XIII - Kabanata

21 0 0
                                    

Hindi ko alam. Pero pakiramdam ko gusto ko ng sumanib sa mga Sayukai at atakihin din si Hassin. Para na akong mabo-buang sa ginagawang pagpapahirap na tinatawag ni Hassin na pagsasanay.

Patagal ng patagal mas mahal ko na ata ang lupa. Ayaw ko na kasing humiwalay dito. Pakiramdam ko ay malapit na kaming maging matalik na magkaibigan.

"Tayo."

Ayoko. Ni hindi ko na nga magalaw ang ulo ko para umiling. Tumayo pa kaya? Ano ka?

Ayoko.

Ayyooooookoooo...

"Tayo." Ulit nyang utos sa akin na may kalakip ng pagkainis.

Ayoko.

Ayoko.

Kung iisipin ko bang parang langaw na lumilipad lang si Hassin, pwede kaya???

"Bibilang ako ng tatlo."

Edi bumilang ka. Kelan ba ako natakot sa numero? Ha.

Nakadapa parin ako sa lupa, nagpapahinga habang direktang nakatayo si Hassin sa tabi ko.

Huminga ng malalim si Hassin. Pakiwari ko'y humuhugot sya ng lakas ng loob at pasensya na wag akong tadtarin ng saksak.

"Isa."

Pakiramdam ko parang dragon na umuusok ang ilong ni Hassin kahit hindi ko sya nakikita. Kahit pag angat lang ng aking ulo ay nakapagod na. Para na akong statwa sa lupa, ayaw gumalaw.

"Dalawa."

Bakit kaya parang mas lumamig yung paligid? Pati yung buhok sa likod ng batok ko tumatayo, nangingilabot.

"Ta---"

Napapikit ako sa inis habang biglang tayo. --"Aist!."

"---tlo."

Oo na. Duwag na sa duwag. Di ka ba matakot sa lalaking pinaglihi sa ampalaya. Ampakla ng buhay! Ugh.

"Takbo." Utos nya sa'kin.

Tinitigan ko sya. Yung titig na pwedeng pumatay, yung titig na gustong manakit, manipa, manampal at bumaril. Ha!

Tumaas ang kilay bahagya ni Hassin na para bang nanghahamon at sinasabi sa akin na, 'Ano? Me magagawa ka?'

Naisip ko tuloy kung kasalanan bang pumatay ng sariling demo?

Kahit na naiinis, sinubukan ko paring tumakbo. Sa isip-isip ko hinahabol ko si Hassin ng itak at sa takot nito ay kumaripas ito ng takbo. Napangiti ako sa larawang yun. At kahit papaano nagawa kung tumakbo.

..................................................

Hassin.

Ngumiti sya bigla, parang me naisip nanaman syang katatawanan na sya lang ang nakaka alam. Na para bang me kung anong kalokohan na naman syang binabalak. Hindi ko mawari pero hindi ko na rin napansin na napangiti na rin ako at biglang napahawak sa aking mga labi.

..........................,....................

Neo.

Nasa kabilang dako ako nakikipag duelo kay Ezequiel ng makita kung tumatakbo na naman ang Pinuno. Halata sa mukha nya ang pagod, pero makikita mo rin sa kanyang mga mata ang determinasyon. Hindi nya lang siguro napapansin pero mas bumubilis sya at lumiliksi. Doble ang bilis nya ngayon kesa dati, sinusubaybayan at inoorasan ko kasi ang bawat pag ikot nya at mas napansin kong mas tumaas ang kanyang paghinga at mas lalong tumitibay ang kanyang pundasyon.

Alam kong patago ring naglalagay ng pabigat ang pinuno nung nag sasanay sya bago ang pagsusulit. Alam din namin ang iba pa niyang paghahanda.  Alam ko na kung titingnan mukhang pinapahirapan ni Hassin ang pinuno sa pagsasanay. Pero ang totoo, inihahanda ni Hassin ang pinuno sa mas madugo pang pagsasanay. Binababad nya ang pinuno upang ma tulak nito ang pinuno sa kanyang limitasyon at mas ma diskobre ang kanyang natatagong talento. Hindi lang napapansin ng pinuno pero mas lumalakas sya.

Minsan pa nga hindi nya napansin nang hawakan nya ang pinto at pinihit ito, ay natabingi ito dahil sa pwersa. Hindi man nya napansin pero ang normal nya na lakas ngayon ay iba sa normal na lakas nya dati.

............,..................................

Naaliw ako sa larawan sa king isip. Ang mukha ni Hassin na tumatakbo at natatakot na maabutan ko. Napapangiti rin ako kasi imbes na matakot si Hassin parang umiiba ang larawan saking isip. Naiisip ko na tumatawa ito ng habang hinahabol ko. Nakita kong tumaas ang parte ng kanyang labi na para bang ngumingiti.

Aaaahh. Ang gwapo nya.

"Hinto."

Hindi ko narinig ang sinabi ni Hassin kaya hindi ko napigilan ang dumamba sa kanya.

"Aaaaaaaaahhhhh!!!!!"

Hindi ko alam kung De javu o nangyayari ulit ang pagpagulong-gulong namin ni Hassin.

Napatitig ako kay Hassin. Nanlalaki ang aking mata sa pagka bigla at pagka pahiya. Hindi ako makapaniwala sa aking katangahan. Gusto ko ng lamunin nalang ako ng lupa.

"Pinuno.... "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Bagong Pinuno (Genesus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon