Dakota's POV.
"I want to try the new pasta shop sa Ayala" sabi ni Celestine while we are washing our hands. Kakalabas lang kasi namin ng operating room, the surgery took about 4 hours.
"We can go, ako na lang mag drive" sabi ko sa kanya.
Mahigit isang buwan na rin ang lumipas pagkatapos yung ginawa kong kagagahan. Paris ran away and Storm followed her, their wedding got called off pero dahil parehas silang galing sa mayayaman at malalakas na pamilya ng bansa, walang lumabas na balita. The only sad part was, itinakwil na ako ng mga magulang namin, my Dad was so mad at me, he said I was a disgrace and that he wish na hindi nya ako naging anak. I was hurt pero naiintindihan ko ang magulang ko, natatakot lang sila for Paris, ayaw nilang sumama ang loob nito dahil sa history ng sakit nya. They took all of my credit cards, ari-arian, even my own condo. What was left is my car na binili at inipon ko years ago.
I was really thankful na pinag-aral nila ako and I was really passionate about my work. Hindi nila ako inalis sa ospital, maybe they wanted to but this hospital is owned by Celestine now. Nagalit din sya sakin, she said I was stupid and impulsive, na nasaktan ko din ang kapatid nya. Isa o dalawang linggo rin syang galit sakin pero she did forgive me.
I am currently renting Celestine's condo, she is giving it to me na or I can pick whatever condo I want daw and she'll pay for it pero tumanggi ako, I still insisted to pay her for the monthly rent.
May chineck-up pa si Celestine kaya naman naiwan ako rito sa opisina ko mag isa.
Naisipan kong buksan ang IG ko.
I smiled ng makita ko ang bio ko rito.
So cliche but cute.Hindi ko sinasadyang ma click ang refresh button ng homepage kaya naman nag refresh ito at bumungad sakin ang instagram post ni Dalfon Storm.
Surprisingly na hindi nya ko blinock sa social media nya. I felt the familiar pain ng mag load na ang post nya mismo.
It was my sister in the photo, sitting down from somewhere, drinking coffee. It looks like a stolen shot, if I didn't dye my hair brown again ay maiisip ko na ako ang nasa picture na iyon.
I smiled bitterly when I read his caption.
Two of my favorites in one picture. Coffee and her 🖤
Huminga ako ng malalim, kahit papano ay nabawasan ang bigat sa loob ko. They we're able to fix their relationship. Para siguro talaga sila sa isa't isa.
Tumayo na ako at kinuha ang bag ko pero napahinto ako ng parang biglang umikot ang paningin ko pero ilang saglit lang ay nawala rin ito. Nahihilo siguro ako dahil sa kakaisip at bihira lang din akong makatulog ng maayos, pagod pa dahil sa propesyon ko.
Napalingon ako ng makarinig ng katok sa pintuan ng opisina ko na bukas na pala. Celestine is standing there at wala ng suot na coat, she is just wearing his normal black pants and pink polo. Nangangamoy ang chanel perfume nito sa buong opisina ko na dumadagdag sa sakit ng ulo ko.
"You okay?" she asked. Tumango naman ako dito. "You don't look fine to me, namumutla ka"
"Nahihilo at sumasakit lang ulo ko"
"Double shift pa, I already told you kasi na wag mo na kong bayaran sa condo. I am not using it, I know it's hard for you, you're a Sy! Just like me, born with a golden spoon. Hindi ko din magets si tito at tita, how come they can do this to you, parehas lang naman kayong anak"
Hindi maayos na pumapasok sa utak ko ang sinasabi ni Celestine pero ayoko ng sumagot sa kanya. Ayoko lang isipin ang magulang ko dahil masakit ito para sakin.
BINABASA MO ANG
WISH UPON A STORM (Montenegro Series #2)
Romance(COMPLETED) Montenegro Series #2 A drop of tear fell into the invitation I am reading. Umiiyak na pala ako. Ilang buwan at gabi na ba akong umiiyak. Ilang buwan na din silang engaged pero hindi ko matanggap. YOU ARE INVITED TO OUR WEDDING Paris Mari...