VII- Kabanata

33 3 0
                                    

Nakaramdam ako na ako'y binubuhat at iniakyat paitaas, maya-maya pa'y nilapag nako sa isang malambot na kama.

Nanghihina parin ako at di ko pa magawang magmulat ng mata pero nakaramdam ako at nakakarinig sa paligid kaya naramdaman ko ang isang haplos saking mukha ng isang mainit na palad at sa ganong sitwasyon ko namulatan si Hassin na agad namang tumayo at umalis ng walang sinasabi.

Ano ba talaga ang problema ng lalaking iyon? Hindi ko mawari ang gusto nyang gawin sa buhay nya. Pero bago pa ulit ako mainis kay Hassin ay naalala ko ang pinsan ko na kanina ay binubugbog ng mga lalaki.

Napatayo ako at napatakbo papalabas ng kwarto ngunit agad naman akong pinigilan ni Hassin. Iniharang nya sa pintuan ang kanyang espada para di ako makalampas sa kanya.

"hindi ka maaring lumabas." ang tanging sabi lang nito.

"nais kong makita ang aking pinsan. Nais kong makita ang kanyang kalagayan." nag-aalala kong sabi pero nanatiling bato si Hassin at ni hindi man lang gumalaw.

"inuutusan kitang umalis sa dinadaanan ko! Nais kong makita ang aking pinsan!"

"patawad pero di ko mapagbibigyan ang iyong kahilingan." tipid nitong sagot na para bang ayaw nito akong makausap o di lang talaga ito pala kausap.

"nasaan sya? Nais ko syang makita." naiinip na ako at nangangating makaalis at malaman ang lagay ng aking pinsan.

"kasalukuyang syang ginagamot  at hindi ka makakatulong dun. Makakabuti kong dito ka nalang."

"ngunit nais kong mabatid ang kanyang sitwasyon. .nais kong malaman kong sya'y buhay pa!."

"sya'y buhay yun ang pangako ko sayo pero kung anong bali sa katawan meron sya, yun ang di ko alam."

Aist! Mas lalo akong nag-aalala sa sinabi nya. "nakikiusap ako. .gusto kong makita ang aking pinsan." naiiyak ko ng pakiusap sa kanya pero nag-iwas lang sya ng tingin at nagmatigas.

"patawad. ."

Naiinis ako sa kanya at sa katigasan nya! Naiinis ako sa pagbabalewala niya sa utos ko! Nais ko lamang masiguro na okay ang lagay ng aking pinsan, yun lang naman. Mahirap ba yun?

Bumalik ako sa loob ng silid at umupo sa may kama naiinis at galit ako sa Demong nagbabantay sakin ngayon. Pakiramdam ko'y isa akong priso imbes na pinuno dahil ayaw nyang pakinggan ang utos ko.

Nanatili akong nagmamaktol sa kwarto at ng di mapigilan ay lalabas sana ng kwarto baka kasi makalusot kaso nasa labas ng pintuan ng silid nagbabantay si Hassin.

"hindi ka makakatakas kung yan ang binabalak mo pinuno." nakapikit nitong sabi habang nakasandal lang sa dingding katabi ng pintuan.

"pupunta lang ako ng kusina at kukuha ng maiinum. Wag mong sabihing kahit yun ay ipinagbabawal mo?"

Nakita kong para itong namangha sa sinabi ko na para bang alam na nito ang larong ginagawa ko. Bakit ba nakakainis ang lalaking to?

"maaari naman." pagkasagot nya ay nagmartsa ako papuntang kusina at kumuha ng tubig at uminom. Nung una'y isang kasinungalingan lang talaga ito pero ng ako'y makainom napansin kong ako'y nauuhaw pala talaga.

Pagkatapos kung uminom ay napatitig ako sa bintana ng kusina ng may magsalita sa likod ko.

"nasa ika-walong palapag tayo pinuno, maliban nalang kung me pakpak ka makakaya mong tumalon at umabot ng buhay sa ibaba."

Tumahimik lang ako at bumalik nalang ulit sa silid at umupo ulit sa gilid ng kama. Naiinis na talaga ako sa lalaking ito!

"me pasok pa tayo. .hindi ba tayo papasok?"

"hindi."

Pero may naisip akong ideya. "Nagugutom ako. Hindi ako pa ako tapos mananghalian. Bumalik tayo sa kainan."

"hindi pwede."

"pero nagugutom na ako."

"edi magluto ka. ."

"tinatamad ako."

Nakita ko na napakunot si Hassin sa sinabi ko kaya gumalaw ito at lumapit sa akin. Halos lumuhod na ito para lang titigan ako. Napalunok ako sa mga titig nya. Ang lalim kasi ng mga mata nito at mapanuri.

"subukan mong tumakas habang nagluluto ako para sa'yo. .ako mismo babali ng leeg ng pinsan mo." seryoso nyang babala sa'kin kaya imbes na ituloy ko yung plano ko wag na lang. Mukha kasing delikado magalit si Hassin.

Tulad nga ng sabi nya nagluto sya para sakin at masarap naman ito. Hinayan nya lang akong kumain habang sya naman nakatingin lang pakiramdam ko tuloy nananalangin lang ito na mabilaokan ako.

Nabagot ako sa kahihintay kaya natulog ako kinalaunan at nagising nalang ng makarating si Neo. Agad akong lumabas ng silid at sinalubong ito.

"kamusta si Ezequil?"

"maganda na ang pakiramdam nito. Wag kang mag-alala. ."

"mabuti kung ganun." para akong nabunutan ng tinik sa narinig. Mabuti nalang maganda ang kalagayan ni insan na ngayon.

"syanga pala. .wag mo ng gagawin ulit ang sumugod. .andun naman kami para tumulong isa pa nagkakagulo sa buong paaralan. Hinahanap ka ng mga kasamahan ng mga lalaking yun. Mukhang hindi pa nila kilala kung sino ka kaya ganun sila umasta."

"hinahanap? Nagkakagulo pa rin ba sa paaralan ngayon?"

"oo. .isang local gangtia kasi ang mga iyon kaya maraming membro. Buti nga mabilis kang naitakas ni Hassin ng magsimula na ang gulo."

Napatango nalang ako sa sinabi ni Neo, kasi kaya pala pinipigilan ni Hassin na lumabas ako dahil sa maraming naghahanap sa'kin. Nakaramdam tuloy ako ng hiya at pasasalamat sa ginawa ni Hassin.

"wag kang mag-alala pinuno. .aayusin ko ang gulo. Pero bukas wag kang lalayo sa'min ni Hassin saka humingi na rin ako ng tulong sa mga naunang Rev na nagsasanay sa paaralang ito. Naka-antabay na silang lahat at nakahandang magbantay sa iyo ano mang oras kaya wala ka ng dapat ipag-alala pa pinuno."

"salamat Neo. ."

"walang anuman iyon pinuno.."

Ang Bagong Pinuno (Genesus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon