Chapter 5

92.4K 2.7K 567
                                    

Dakota's POV.

Mabilis akong nagda-dampot ng mga damit kong nagkalat sa unit.

"Ah-uhm wala kasi si Celestine, she went to Cambodia. Opening ng hospital nya" sabi ko habang nakatalikod at patuloy na nagpupulot pero to be honest, ayoko lang syang tingnan.

I feel so guilty and awkward.

Nung hindi ko marinig ang pagsagot nya ay napilitan akong humarap, baka mamaya nilayasan na pala ako. Todo kwento pa ko dito.

I instantly stopped breathing ng pagharap ko ay malapit na pala sya sakin. Iilang dipa na lang ang pagitan namin at sinalubong ako ng seryosong pares ng mata nya.

I immediately stepped away, hindi ko alam pano ko yun nagawa. Mabilis kong hinagis sa basket yung mga damit at coats kong pinagpupulot ko kanina.

"I can call her and let her know you're here, sige aalis na din ako" sabi ko at akmang tatalikuran na sya ng-

"Why are you here?" he asked.

Hindi ko alam pano kong nagawang titigan sya, I smiled. Wala siguro syang alam tungkol sa naging kapalit ng ginawa kong kalokohan and it's better that way.

"Ah, I just need a place to stay near the hospital dahil madalas na ang shift ko, hindi naman pwedeng magdrive pauwi lagi pero I can go now, uuwi rin talaga ako sa amin" sabi ko na lang.

"Okay, I am spending a week or two in here to do something and since malapit tong condo ni Ate sa area na kailangan ako, I am planning to stay here and ayoko ng bigyan si Paris ng kahit na anong dahilan para magalit, I don't wanna be associated with you"

I bit my lip hoping that will stop my heart from breaking. Pakiramdam ko ay nasu suffocate ako and I just want to breakdown right in front of him pero I managed to smile.

"Yeah, tamang-tama. Aalis na din kasi talaga ako kaya pwede mo ng gamitin to, let me just pack up some clothes and I'll leave right away"

Kahit na nasasaktan ako, nahihiya ako. Nahihiya ako sa ginawa ko at para sakin wala akong karapatan na makaramdam ng kahit na ano. It was my fault. May karapatan syang magalit at itaboy ako.

Hindi sya sumagot pero nanatiling nakatingin ito sakin kaya dahan-dahan akong humakbang papalayo at nagmamadaling tinungo ang dressing room to pack my clothes. Mabilis akong nagpalit ng pants and wore a white polo. Hinanda ko din ang maleta ko and sadly hindi kasya kahit kalahati ng damit ko na narito sa condo but I still pack kung anong kasya at ilang necessities ko.

Hila hila ko ang maleta ko at palabas na ng marinig kong mag-alarm ang cellphone ko. I immediately ran for it, I snoozed the freaking reminder!

Eksaktong papalapit doon si Storm ng mabilis ko itong damputin para itago. Weird nya naman akong tiningnan. Habol-habol ko pa ang hininga ko bago nagmamadaling i turn off yung reminder. Mabuti ay mabilis ako and I got there before him.

I mentally apologized to the little one in my womb.

Anak, nasa harapan natin si Daddy, can you feel him? Remember this anak, hindi kasalanan ni Daddy na hindi nya tayo kayang piliin.

Hindi rin dapat pang malaman ni Dalfon Storm ang tungkol sa anak namin, they are okay. Okay at masaya na sila at hindi ko na kaya pang maging dahilan ng panibagong sakit sa kanya.

For him, it was a mistake but for me it was something to remember, it was a blessing. Painful yet worth it.

Mas kumunot pa ang noo nya ng umatras na ulit ako at ngumiti sa kanya.

"Sorry about that, I'll go ahead, babalikan ko na lang yung ibang damit ko-

"There is no need for that, I'll have someone send it to your house, hindi na kailangan pang bumalik ka dito" natigilan ako sa seryoso nitong pagkakasabi. "I know what kind of woman you are now Dakota, please don't act all innocent and kind"

WISH UPON A STORM (Montenegro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon