa akin at sinisisi ang iyong sarili kaya napaka tahimik mo. Pero kung iisipin, lagi ka naman tahimik." Ngumiti ako sa kanila upang ipakitang maganda na ang aking pakiramdam. "Maaari ko bang suyuin ang aking guro sa espada na ipagluto ako dahil ako'y nagugutom? O kelangan ko munang pumwesto bago mo ako pagbigyan?" biro ko sa kanya na ikinagulat nya pero ikinatuwa naman ni Insan. Kilala nya ako at alam nya ang gawi ko sa pagbibiro. Pero gulat din si Hassin at Neo Siguro dahil sa binibiro ko si Hassin imbes na magalit o dahil sa hindi lang talaga nila yun inaasahan.

Natatawa ako sa mukha nya, siguro nga iniisip nito na kasalanan nya ang nangyari sa akin. Napansin ko kasi na wala rin silang imikan ni Neo at halos nakakabingi na ang katahimikan sa kwarto. Umalis si Hassin para sundin ang mga utos ko kaya naiwan kami sa kwarto na tila ba nagpapakiramdaman.

"pinuno. .sa susunod na araw ako na po ang mangangasiwa ng iyong pagsasanay."

Magandang ideya nga yun kaso, --"kung ikaw ang mangangasiwa sa aking pagsasanay para ko na ring tinanggap ang kahinaan ko bilang isang pinuno at babae na para bang hindi ko matatagalan ang ginagawang paghahanda sa akin ni Hassin tulad ng paghahandang kinagisnan ninyo. Isa pa para na rin nating isinisi kay Hassin ang kasalanan ng aking pagkakasakit gayong kasalanan naman ng aking katawan iyon sa pagiging mahina, kaya huwag na. .kelangan kong lumakas at kelangan kong patunayan na kaya ko. Hindi sa bawat laban ng buhay, na kung madadapa ako ay ikaw lagi ang sasalo Neo. .nararapat lamang na matutunan ko rin kahit papaano ang tumayo at lumaban para sa aking sarili."

"pero pinuno---"

"magiging malakas ako Neo. .mangyayari din yun. Wag kang mag-alala. Matatagalan pero lalakas din ako. Magtiwala ka sa'kin. Naniniwala ka ba na lalakas pa ako, Neo?"

Napatingin sya sakin ng may pagtataka at pagtatanong at kahit hindi sigurado ay sumagot ito ng isang mahinang. 'opo'.

Nginitian ko lang sya sa sinabi nya, bou na kasi ang pasya ko. Kelangan kong lumakas, kinakailangan kong lumakas at ang bawat lakas ay may kaakibat na paghahanda.

...............

Nakasandal ako sa labas ng dingding ng silid ng Pinuno. Napangiti ako sa sinabi nya, kahit naman pala papaano ay may maayos na tumatakbo sa isip nya. Huh.

Pinuno. Maliban sa pagiging nakakainis at padalos-dalos mong pasya ay tanga ka pa kung minsan. Nakakapagtaka na nga na nanggaling ka sa angkan ng mga Von Lovus at anak ka ng kilalang si Dreume Aldo Von Lovus, isa pa ang hina mo pa kompara sa susunod na pinuno ng mga Sayukai na si Miana pero kahit papapano pinag-alala mo'ko ng husto ng biglang matapos mo akong atakin ay bigla kang nawalan ng malay. Akala ko, akala ko mawawalan ulit kami ng pinuno.

Ang Bagong Pinuno (Genesus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon