Chapter 9

91.8K 3.1K 1.1K
                                    

Dakota's POV.

"Oh, so you know each other?" Leo asked. Uminom si Leo ng beer.

Nakahinga na ako ng maluwag kanina dahil nagtuloy na silang mag inuman at hindi nila pinansin ang komento ni Storm kanina.

Mabilis na naubos ni Leo yung beer at nilapag sa gilid nya, he was about to open another bottle pero kusang gumalaw ang kamay ko para awatin sya.

Nakangiti akong nilingon nito.

"Too much, magda drive pa tayo pabalik" sabi ko dito. "Tipsy ka na"

Napigil ko ang paghinga ko ng isandal nya ang ulo nya sa balikat ko at naramdaman ko ang paghinga nya sa leeg ko.

Mabilis na lumibot ang mata ko sa paligid. I saw Brent and Audi laughing at huling bumagsak ang tingin ko kay Storm na nasa harapan ako, napalunok pa ako nung ubusin nya yung alak ng nakatingin sakin ng diretso.

"Leo" bumaling ako sa nasa tabi ko. He is being clingy and cute.

"You always smell good, I can't wait to always wake up next to you" bulong nya sakin, nasa ganoon pa din syang posisyon at halos yakapin na ko.

Nagulat ako ng basain ng tubig ni Brent si Leo kaya napabangon ito.

"Hoy Leonardo! Matutulog ka na, umiinom pa tayo!" Brent said.

"Narinig mo ba ang sabi ng misis ko, tama na daw uuwi pa kami-

"Are you guys living together?" natigil kaming lahat sa tanong ni Storm.

"Not yet" Leo answered. Hawak nya ang bote ng alak pero hindi na umiinom dito. "Why so curious cous, how do you know each other ba?"

Tila natigilan si Storm sa tanong, maski ako ay hindi makakilos, nagsasalit-salitan ang tingin nya samin.

"She's- kakambal sya ng dapat mapapangasawa ko" Storm answered.

And that broke my heart again, yun lang naman talaga ako sa kanya, kakambal lang ni Paris. Umiwas ako ng tingin at pinigil ang emosyon ko.

"Babe, you didn't tell me that!" baling ni Leo sakin at nag pout pa. Natuwa ako sa arte nito dahil parang bata.

"I told you diba, my sister and I are not in good terms kaya yun" pagdadahilan ko na lang.

"Kaya pala curious na curious itong si Storm kay Dakota, kamukha naman pala ng bebe nya" Brent said, lasing na ito.

Hindi ko mawaring pano nilang nagagawang magkwentuhan ng kaswal na parang hindi sila matagal nagkahiwa-hiwalay. Ganoon ba pag lalaki? Or ganoon pag magpipinsan? Wala kasi kaming pinsan kaya hindi ko alam ang pakiramdam.

"Nagugutom ka na ba?" bulong sakin ni Leo. Nakasandal naman ngayon ang baba nito sa balikat ko.

"Ang bigat mo" mahinang bulong ko dito pero mas dinantay nito ang baba nito.

"Kumain ka na ba? Pinakain ka ba nila mama?" tanong nito sakin.

Hindi ko napansin ang oras, tatlong oras mahigit na pala ang lumipas simula ng dumating ako rito.

"Nagugutom na" sabi ko. Nagulat ako ng tumayo ito at i offer sakin ang kamay nya. "Tara na" he asked me kaya naman kinuha ko na ang kamay nya at tumayo na ko.

Pero parang mali iyon dahil mas nakaramdam ako ng hilo na tila nabibingi ako at sumisikip ang paligid. I held my two hands kay Leo and I felt him supported me.

Madalas kasi akong magsuka at mahilo.

"Kakain muna sya sa loob, not sure if makakabalik pa ko baka kasi mag drive na kami pauwi, hindi kasi maganda ang pakiramdam ni Dakota" I can hear him explaining pero naka focus ako sa hilo ko.

WISH UPON A STORM (Montenegro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon