XI---Kabanata

61 3 16
                                    

MULA SA MAY-AKDA:

Tribuerre mga Dreumme!

Napakarami kong ginagawa at masisiraan siguro ako ng ulo kasi ang raming magagandang istorya ang lumulutang sa utak ko. Sa dami di ko na alam ang uunahin. Pero seryoso. .tatapusin ko to at hindi ko to iiwan. Yan ay isang pangako mula sa mandirigmang manunulat na kagaya ko.

Itaas ang ating bandila, iwagayway at sumaludo.

Tuloy ang labaannnn!!

Feeuto Ton Dugos! (Fight till death!)

. . . . . . . . . . . . .

Isang piging ang naganap matapos ang pagsusulit at tulad ng kulay, me kanya-kanyang lupa ang mga kilalang angkan. Sa katunayan nakatatag at boung pagmamalaking wumawagayway ang mga bandila sa bawat pangkat. Me sari-sariling matataas na lamesa din ang mga pangkat at mga ilaw sa mga sulok, sa mukha ng lugar parang masasabi mong nagsasaya ang mga tao sa katunayan bakit nga ba hindi? Iilan sa kanila buhay at ang iba hindi kinaya. May mga umuwi na at may ibang matapang pa rin na nakikibaka.

Nakaupo ako sa pinakadulong bahagi ng hapag at sa aking likod ang bandera ng aming pangkat. Nakataas ang aking angkan at ang kulay na sinisimbolo nito at kahit papaano hindi ko maiwasan na magsaya na marami din sa aking pangkat ang nanalo at di parin sumusuko.

"Opisyal na tapos na ang pagsusulit. Magsaya at magdiwang." Nasa gitna ang isa sa mga Mistura at ang kanyang kamay ay napa kalawak ng pagkakabuka na para bang inaanyayayahan nya ang lahat sa pagdiriwang at maramdaman ang kanyang nararamdaman. " sa mga Nanalong mandirigma, Tribuerre! Sa mga natalo, Paggura Manstrud (Pagbutihin sa susunod), sana ay may natutunan kayo sa inyong paglahok sa pagsusulit. Sa ngayon tapos na ang unang pagsusulit ng indibidwal, ang susunod ay pares ngunit sa susunod na dalawang buwan pa. .sa ngayon. Magsaya at magdiwang! Buenva Ton Diaz!!!!" pag aanunsyo nya pa na ang ibig sabihin ay magsaya hanggang umaga o hanggang kaya.

Nagsihiyawan ang lahat. Me nagsabing Buenva Ton Diaz pero me iba naman na nagsabing Ke Dugos avo Buenva na sa pagkakaalala ko ay ano ulit yun??

Napatingin ako ke Neo at napakunot ng noo. Nasa kanan ko si Neo habang nasa kaliwa ko si Hassin. Sa ganitong pwesto nabibigyang kahulugan na sila ang ay nabibilang sa tapat na angkang nagsisilbi sa akin at sila ang aking pinagkakatiwalaang mandirigma.

"To Death and Merriment." Sabi ni Neo sa wikang banyaga na ang ibig sabihin ay Para sa kamatayan at kasiyaahan? Hindi ko maintindihan?

"Kamatayan at kasiyahan?" tanong ko na di makapaniwala. Nilingon ako ni Insan na salamat sa Maykapal ay buhay pa't humihinga. Sa katunayan sya ang nasa kabilang dulo ng hapag na nangangahulugang isa sya sa balanse ng aking pagkapinuno, sya ay isa sa mga taong pinakikinggan ko. Pero sa ngayon dahil malayo sya at napakahaba ng hapag o lamesa kaya tiningnan nya lang ako dahil sa naguguluhan kong mukha.

"Kasiyahan at kamatayan. Para sa iba ang kamatayan ay isang bagay na di nila pinapansin. Mas mahalaga sa kanila ang kasiyahan at ang mabuhay na habang may buhay pa dapat magsaya pagkat bukas maaring kamatayan na ang kanilang harapin." Pagpapaliwanag ni Neo sa akin.

"Me iba naman na naniniwala na ang pagkamatay ay kaligayahan kung namatay sila ng may silbi at dangal, tapat sa angkan at pangkat na kanilang kinabibilangan." Pagsasalita naman ni Hassin.

Napakurap ako, hindi sa paliwanag kundi dahil nagsalita si Hassin. Nagsalita sya at nagpaliwanag! Nag-aksaya sya ng laway para makipag-usap!

Kababalaghan!

Napangiti ako ng wala sa oras habang yumuko, gusto kong tumawa at tumukso kay Hassin pero nagpigil ako. Si Neo naman patuloy pa rin sa pagsasalita.

Ang Bagong Pinuno (Genesus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon