Chapter 27

103K 2.6K 391
                                    

Dakota's POV.

It was the last time I spoke with Storm, hindi ko alam kung naging sobrang busy namin or talagang iniiwasan nya ako.

Dalawang bagay ang patuloy na bumabagabag sakin, why do I have to be uncomfortable, dahil hindi ko malaman ang relasyon ni Gabriella and Leo, bakit tila nagseselos ako sa tuwing nalalaman kong magkasama sila.

Pangalawa, ang ipinapakitang ugali ni Storm, hindi sya galit pero tila malayo ang loob nito sakin. He will often pick up Archer every weekends pero hindi na kami tulad ng dati na madalas ay kinukulit at nilalambing nya ako, ngayon ay nasa labas lang sya ng bahay at hihintayin hanggang lumabas ang anak namin, he will just nod and smile at me.

Akala ko ba naka move on na ako? Akala ko ba hindi ko na mararamdaman yung tila hole na iniwan nya sa puso ko nung naghiwalay kami. Alam kong nasaktan ko sya pero nasaktan din naman nya ako at hindi pa sapat ang lahat ng pinapakita nya para tanggapin ko ang lahat.

"Ano ba naman, parang sobrang ganda ko naman at hindi ako makapili at makapag desisyon" bulong ko sa sarili ko.

Bumaba ako ng bahay at naabutan ko si Archer na poging pogi sa white pants at black shirt nya, may suot din syang backpack at nanonood ng TV sa sala. Abala naman si Khristine sa kusina, marahil ay nililigpit ang pinag agahan ng anak ko.

"Hey there handsome" pagbati ko rito ng makababa ako.

Bumaling ang tingin sakin ng anak ko mulq sa TV.

"Good morning mommy, you look beautiful  today" he said and then smiled a bit.

Ang gwapo!

"Bolero ka na ha, turo ng daddy mo no?" pangloloko ko.

Saglit na sumeryoso ang mukha nya at totoong kamukhang kamukha nya si Storm doon.

"No" sagot nya. "He just always says that I should look after you"

"Para hindi ako mag boyfriend ng iba?"

"No mom, dad just simply wish for me to take care of you, lagi nyang sinasabi na hindi mo deserve masaktan and my mom's smile is the most precious thing he saw" tumingin sakin si Archer. "Mas maganda ka nga mommy kapag nakangiti ka at kapag po nakapang doktor ka"

Mas kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya, how did he know that? Matalino si Archer pero hindi ko pa kailanman binanggit ang pagiging doktor ko.

Magtatanong pa sana ako ng makarinig ako ng busina sa labas.

He's here.

Iba talaga ang dating na isang Montenegro, hindi mo pa sila nakikita pero yung kaisipan na ang presensya nila ay nakakapagdala ng kaba at excitement.

"Dad's here!" sigaw ni Archer at mabilis na tumakbo palabas.

Saglit akong sumilip sa salamin, I am wearing a white dress na may manggas at yumayakap sa katawan ko. Pinaresan ko iyon ng itim na 2 inches heels.

"Saan ang punta mo ate? May concert ka today?" tanong ni Khristine. "Ay hahaha, si ate gumet up para lang kay Kuya Storm"

"Baliw ka na" pagdi deny ko.

Bakit nga ba ako nag ayos ng ganito eh napakasaglit lang nya ako tingnan, weekend kasi ngayon kaya susunduin nya si Archer.

"Lalabas na ako, imi make sure ko lang na walang kailangan ang mag-ama ko" tila nahinto ako sa sinabi ko dahil sa terminolohiyang ginamit ko mas natawa naman si Khristine.

"Sige na ate, doon ka na at lumabas na, para naman makita mo ang nag uumapaw sa kagwapuhang asawa mo"

"Hoy" pinandilatan ko sya pero tumawa lang ito bago bumalik sa ginagawa.

WISH UPON A STORM (Montenegro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon