Masama na para sakin ang unang linggo pero mukhang mas magiging masama pa ito. Ngayon kasi magsisimula ang unang pag-eensayo ng pagpana, palaso, espada, baril na hindi naman ginagamit kasi isang bala pa lang ang lumalabas at ang tagal maglagay ng bala ulit. Sagabal at wala daw kwenta kaya heto ang unang gawain. Tatakbo kami ng limang kilometro kada araw, patatag ng paa at hangin daw. Sabi na eh, takbohan rin ang labas ng away. Me patatag ng paa at hangin pa silang nalalaman. Pwede naman nilang sabihing mag-aral kayong tumakbo dahil ito ang unang utos. Paghindi na kaya, takbo.
Pero hindi, nagbibiro lang ako dahil ang seseryoso nila at seryosong nakakapagod din ang tumakbo ng tumakbo ng ganun kalayo.
Pangalawang gawain sa isang araw, matutong humawak ng espada at dahil marami na ang me alam kaya hiniwalay ang wala pang alam at pinapaturuan.
"Sino ang magiging guro ko kung ganun?"
"Si Hassin." Sagot ni Neo sakin na ikinagulat ni Hassin. Sa mata nito nagtatanong kung bakit sya ang naatasan gayong mas mabuti naman ang pakikitungo ni Neo sakin. Kahit rin siguro ako magtataka saka ayaw ko rin sa kanya.
"ako ang magtuturo kay Ezequil sa espada. Mas mahirap syang turuan pagkat nakabenda at hindi pa nya magalaw ang kanyang mga paa ng maayos saka ang kanyang kamay ay may mga pasa-pasa pa rin." pagpapaliwanag nito pero basa ko ayaw nya lang talaga akong turuan, kung anong dahilan hindi ko alam. Para kasing nangingilag si Neo sa akin sa ganitong mga bagay-bagay.
Tumango nalang ako para wala ng gulo at tumingin ke Hassin ng masama. Ang tahimik at mysteryoso talaga nya saka minsan mahangin o mayabang o sadyang naiinis lang talaga ako sa kanya kung paano nya ako tratohin saka bakit ba nakatakip yung mukha nya?
"magsimula na tayo." utos nya sakin kaya naman binunot ko ang espada ko.
"Mali." mali agad? Hindi pa nga ako nagsisimula me mali agad.
"Ang pagbunot ng espada ay hindi lang pagbunot ng isang bagay. Binubunot ito tanda ng pagnanais makipagdwelo, dumepensa o ano mang rason para mabuhay."
Wala akong sinagot. Wala rin naman akong isasagot kaya tinitigan ko lang sya.
Nakita ko na napakamot sya ng ulo at naalala na si Hassin ay taong hindu mahilig magsalita kaya mas nanaisin nya na mas konti mas mabuti. Pero pasensya sya dahil ang taong tuturuan nya ay walang kaalam alam sa espada.
"Nakikinig ka ba sa klase?"
"Minsan." nag-aalangan kong sagot.
"kung ganun narinig mo ang iba't ibang uri ng espada at gamit nito sa iba't ibang bansa?"
Meron ba nun? Napaisip ako sandali na mas lalo namang ikinainis nya. "Sa Theoritical Defense na aralin iyon. Ipinaliwanag ang iba't ibang uri ng---" napatingin sya sakin at nabasa na wala talaga akong matandaan sa aralin na yun saka diba lagi naman syang tulog sa mga klase? Paanong? ---"di bale na nga lang. Simulan nalang natin sa posisyon."
Tumango ako sa kanya. Kelangan kung matutunan to at kung ano mang hindi ko napakinggan sa klase itatanong ko nalang kay Ezequil. Magaling kasi magturo yun.
"ibalik mo ang espada sa lalagyan." Agad ko syang sinunod ay binalik ang sandata sa lalagyan. Nasa gilid ko kasi nakalagay ang espada ang kay Neo naman ay nasa likod sa may batok na nakapormang 'X', kay Hassin ay nasa likod sa parteng me bewang.
Unang ipinaliwanag ni Hassin ang dahilan ng pagsout sa iba't ibang paraan ang iba't ibang klaseng espada. Depende rin sa kilos at liksi ng nagmamay-ari nito, tradition at pati na rin bigat, haba at kapal ng espada. Tulad daw halimbawa ng mga Samurai sa Japan na karaniwang nakalagay sa bewang ang espada tulad ng ginagawa ko sa aking espada. Mahaba kasi at tama lang ang lapad nito kaya nasa kilid lang ito kaisa pa ang liksi sa pagbunot nito. Ang mga taga-Europa at Amerika ay ganun din daw, ang mga mas malalapad at malalaking espada naman ay isinusukbit sa likod iwas disgrasya at sakit din daw kasi sa nagmamay-ari. Pero sabi din nya nasa nagdadala rin ito, kung saan sya sanay at saan nya mas gusto.
"Ngayon subukan naman natin ang pagposisyon at pagbunot."
Tumango ulit ako sa kanya, nakakamangha kasi ang kanyang pagtitimpi sa akin. Si Hassin kasi para sa akin ang isang taong hindi magaling sa pagtitimpi.
Lumapit sya sa akin saka binuwag ang mga paa ko. "dapat magkakalayo ang mga paa, pagmagkalapit kasi mas madali kang matumba at mawalan ng balanse, saka dapat nasa unahan ng bahagya ang isang paa, kung mas malakas ang kanan dapat kanan ang nauna saka dapat naka-piko ng konti ang mga tuhod." Ginigiya nya ako sa posisyon pero di nya ako hinahawakan. Tinuturo o tinatapik nya lang ako ng isang espadang hiniram nya kanina. Ayaw kasi nyang gamitin ang espadang nasa kanyang likoran para sa pagtuturo o pakikipag-away ng walang kwentang bagay sagrado daw ang isang espada para sa ganitong mga bagay.
"ngayon. .bunutin mo lang ang espada mo kung magsisimula na ang laban maaari ka kasing masaktan o makasakit kung bubunutin mo ng wala sa oras ang iyong sandata. .Tandaan ang espada ay sagrado. .dapat mong matutunan kong paano ito gamitin ng tama."
Napatango ulit ako sa sinabi nya, at inaral sa utak ang kanyang mga sinabi pati ang posisyon at ang tamang pagbunot ng espada. Halos kalahati ng araw akong nag-ensayo sa paghawak palang nito at isa pang kalahati para matutong humampas ng tama. Ang bigat pala nya sa kamay kinalaunan dahil nararamdaman ko na hindi ko na kaya pang iangat man lang ito sa lupa.
Natapos ang araw na masakit ang katawan ko kaya pabagsak akong natulog sa kama. Napakasarap mahiga at matulog.
BINABASA MO ANG
Ang Bagong Pinuno (Genesus)
AcciónSa isang bansa kung saan ang pangunahing trabaho at produktong eni-export ay talino sa pakikipaglaban, tauhan, tagapagtanggol at ibat ibang mercenaryo, paano pa kaya magkakaroon ng pagpipilian ang mga tao na piliin ang tahimik na buhay? Pero paano m...