Chapter 2

102K 2.9K 827
                                    

Dakota's POV.

"Good evening Ms. Dakota" pagbati sakin ng guard na nagbukas ng gate ng mansion namin.

Ngumiti ako dito.

"Kumain ka na po ba Kuya Danny?" tanong ko dito.

Nahihiya naman itong umiling at nagkamot ulo.

"Sa bahay na lang po siguro miss, parating na din naman si Berto para palitan ako sa duty" sabi nito.

"Kuya Danny naman eh" sabi ko at kinuha ko yung 2 bucket ng chicken at bilao ng palabok na dinala sakin ng isa kong pasyenteng may ari ng isang fast food chain kanina, inabot ko ito sa kanya. "Ayan, paghatian nyo yan ni Kuya Berto. Next time wag kayong magpapalipas ng kain, mahalaga kayo samin kasi kayo ang nagpo protekta samin"

"Salamat po Ms. Dakota, napaka swerte namin sa inyo ibang iba talaga kayo kay Ms. Paris" sabi nito.

"Mapagbiro ka talaga kuya, sige po. Una na ako" sabi ko at sinarado na ang window ko at ipinasok na sa garahe namin ang kotse ko.

Nung makalabas ako ng sasakyan ay doon ko lang narealize na tila mas madami kesa sa usual na kotse namin ang naka park ngayon.

Ipinagbalewala ko na lang iyon dahil baka tauhan or kliyente nila Dad ito.

Umakyat ako sa front door at binuksan iyon.

"I'm home!" sigaw ko pero halos hatakin ko pabalik ang pagsigaw ko nung marealize ko kung sino ang nasa living room.

Ang mga Montenegro kasama ang pamilya ko.

"Dakota!" nagulat ako ng may mabilis na yumakap sakin. "I miss you so much my little sister"

Pinigilan kong tumaas ang kilay ko, just because you're 8 mins early sa paglabas ko eh mas matanda ka na sakin.

I looked at her, she is smiling brightly to me. Mas nainis ako sa katotohanan na she died her hair black again kaya looking at her feels like I am looking in a mirror.

"Aww natulala sya, nagandahan ka sakin sis? Same na tayo ng hair color dahil ayoko namang blonde hair ako sa wedding day ko" sabi nito and that hit me.

Sa sobrang ginugugol ko ang oras ko sa kaka trabaho trying to forget.

I wanted to just move on and just forget about him. Nakipag date ako, lumabas, nag party pero wala. Sya pa din.

"I miss you too" sabi ko at lumapit para yakapin si Paris. I sincerely missed her. Alam naming dalawa na nasasaktan ako pero kapatid ko pa din sya, I can hate her forever but I will always care for her.

Paris smiled at me genuinely.

"Daki" nagulat ako sa tumawag sakin, alam ko ng nandito sya pero nung tawagin nya ko at sa nickname pa na binigay nya sakin. "The last time I saw you hindi ka pa ganito kaganda" biro nya.

I faked a smile. Seeing him makes my heart beats so fast as well as hindi ko mapigilan ang unti-unti nitong pagkadurog.

"Storm" formal kong pagtawag sa kanya.

"Why so formal?" natatawa nyang sabi at niyakap ako na syang nagpagulat pa sakin. Gusto kong maiyak kasi ito yung totoo eh.

Ito lang ako sa kanya. Isa lang akong kababata, isa lang akong kaibigan at ang mahal nya ay ang kapatid ko.

Si Paris ang nagpahiwalay sa amin.

"Babe, let my sister, say hi to your parents" sabi ni Paris.

"Oh sorry babe" sabi ni Storm na umakbay sa kakambal ko.

"Tita Aki, Tito Thunder, good evening po" sabi ko.

WISH UPON A STORM (Montenegro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon