Chapter 16

110K 2.9K 1K
                                    

Dakota's POV.

"Hindi mo namimiss?" Celestine teased me.

"Alam mo, kung umuwi ka lang para asarin ako, bumalik ka na doon sa lumalandi sayong sundalo"

"Alam mo, pasmado yang bibig mo, sasaktan kita" Celestine glared at me.

"C, alam mo, nasaktan ka. I get it but give chance to that man, he sounded serious sayo base sa kwento mo, ang taray ng love story nyo ah, iba't ibang bansa pero madalas kayong pinagtatagpo"

"D, bigyan mo na din kasi ng chance si Storm, malay mo naman"

Natigil ako sa pagsusulat ng diagnosis ko dahil binanggit nya na ang pangalan ng kapatid nya.

"I want to test his patience, malay ko ba kung seryoso na sya, last time nung niyaya nya ko sa kasal, bigla syang nagbago, hindi ko alam"

"Talk guys, alam mo naman, malulungkot si mommy kapag naghiwalay talaga kayo pero ako, kung saan ka masaya, kahit kapatid ko sya, kapag sinaktan ka pa nya ulit, hindi ko ipapa tolerate sayo"

I smiled at her, bahagya ko ring sinandal ang ulo ko sa balikat nya.

"Sana talaga naging lalaki ka na lang"

"Eew Dakota, spare me" sabi nya habang tumatawa. "I love you D, you know that right?"

"Hmm" sabi ko habang tumatango.

"I will always be here for you kahit na anong mangyari, magkaibigan tayo"

"Thanks C, I love you too"

I sat down on my office and stared at the clock, kailan ba ako huling umuwi sa bahay? That was a more than a month ago, the last time I saw Storm was more than a week ago.

Hindi kaya nagalit sya dahil hindi ko pa rin sya kinausap? Sumuko na ba sya? Ang bilis naman.

Dinadala ko lang naman sya, para na rin sa anak namin. If he really wants to start, we have to do it in the right way.

Hindi pa ako ganoon ka maru-proof pero I am getting there.

I sighed. In-stretch ko ang kamay ko at hinawakan ko ang tiyan ko. Six months na ako ngayon. 3 more months at mahahawakan na kita anak.

Hindi pa ko nakakaisip ng pangalan pero kapag ayos na talaga kami ni Storm ay hahayaan ko syang magpangalan sa anak namin. I decided na wag na lang munang alamin ang gender ng baby ko, balak ko sana sa susunod na check up ko ay isasaka ko si Storm at sabay naming malalaman.

Ang rupok ko.

I stood up and went to the nursing station.

"May schedule pa ba ako for today?" I asked  Nurse Joan.

"Ay wait dok" she opened up our scheduler file sa laptop at saglit na sinuri iyon. "All clear ka na today doktora"

"Si Leo?"

"Ay si dok pogi? Nasa OR pa po, kaka start lang ng operation, medyo matagal po iyon"

"I see, tell him na lang na umalis na ako, nagsend kamo ako ng text" sabi ko habang nagsisimulang magtype ng text sa kanya dahil for sure hahanapin ako nun.

"Saan ang lakad doktora?" tanong sakin ni Nurse Jane. "Ay mukhang uuwi na sa poging asawa" pang aasar nito na tinawanan ko na lang.

Ganun ba ako ka obvious?
Nag goodbye wave na lang ako sa kanila bago nila ako asarin pa.

Uuwi lang naman ako, ichecheck ko lang kung humihinga pa sya. Asawa nya pa rin naman ako. I have to check on him or maybe cook a little.

I decided na mag-usap na kami and maybe fix our relationship, he said he doesn't want us to leave him.

WISH UPON A STORM (Montenegro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon