Chapter 6

93.3K 2.8K 671
                                    

Dakota's POV.

"Please don't tell Ate Celestine that I was here, makakarating kay Mom, okay lang sana kung si Dad lang ang makakaalam but mom? No way" sabi nito bago kumain ng fries.

Natatawa ko naman syang tiningnan. Ang takaw nitong kumain grabe, kumain na lang kasi kami sa Mcdo. Nag crave ako ng McFlurry and Nuggets.

"I really can't believe, been hearing a lot from you kapag umuuwi dito si Astrid tuwing vacation nung maliit pa kami. You grew up outside the country with Ate Celestine"

"Small world, gusto ko lang talagang mag apologize dahil nasungitan kita kanina didn't know that you are really close with Tito Thunder's family lalo na kay Ate Celestine"

Napangiti ako, Leo is the first born of Tito Cloud and Tita Luna, nakakatandaang kapatid ni Danica Astrid. She is younger than us ng 6 years. Remember nung sinabi kong Celestine grew up abroad dahil inaalagaan sila ng Lola Sunshine and Lolo Saros nila, it turns out di lang pala sya ang nag iisang apo doon. Leo grew up with her. I know Astrid because sya ang madalas bitbit pauwi ng bansa nila Tita Luna.

"So are you also close with Storm?"

Muntik ng matapon yung iinumin kong tubig dahil sa tanong sakin ni Leo. I faked a smile at dahan-dahang umiling.

"Hindi"

Pagsisinungaling ko.

Kung hindi siguro kami lumaki ng magkasama hindi ako mapi friendzone ng ganito.

"I see, iba kasi yung pinsan ko na yun, he is aloof and always masungit but he is cool. Hindi kasi kami masyadong close dahil hindi naman kami lumaki ng magkasama"

"I see" yun na lang ang sinagot ko. Ayoko na kasi talagang pag usapan pa si Storm.

Nagsimula na akong mag cut ng chicken fillet ko pero parang nahihirapan pa ko kaya nagulat ako ng kuhanin yun ni Leo and he did the work for me.

"There" he said as he handed my food back.

Napatigil ako ng ngumiti ito sakin, revealing his dimples na for sure ay galing kay Tito Cloud but he got this feisty eyes na naghuhumiyaw na anak sya ni Luna Valderama-Hermosa.

Ano ba naman yung genes ng pamilyang to, nakakainggit!

"Thank you" sabi ko dito.

"So why are you back here in the Philippines?" tanong ko.

"To see you" diretso nyang sagot muntik na kong ma choke. "Just kidding" tapos tumawa ito.

Tinarayan ko naman ito. Bwisit, mapang-asar pero nakakatuwa na I can sense he is a good person. Magaan ang pakiramdam ko sa kanya.

"Bakit ka nga nandito?" tanong ko ulit.

"I got an offer from a prestige hospital here in the country" sabi nito.

"Are you saying na, doktor ka din?" para akong batang nakangiti sa kanya habang tumatango-tango naman sya.

"Pediatrician to be exact" sabi nito at nilabas ang license nya na galing pa sa amerika.

"Bakit di mo sinabi agad?! Kaya mo naman palang gamutin ang sarili mo, jusko naman!" sabi ko pa at binato sya ng tissue.

"I already told the nurses that I can handle myself, kita mo walang lumalapit sakin kaso ikaw yung lumapit and napaka demanding ng itsura mo kaya wala na kong nagawa, isa pa hindi naman dapat ako pupunta doon kaso kailangan yung statement ko ng police kaya sinama na ko sa ospital" mahaba nitong explanation. "Now I know why God want me to be there" he looked at me intently.

WISH UPON A STORM (Montenegro Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon